Chapter 5: Who is He?

140 4 0
                                    

Kriiiiiiinnnngggggg.

"Aaaaaahhhhh"

Gan'to ang scenario tuwing umaga. Mag riring ang alarm clock tapos ay sisigaw ako.
Ang kinaiba lang ngayon, si Vino na ang kina e-excite ko tuwing school days.

It's been 4 days simula nung nag friend request siya sa'kin. Siyempre inaccept ko agad, hello? Si crush kaya yun.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo.

In-on ko ang speaker at saka naligo.

"I know I can treat you better" I sang on the top of my lungs.

Buti nalang hindi naririndi ang kapitbahay sa pagkanta ko. Dahil tuwing umaga, may concert ako sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako, actually may uniform kami kaya hindi ko na kailangan mag halungkat ng damit para mag hanap ng susuotin araw araw.

Bumaba na ako at dumiretso sa dining area.

"Good Morning Sunshine" bati ko kay Kuya.
Mainis ka Kuya Caleb, mainis ka please.

"Morning" matipid niyang sagot.

Ay wala sa mood? Si Caleb na bwiset wala sa mood? Napaka unusual ah.

"Anak. Uuwi nga pala si Ate mo bukas" sabi ni Mama.

"Talaga ma? OMG. Excited na ako" sagot ko.

Oo. May ate ako, si Ate Carol, ang panganay namin. Sa US niya kasi napili mag college so dun na rin siya nag hanap ng trabaho.

Anyways, kakain na ako, may flag ceremony pa naman ngayon at ayaw kong ma late.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Finally, we reached the school.

The ride was so awkward. I don't know kung may problema ba si Kuya or what. I tried asking what's up with him pero he just kept on shrugging.

Bahala siya.

Nag lalakad ako ngayon papunta sa room, ibababa ko lang ang bag ko.

Boooogsh.

Kung minamalas ka nga naman, ang aga aga may makakabunggo ka. Malalate ako neto eh.

I looked up to see who I bumped into.

"Are you blind or something? Kasi sa pag kakaalam ko ang maganda hindi mahirap makita"

At kung minamalas nga talaga ako, si Bruha pa ang naka bungguan ko.

"As you have said, ang magaganda hindi mahirap makita, that explains the reason why hindi ko napansin na nandyan ka" sagot ko.

"Oh really? Eh higit naman na mas maganda ako kesa sa'yo" sagot niya.

Ang problema sa babaeng 'to share ng share ng opinion niya, hindi ko naman hinihingi tch.

"Hindi ko tinatanong kung mas maganda ka sa'kin, ang sinsabi ko lang hindi ka maganda" sagot ko

Akmang sasagot na siya nang may nag salita bigla.

"Tigilan mo nga siya, Bruha" pairap niyang sabi at saka ako hinatak.

"Naku bes ha, masasabunutan ko na talaga ang kilay ng babaitang yun" sabi niya

"Gina, hayaan mo lang siya, kahit ano namang gawin niya hindi mag kakainterest sa kanya si Vino" sabi ko.

"I know, halata naman na ikaw ang gusto ni Vino eh" aniya

" Ha? Gina, sabi niya gusto niya ako bilang kaibigan, hanggang dun lang" sagot ko.

"Ang manhid mo. I'm guessing, one of these days aamin na yan sa'yo" sabi niya

"Masyadong mabilis Gina" sagot ko

"Eh kung mapapasaya ka naman niya, why not?"

"Ewan na lang" sambit ko.

Nang makarating kami sa room ay pumipila na sila, nilapag ko ang bag ko at pumila na rin.

------------------------------------

After milyon-milyong kembot,

Break na.

"OMG. Ang pogi niya"

"Oo nga "

"Ba't kaya siya andito?"

Sino kaya yun. Dahil dakilang tsismosa ako, nakisilip narin ako.

Kaya naman pala, gwapo nga.

"Camille, sabay na sana tayo mag snacks" aniya

"Sige, basta kasama si Gina" sagot ko.

"Oo naman, kanina pa nga siya andun sa table namin at kinukulit si Cyrus" natatawang sagot niya.

Naku. Umiiral na naman. Mapapailing ka nalang talaga.

Tumango ako at sumagot

"Sige, tara".

Nang makarating kami sa table ay nakita ko si Red na busy sa phone niya at si Cyrus na halatang rinding-rindi na sa I'm guessing, na kanina pa nag sasalitang si Gina.

Nakita kami ni Cyrus he sighed then mouthed 'Finally'.

Gusto kong matawa, pero baka mapahiya si Gina.

Anyways, kumain nalang kami, may nakaorder na agad na food eh.

Si Red naman ang bumubuhay sa usapan namin.

---------------

Since half day ngayon, pumunta na ako papunta sa parking lot, and there I saw someone familiar.

I know him.

I forgot who he is, but I really do know him.

"Hannah!"

At that, lumingon ako then i saw kuya na papasok na ng kotse.

"Super speed!" Sigaw ko at saka tumakbo papunta sa kotse .

"Tch. Isip bata" ani Kuya.

"Edi shing" sagot ko

Pag katapos nun ay hindi na siya nag salita.

I didn't really mind. The thought of the man I saw is stuck in my head.

Hanggang sa makauwi kami, iniisip ko parin kung saan ko nakita yung lalaki na yun.

My mind was occupied by the thought of him.
Hanggang sa makatulog ako siya parin.

Who is he? He makes a part of me nostalgic and I don't know why.

I Fall, You Fall (Taglish)Where stories live. Discover now