Papel.
Kung saan nakasulat,
Mga salitang hindi matapat.
Mga salitang naiwan.
At Hindi na nasabi pa.
Marami akong gustong sabihin.
Ngunit hindi ko maamin
Sa takot na pag nasabi ko
Ang tadhana ay maglalaro.
Hanggang sa dumating yung oras na,
Na lumabas lahat,
Lumabas ang mga salitang matagal ko nang gustong itapat.
Akala ko lalayo ka.
Ngunit nakisundo ang tadhana.
At tinupad ang aking pangarap.
Mas naging malapit tayo sa isa't isa,
Habang tumatagal,
Ay mas lumalalim ang pagkakaibigan,
Na hindi ko inaasahan,
Na mangyayari pala.
Maraming nagisip,
Maraming nagtanong,
Maraming nagtaka,
Anong meron sa aming dalawa?
Kami ba?
Napaisip ako bigla.
Kami nga ba?
Tumagal ang ating pagkakaibigan ng dalawang taon at dalawang buwan,
Hindi ko alam kung pagkakaibigan nga ba,
Ang ating turingan,
Pero ang alam ko na lang ngayon,
Ay masaya akong kasama ka.
Ngunit hindi ko inaasahan,
Na may dadating na panahon na kailangan mong lumisan,
At ako'y iiwan,
Hindi ako naging handa.
Hindi ako naging handa.
Naglabas ako ng papel at panulat.
Isinulat ang mga salitang,
Hindi ko matapat.
Tinapos ko ang ating pagkakaibigan.
Tinapos ko sa pamamagitan ng papel at panulat.
Hindi ko alam ngunit pagkatapos ko iabot ang sulat.
Pakiramdam ko ay gumuho na ang lahat?
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Nagsimula sa salita,
Nagtapos sa sulat.
Umalis ka ng walang paalam.
Habang ako? Heto.lumuluha.
Nanghihinayang sa aking sulat.
Pagkatapos ko mabasa ang iyong huling mga salita.
"Mahal kita"
Mahal din kita.
Oo matagal na.
Oo noon at ngayon.
Kaso huli na ang lahat.
Umalis ka na.
Wala ka na.
Hanggang sa papel na lang ang aking mga salita.
Mga salitang hindi mo na maririnig pa.
Mahal na mahal kita
Sana ay ito'y iyong mabasa
Sapagkat ito'y mga salitang
Sa papel ko lang matatapat.
Sa papel ko na lang matatapat.
Hanggang sa muli, mahal.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
Thơ cacompilation of my poems. mostly are spoken words poetry about love. :) please read this book! if you also want me to make you a poem, i would be happy to do it. :)thank you!
