Eto na. Eto na ung 1st Chapter na talaga namang pinagbuhusan namin ng time ni hancock04.:))
========================
CHAPTER 1
Shocks!
Di ako magaling sa ganito.
He knows it very well and yet nakuha pa rin nya akong i-volunteer.Tsss..
Sayaw ba? E parehong mga kamay tong dalawa kong paa!
Naglakad ako ng padabog papunta kay Kirby.
"Hoy lalakeng epal, bat mo ko vinolonteer? Nagkapalit ba tayo ng pangalan ng di ko nalalaman? Masasabunutan na talaga kita."
"Volunteer? What are you talking about Dada?"
Nagmaamaangan pa! Ang kafal ng pagmumuks.
"Sabi nila sama daw ako sa presentation at ikaw daw ang nagsabe sa kanila na gustong-gusto kong magsayaw! Bwisit ka talaga! Makakalbo ako sa'yo sa inis!" Imbes na siya, yung sarili kong buhok ang nasabunutan ko.
"Hindi ba? Mahilig ka naman talagang sumayaw di ba? Nakikita kitang sumasayaw sa kwarto mo tuwing gabi.." He said not daring to look at me instead tumingin sya sa computer nya.
"Haler? Di lang gabe, pati pag naliligo ako. Ahhh wait, yun nga eh..Ako ang mahilig, yung sayaw di ako hilig!" Nagpapadyak pa ako parang bata. "Bawiin mo yon, kebkeb! kung hinde..kung hinde..."
"Kung hindi?" tumingin na sya sakin this time at nakataas ung isa nyang kilay..
"Kung hinde... ano.. H-Hindi ako sasama sa dinner mamaya." I said giving him my smirk. Natulala sya sa sinabi ko.
"What? No backing out! We already planned that and everything's ready. Don't be such a baby. It's Just a dance." Sabi niya sa ken na may konting pasigaw. Napatayo na si Kirby at hinarap ako. Matagal na kasi naming napag-usapan yung dinner na yon eh.
Control freak! Gusto sya laging nasusunod! Nakakainis! Kaya nga ako sumugod sa cubicle nya para pilitin syang sundin ang gusto ko but in the end ata ako pa rin ang susunod sakanya! Di ako papayag!!
"O-Okay.. But in one condition.."
Natigilan si Kirby. Nakita ko ang pagdududa sa mga mata niya.
"Ahm, let's hear it out first bago ako mag-agree. Baka ano pa yan." Alang tiwala eh.
"Be my dance partner." Un lang ang sinabi ko at umalis na ako sa cubicle nya. Di ko na hinintay ung sagot nya. Di naman kasi tanong yon e, command un. Haha. Akin ang huling halakhak. Mwahahaha. Akala nya siguro. Wais to pre.
Nakikita ko rin kaya syang sumasayaw sa room nya. -____-
========================
Thanks for reading!
Comment??
Vote??