Hinahanap kita
Sa bawat mukha at sa bawat boses
Sa bawat aninong nagdadaan
Sa bawat lugar na dati'y pinupuntahan
Sa mga bagay na dati'y pinagsasaluhanHinahanap kita
Sa mga regalong mong nasa sulok ng kwarto
Sa unan kong minsa'y hinigaan mo
Sa mga sulat mong ilang beses ko ng nabasa
Sa mga larawan nating naitago ko paHinahanap kita
Sa mga kantang pinapatugtog sa radyo
Sa mga karakter sa pelikula't libro
Sa bawat tula at kwentong sinusulat ko
Sa bawat bagong taong nakikilala koHinahanap kita
Hinahanap pa din kita
Hahanapin at hahanapin pa din kita
Kahit wala na, wala ka na
YOU ARE READING
Snippets
RandomCompilation of notes written on table napkins, back of food receipts, post-its or edges of my work notebook.