Natapos ang gabing yun ng hindi man nagkikita o nag-"Good Night" man lang ang dalawa sa isa't-isa. Daig pa nila ang mga namamaalam na sa mga "single" lives nila dahil nag-party lang sila the whole remaining hours of the party.
After 10 hours of straight partying, reminiscing, joking, drinking ang getting wasted ay nakatulog narin sa kani-kanilang cottages and hotel rooms ang mga mga nag-reunion. The next day ang bumati sa lahat ay isang napakalaking status na...
Zac just added a life event in his timeline..
Zac IS IN A RELATIONSHIP WITH Alex...see more..
Sa may beach ay nagsimula na ang tsismisan.
"OH MY GOD!! KELAN PA TO??!!"
"Kelan pa naging sila?"
"Si ALEX at si ZAC???/"
BAG! BAG! BAG! (Loud banging on the door.)
"HOY ALEX!! BUKSAN MO 'TONG PINTO!! ALEX! ALEX!" tanghaling-tapat ay sigaw ni Faye sa labas ng hotel room ni Alex--nagpa-private room siya dahil alam niyang kakailanganin niya ng mahabang tulog pagkatapos ng party. Maingay man sa labas ay hindi nagising si Alex sa kakasigaw at kakakatok ni Faye. Total opposite naman sa reaction ni Ella at Rica na isang katok palang ay nagising na.
"Uh.. Faye.. Pwede matulog muna ako? Inaantok pa ako eh.." pakiusap ni Ella kay Faye. Magkatabi lang sila ng room.
"Oh my god! How can you sleep at a time like this! NAKITA MO NA 'TO??!" ipinakita ni Faye ang iphone niya at ipinabasa ang FB status na nabasa niya. "BASAHIN MO!"
Inaantok man ay nagsimulang magbasa si Ella. Unti-unting nanlaki ang mata nito at inagaw ang phone ni Faye. Sa sobrang gulat ay binasa nito ng malakas ang laman ng phone. "ZAC IS IN A RELATIONSHIP WITH ALEX???!!"
"Gusto mo pang matulog?" sarcastic na sinabi ni Faye at kinuha ang phone niya.
"Let's go!" napatakbo si Ella at sumali narin sa pang-gigising sa kaibigan nilang hindi man lang sumasagot mula sa kwarto.
Wala namang kamalay-malay si Zac na sila na pala ang headline sa tsimisan.. Nung mga oras na yun ay mahimbing silang natutulog sa may floating hut sa dagat kasama ng mga barkada niyang lasing na lasing.
Sa may bar, habang nagpe-play ang song na "Le Freak" biglang may napasigaw ng..
"HAAAH!!"
"Paano nangyari yun?!!"
"Ni hindi nga sila close diba?
"Kelan nanligaw si Zac?"
"Alam kaya to ni Mikee?"
"Anong reaction ni Mikee?"
"Oo nga pala sila yung M&Ms nung high school diba.. or A&Ms?"
"Teka.. Diba break na sila..? Ang tagal na nun.."
"Bakit nga ba sila nagbreak?"
"Parang si Mikee ang nakipagbreak.. Diba nga dahil sa selos.."
"HIndi! hindi! Si Alex ang nakipagbreak!!"
"Pero bakit? Diba Perfect sila!"
"Move on guys.. Ang tagal na nun.. Nagka-gf din naman agad si Mikee.. at si Alex din.. Hayaan niyo na sila.." at narindi na si Eman sa kakakinig sa mga chismoso niyang kasama sa may kainan. PERO SI ZAC??!!
BINABASA MO ANG
Kung Tayo Nalang Kaya?
Teen FictionPaano kaya kung lahat ng tao sa paligid niyo magsasabing "bagay" kayo? Paano kung pareho niyong naisip na kung nangyari yun? Paano na kaya? Ito ang kwento nina Alex at Zac.. Magsisimula ang lahat sa tanong na.. "Kung Tayo Nalang Kaya?"