Prologue
"Kebkeb...uwaaaaa.." Iyak ng anim na taong gulang na si Darylle.
"Tsk. Iyak ng iyak. Bakit na naman ba?" Inis na sabe ni Kirby. Ayaw na ayaw nya talagang nakikita or naririnig na umiiyak si Darylle. Nakakrindi at nakakairita kase ung pag-iyak nito.
"Huhuhu..kashe yung si Johnjohn..sinok..tinawag akong..biik..uwaaaaaa.." Nagsunodsunod ang pagsinok ni Darylle. Mga ilang minuto pa bago siya nakapagsalita ng pautal-utal ulit.
"Di naman..huk..ako..mukhang..huk..huk..ganon diba?" Tanong niya na may pagmamakaawa sa mata. Pilit na pinapahid ni Darylle ang naguunahan nyang mga luha gamit ang matambok niyang mga kamay.
"Tss." Yun lang sinabi ni Kirby pagkatapos umalis siya. Akala ni Darylle ay nainis na naman si Kirby sa kanya. Lalong umagos ang masagana niyang luha.
Mayamaya bumalik si Kirby pero hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Johnjohn. Naisip ni Darylle na dinala siya ni Kirby para lalo siyang asarin. Pero nagulat siya ng magsalita si Johnjohn.
"Sorry na Darylle. Hinde na kita tutuksuhin ulit..uhm..basta! Sorry talaga." Pautal-utal siyang nagsalita na para bang may kinatatakutan siya.
"Bad ka! Pero sige na nga, bati na tayo. Wag mo na ako tutuksuhin ulit na biik ha? Di naman ako mataba eh." Pinout ni Darylle ang kanyang bilugan na mga labi tapos ngumiti na siya na para bang walang nangyari. Niyakap niya si Johnjohn dahil sa saya na wala na siyang kaaway ngayon. Ayaw na ayaw kasi niya ang may kagalit.
Nagulat si Kirby sa pagyakap ni Darylle kay Johnjohn. Sa di mabilang na pagkakataon, nainis na naman siya..pero hindi nya alam kung baket...
__________________________________________
vote?
comment?