Ang sakit ng ulo ko.
Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa Math class ko kanina o kung ano.
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa English class ko.
May tatlong babae naman akong nakasalubong
"So. Ikaw yung girl" sabi nung babae
Ako ba kinakausap niya? Ano nanaman kaya ng problema ng mga 'to.
"Excuse me?" Nag tatakang tanong ko.
"Ikaw yung girl na lumapit kila Vino diba?"
Mataray na tanong niya.Ngayon pa lang alam ko na kung saan patungo ang usapan namin.
"Oo. May problema ba?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nag tatanong.
"Ikaw ang problema! Stupid!" Sagot niya.
Aba. Ako pa talaga ang stupid. May pagka gaga din 'tong babae na 'to ah.
"Sino kaya ang mas stupid sa'tin? Ako na nagtatanong ng maayos o ikaw na kung makapag sabi ng 'stupid' parang di mo naman alam ang meaning?" sabi ko
"Ako? di ko alam ang meaning ng stupid!? How dare you!" Maarteng sagot niya.
"Oo. Dahil tumingin ka lang sa salamin alam mo na dapat" nakangising sabi ko
"What do you mean?" Tanong niya.
O see?"Gan'to kasi yan. Pag tumingin ka sa salamin ano ang nakikita mo?" Panimulang tanong ko
" Myself duh" sagot niya
"Yourself diba? Now, kung ano ang nakikita mo sa salamin, yun ang real meaning ng salitang stupid" paliwanag ko.
Totoo naman. Sa pag sasalita niya palang halata na eh. Psh.
"Arghh. I hate you!" Inis na sabi niya.
"Bago mo sabihin na you hate me. You should have asked me first if i like you" sabi ko at kumindat sa kanya.
Ngayon napansin ko na madami na palang tao ang nanunuod samin.
"That was awesome!" Sabi ni Red.
"I know right hahahaha." Sagot ko
Oh wait lang. Nandito din kaya sila Vino. Omg. Baka maturn off siya sa ugali ko. Naku hindi pwede.
"Lumalaban ka din pala" nakangiting sabi ni Vino.
"Siyempre naman noh. Hindi ko naman hahayaang awayin nalang ako" nakangiting sabi ko.Shet na malagket. Ang pogi niya.
" You know what? I'm starting to like you" sabi ni Vino.
HUWAT!? LIKE ME? CRUSH NIYA AKO. WELL THE FEELING IS MUTUAL.HAHAHAHA
"I mean, you as a person. Yung ugali mo at fighting spirit." Paliwanag niya.
Ay akala ko kung ano. Assumera lang?
Pero ok na din at least di ako mahihirapang makipag kaibigan sa kanya kung he likes my personality pala.
"Sabay na tayong pumasok sa English Class?" Nakangiting alok niya. Kaklase ko pala siya. Silay araw araw.
"Sure" nakangiting sagot ko
"But she-" singit nung babae kanina pero..
"No buts Cheska and sa susunod ayoko ng makitang aawayin mo si Camille. Just so you know, i like to hang out with Camille cause she's your total opposite" sabi ni Vino
Na speechless naman si bruhang Cheska. Psh.
Hahaha. Considered pa ba ako bilang good girl? Nahahawa na ako sa kamalditahan ni Gina eh.Nagulat ako ng hinawakan ni Vino ang braso ko at hinatak papunta sa classroom namin.
Nakalimutan ko na din pala yung sakit ng ulo ko dahil sa kilig hahaha.
****************
A/NThank you po sa mga nag babasa ng story.
Vote niyo po yung story kung nagugustuhan niyo at kung may suggestions comment lang po.
Keep on reading!
YOU ARE READING
I Fall, You Fall (Taglish)
Teen FictionWhen the good girl starts falling for the bad boy The bad boy seems to fall for her too But why did their story ended up with a heartbreak?