PROM NIGHT!!!!!!!!!!!

98 1 2
                                    

-------------

"Sasa! Andito na ang sundo mo!" sigaw ni papa. 

nasa itaas kasi ng bahay ang kwarto ko kaya kelangan sumigaw ni pudra (read- papa).

"wait lang pa! pababa na ako." sagot ko naman..

pababa na ako ng makita ko si papa na naghihintay sa pinaka baba ng hagdan. nakangiti ito. nanunukso. napangiti tuloy ako.

paglapit ko sa kanya ay inakbayan niya ako, saka iginaya sa naghihintay na bisita. si Carl.

nasa sala si Carl kausap ang mama ko. 

napatingin siya sa akin, nakakatawa ang expression ng mukha niya. parang gulat na gulat, na hindi ako nakilala. 

ngumiti ako sa kanya ng tumayo siya para batiin ako. 

"ready?" tanong niya. paghanga na ang nasa mata niya ngayon.

"ready as you are." ganting sagot ko. 

lumingon siya sa parents ko na ngayon ay magkaakbay na. 

"sir, maam, alis na po kami. dont worry i will take care of you princess." nakangiting paalam ni Carl sa parents ko.

"ma, pa alis na kami." nilapitan ko sila at humalik sa pisngi.

"gusto ko xa para sayo." bulong ni papa ng halikan ko siya sa pisngi. nginitian ang sinabi niya. 

kunsintidor talaga ang papa ko. kaya mahal na mahal ko xa. 

"shall we?" narinig kong sabi ni Carl. kinuha niya ang kamay ko at ikinawit sa braso niya. 

kinikilig ako! eeeeeeeeeeeeeeeeeeee! shi Carl namayn kashi eeeeee! 

kung naririnig niya lang ang iniisip ko baka tanungin niya ako kung may singaw ba ako. ahahahahaha

palapit na kami sa sasakyan ni Carl ng sabihin niya saken ang mas magpapakilig sa akin. 

"you look really really beautiful tonight. say thank you mikey bagay sayo ang ginawa niyang dress." pabulong na sabi ni Carl saken. 

kinilabutan ako, or mas tamang sabihin na kinilig ako. parang akong hinehele ng mga sinabi niya.

nilingon ko siya para sana sumagot. e ang kaso ang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa.

hindi ko alam ang gagawin ko, bumilis ang tibok ng puso ko, natataranta ako, pinapawisan kahit hindi naman mainit. 

nakatingin lang ako sa kanya. ganun din siya sa akin, bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

Ooooooh my! he's gonna kiss me! for real! wait lang im not ready yet. anu bah..

"YOU GIVE ME SOMETHING.." oops thats my ringtone. weow! mabubugbog ko talaga kung sino man ang tumatawag na to e! kainis! kunti na lang e. kunting kunti na lang! asaaaaaaaar! 

"sagutin mo baka importante." sabi niya saken. sabay bukas ng pinto sa back seat. may dala pala itong driver.

wala ng mas iportante pa kesa sayo Carl. gusto kong sabihin sa kanya.

"ok." yun na lang ang nasabi ko.

si mikey ang tumatawag. 

"sis! where ka na ba? nakakainis ka. antagal mo." diredirechong sabi niya saken.

"wait lang marse. kakaalis lang namin dito sa bahay. im with Carl." sabi ko sa baklang nagrereklamo.

"kaya naman pala e. wag mo munang lantakan marse baka maubos yan hindi pa kayo nakakarating dito sa hotel." natatawang sabi niya saken.. natawa na din ako.

ang babaeng bakla and her mr. right.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon