Sasa meets Carl

127 0 0
                                    

well, ikukwento ko muna kung pano kami nagkakilala ng aking pinakamamahal.

intrams namin sa school, hindi naman ako magaling sa mga ganyang sports kaso napilit ako ng beking friend ko na si mikey (michael sa totoong buhay. hehe) player kasi siya ng section namin, so ayun jumoin ang beauty ko sa volleyball. sa hindi sinasadyang pagkakataon e boyfriend pala ng isang player sa section charity si Carl. 

ayun sige ang laro ko, tira dito tira dun.. pero palaging sablay. ok lang daw yun sabi ni mikey may mga kakampe naman ako at alam naman ng mga classmate ko na hindi talaga ako naglalaro ng volleyball kaya nakaalalay lang sila saken. 

after ng game naman versus charity, nakasalubong ko sa cr yung gf niya. e bitch naman pala ang mga tropa nun, pati yung gf niya ay bitch din. well, wala sana akong pakelam sa kanila kaso biglang nagsalita yung isang friend nung girl, 

"o! ayan na pala yung player ng benevolence na aanga-anga e!" sabay ngisi at tinignan ako mula ulo hanggang paa. 

ay maldita! wait lang te ha, hindi pa ako fresh e.. kelangan ko pa magpafresh e. hahahaha..

edi sumaglit ako sa cr ng girls. naghilamos at nagmuk-up, then gumora ako sa bench nila kasi umalis sila sa tapat ng cr e. 

"hi! kayo ba yung mga babaeng nasalubong ko sa girls cr?" nakangiting bati ko sa kanila.

nagkatinginan silang lahat, at ibinalik ang tingin sa akin.

"kami nga!" mataray na sagot ng isang mejo chinita at pangong babae. 

"alam ko." kalamado pa ring sabi ko.

"May naiwan kasi ang kaibigan niyo sa cr e," sabi niya sabay baling sa babaeng dumaot sa kanya kanina. 

"ito o!" sinampal ko sa kanya ang isang papel na may putik.

nagulat lahat ng kasama niya, walang nakaimik.

well, its my turn to talk.

"wag na wag mong uulitin ang ginawa mo saken kanina at baka sa susunod e dukutin ko na yang mata mo! inggitera! hindi ka kasi maganda! gusto mo sabihin ko lahat ng mali sa itsura mo?" tuloy-tuloy na sabi ko. 

nakahakot na kami ng audience, xempre andun ang best friend ko. todo suport, yung mga kaibigan naman ng malditang kaaway ko, ayun waley ng gawa. buti ng sa kanila.

"alam mo feeling maganda ka e, pero sa totoo lang kung wala kang pambili ng make-up at pamparetoke ng ilang part ng mukha mo hindi ka gaganda! kala mo ba walang nakaka-alam na 'yang ilong mo ay pinaretoke mo lang?! you poor little girl, ambata-bata mo pa nagparetoke ka na! at yang sungking ngipn mo, akala mo ba ikinaganda mo yan? loooooooooseer! tandaan mo! hindi ko kelangan ng mga ganyang bagay para gumanda! inggitera!" sabay walk out pagkatapos ko magsalita.

nakita ko si mikey path way kung saan ako dadaraan, nakangiti, ngiting wagi, umabrixete ako sakayan after naming mag-hi five. at sabay kaming humalak-hak.

"buti nga sa mga yun! mga chaka naman kung mag-inarte kala mo kagandahan!" suporta saken ni mikey.

after ng lahat ng game sa araw na iyon, nilapitan ako ng grupo nila Carl, akala ko naman aawayin ako, yun pala.....

"hi! i heard what you just did with anna after your game." nakangiting sabi ni Carl, hindi nagalit? ay! kaloka! ahahaha..

"yeah! so aawayin mo ko?" alanganing tanong ko. nagkatinginan kami ni mikey.

"no,no,no, hindi kita aawayin, ikocongrats lang kita. ikaw lang kasi ang naglakas ng loob na sugurin siya at awayin dahil sa kamalditahan nila." nakangiti pa din niyang sabi saken. 

ang babaeng bakla and her mr. right.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon