"HAAAAAAAH??!" nakangangang reaction ni Alex. "Gagi ka! Anong TAYO? TAYO as in TAYO??!"
"Oo.. You heard me.. Like TAYOW?" casual reply lang ni Zac.
SPLAT!!!
Biglang hinampas ni Alex si Zac sa noo.
"Aray!"
"Wait.. Chinecheck ko lang kung nilalagnat ka.." sabi ni Alex. Tapos hinawakan niya ang pisngi ni Zac at tinitigan ito sa mata.
"Oh.. Bakit mo naman hinahawakan ang mukha ko?"
Then binitiwan ni Alex ang mukha ni Zac. "Wala kang lagnat..Hindi ka naman lasing.. Lalong hindi dilated ang pupils mo so hindi ka high.. So bakit.. paano mo biglang naisip yan..?"
"Wala lang.. Bigla ko lang nga naisip diba.." sagot ni Zac. "Geez.. Noo ko palang masakit na.. Siguradong mas masakit 'to manampal kesa kay Carla. Hmm.."
Alex was thinking, Akala ba nito papayag nalang ako na maging KAMI? My God.. What's wrong with this guy..?
And Zac was laughing at, Aray..talagang hinampas niya ako..hahaha.. Sakit nun ah..
"Ano.. Dahil sa sinabi ni Mikee kanina?" natawa lang si Alex sa blankong mukha ni Zac. "Alam mo wala ka paring pinagbago.. Bigla-bigla nalang nagsasalita from out of nowhere..ahahah"
"Ikaw rin naman ah.. Bigla bigla nalang nananakit ng tao.. Tingnan mo oh.. Namula yung noo ko.."
"Hindi kaya..hahahah.. Gusto mo icheck ko ulit?"
"Wag na.. Wag na.. Wag na.." Napahawak tuloy sa pisngi si Zac. Aray.. Pati ata pisngi ko sumakit din.. At nagtawanan nalang ang dalawa dahil sa red mark sa noo ni Zac.
"Naaalala mo pa nung first year tayo?? Nung nag mixed classes tayo sa isang subject.." Zac was remembering the first day they met.
"Ah.. Yung nagjo-joke kami ni Roxy.. Tapos nagpapakilala kami kunwari.. Tapos bigla kang sumingit sa usapan namin.. Pinalo ka nga ni Rica noon diba? Bastos ka daw..hahaha"
"Oo.. Sakit mamalo nun.. Ang sabi ko lang naman.. "Hi, I'm Zac" tapos nakipag-handshake with you.. Nagalit ba naman!" kunot na kunot ang noo na kinwento ni Zac--obviously remembering the pain.
"Hate na hate ni Rica ang ininiterrupt pag nagsasalita siya..hahahaha.. Napalo ka tuloy.. Ang cute mo kaya nun.. Bilog na bilog ang mukha mo tapos semi-kalbo ang hair mo.."
"Semi-kalbo? 1 inch na yun.. Naaalala mo pa pati itsura ko nun.. Hmmm.. Ikaw.. Ikaw nakaheadband ka nun tapos sobrang HABA ng hair mo.. Tawag sa'yo ni Roxy nun kay Sadako ng 1-Persy..!hahahaha"
"I know.. I know.. Senxa.. Trip ko talaga ang hair ko nun.."
"So.. What do you think? TAYO na?" Zac returned to the previous topic again.
"Adik.. Paano magiging tayo eh hindi mo naman ako niligawan.." natawa lang din ulit si Alex.
"Think about it.. Single ako for a year Single ka for what.. 10 years after Mikee?"
"Hoy.. 1 year lang din.. Nagka-bf din ako noh.. And besides.. We don't even like each other that much.. Ni hindi nga tayo close nung High School.. We basically don't know each other.."
"Let's just cut through the chase.. Pwede? Pag niligawan kita.. Eventually you'd fall in love with me.."
"Wow!! Ang lakas ng loob mo ha.."
BINABASA MO ANG
Kung Tayo Nalang Kaya?
Teen FictionPaano kaya kung lahat ng tao sa paligid niyo magsasabing "bagay" kayo? Paano kung pareho niyong naisip na kung nangyari yun? Paano na kaya? Ito ang kwento nina Alex at Zac.. Magsisimula ang lahat sa tanong na.. "Kung Tayo Nalang Kaya?"