What: Batch Beach Party
Who: Batch 247 Graduates of _____
Where: The Orient Resort, Samal Island, Davao, Ph
...Info...Info..Info..
"So.. Anything else?" biglang nag-pop sa chatbox ni Alex.
[Profile: Alexandre Artemio. Ang babaeng nabiyaan ng perfect na kilay at brains. Nagkamali ng spelling ang nagsulat ng pangalan sa birth certificate--aspiring Medical student. Busy body ng campus since high school. Slum Book Answer sa tanong na What is love: "Love is like air. Without is, all will perish."]
"Uh.. Pakisend sa lahat na dapat wag nilang kamlimutan yung invitation ha.. Pina-exclusive ko yung function hall.. 'Di sila makakapasok.." agad na reply ni Alex.
"Yes, Boss!! Salamat talaga, Alex!!" she replied and went offline.
Napasandal nalang sa comfy lazy chair si Alex at napapikit sa sobrang pagod. Bukas na nga pala talaga yun. Naisip niya at nakatulog siya sa upuan.
Bzzt! Bzzt! Bzzt! (Alarm Clock na nakavibrate lang.)
"EVERYBODY GET UP!!! IT'S TIME TO PARTEEEEEY!!!!" morning greeting ni Faye. Ang fit at sexy na bff ni Alex. Tulog pa ang lahat pero siya gising na gising at iniistorbo ang mga roommates niya."Hey!! Get up! Get up! Mag-travel pa tayo! Mag-checheck ng venue! Magme-make up!! WAKE UP!!
[Profile: Faye Heather Magtanggol, ang school amazona. Anak ng pulis. Magiging pulis. Dating HS Record: 9.2 seconds sa 100 meter dash. Ang babaeng puro athletics lang ang ginawa. Slum Book Question: What is love: "Love is blind. NEXT."]
"Five minutes pa please.." inaantok pang sagot ni Ella--ang ultimate tamad sa grupo. Tinakpan niya ng unan ang ulo niya para lang hindi marinig ang mga concerns ni Faye. Kung meron mang dapat pagod na pagod maliban kay Alex, si Ella na yun! Siya kasi ang umasikaso ng pag-didistribute ng invitations.
[Profile: Ella Belle Drillon. Ang school photojournalist na sa katamaran ang late dumarating sa venue pero unang unang aalis pagkatapos ng trabaho. Slum Book Question: What is love: "Love is... zzzzzz.."]
"Naku! Bumangon ka na jan!! Susunduin pa natin yung mga tao sa Mall!!" Faye insisted and jumped on top of Ella's bed. "Gising! Gising! Gising!"
Napabangon nalang tuloy si Alex sa kinuupuan niya dahil sa ingay ng dalawa. "Aray... Wala man lang gumising sa'kin para lumipat sa bed... Ugh.. Ang sakit ng likod ko.." Her hair was still neatly braided from not even moving sa tinulugan niya. "Shet.. Even my neck hurts.."
"Eh paano ka pa namin mapapalipat sa bed? Mas nauna kaya kaming natulog sa'yo.. Kung bakit kasi nakipag-chat ka pa sa mga taga-4 Loyalty hanggang ala-una.. Anong oras ka ba natulog?" Maagang pagtataray ni Rica.
[Profile: Rica Chen. Ang chinitang maldita na kinatatakutan ng lahat. Self-supporting entrepreneur. Nag-mamanage ng coffee shop chain kung minsan. Slum Book Question: What is love: "Love is a rose with thorns. Beautiful and lovely, but will hurt you once you hold it tightly."]
"Sorry haaa! Kung nilagay lang sana sa invitation ang mga necessary info.. Wala na sana akong problema kagabi.." sagot nalang ni Alex na ngayon ay papunta na sa cr ng hotel room nila.
"Hmmf.. Para yun lang.. Sisihin niyo si Eman! Siya ang nag-decide na idistribute agad ang invitation a month before.. Malay ko bang may changes doon.. Hmf.. Ichecheck ko nalang sa page kung may mga nagtatanong pa.. Happy?" ayaw magpatalong sumbat ni Rica na nakakunot ang chinitang mukha.
BINABASA MO ANG
Kung Tayo Nalang Kaya?
Teen FictionPaano kaya kung lahat ng tao sa paligid niyo magsasabing "bagay" kayo? Paano kung pareho niyong naisip na kung nangyari yun? Paano na kaya? Ito ang kwento nina Alex at Zac.. Magsisimula ang lahat sa tanong na.. "Kung Tayo Nalang Kaya?"