Nagkatitigan lang ang dalawa and stopped swaying to the chorus of the song.
"What?" nalito si Alex sa revelation ni Zac.
"Sabi ko Ikaw sana yun.." at inulit lang ni Zac.
Then the music changed to another lively one. Parang naging senyas yun para bitiwan nila ang isa't isa.
"Uh.. Balik na tayo.." Alex immediately walked away from the dance floor. Ano daw? Ako na sana yun? Ang alin? Ang partner niya sa cotilion Or..
"Lex.. Lex? May problema ba?" sinundan pala siya ni Zac agad. May mali ba akong sinabi? I just told her the truth.
"Huh.. Ah.. Wala.." Alex was lying again. Kung bakit ko pa kasi tinanong. Ugh..
Zac was just confused. Ang labo ni Lex.. Ito ba yung sinasabi ni Mikee noon? Na bigla nalang tumatahimik si Lex?
Pagdating nila sa bar, si Rica ang bumungad sa kanila. Nakaupo siya sa dating nilang pwesto. Umiinom ng isang color red na drink.
"Oh.. Rica? Saan si Eman?" sabi agad ni Alex para mawala sa isip niya yung sinabi ni Zac. Erase. Erase. Erase.
"Ah.. Ayun.. Sumasayaw parin.. Hindi pa napapagod mula kanina.. Isipin niyo mag-12 na oh.. " reply lang ni Rica. Napansin naman nito ang litong-lito na si Zac. "Oh. Zac.. Napagod ka rin sa kakasayaw??"
"Hindi pa.. Pero iniwan ako ni Alex dun.. Wala na akong kasama.." sagot lang nito.
"Magkasayaw kayo? Wow..hahaha.. I never realized close pala kayo.." sabi lang ni Rica with a meaningful smile.
"Hindi nga.." they both said at the same time.
Nabigla naman si Rica sa pagkakasabay ng dalawa. Nagkatinginan naman ulit sina Alex at Zac at biglang nagtawanan. Wala mang naintindihan ay nakitawa nalang din si Rica.
"Alam niyo bagay kayo.. Parehong 'di ko maintindihan.. Jan na nga kayo. Magsi-CR pa ako.. " sabi ni Rica at dali-daling iniwan ang dalawa.
With that simple comment napaisip ang dalawa. Bagay kami?!
Sabay silang naupo ulit sa mga inupuan nila kanina. Pareho silang napaisip sa side comment na yun.
"Bagay daw tayo.." sabi ni Zac at humingi ng tubig sa bartender.
"Oo nga eh.. I think that's the third time I heard that tonight." at nagbilang si Alex with her fingers.
"If tatlo na ang nagsabi niyan.. Ano na sa palagay mo?" Zac wasn't even serious about what he just said at uminom lang ng tubig.
Then out of nowhere biglang sinabi ni Alex."TAYO nalang!"
Sa sobrang gulat ay nabuga ni Zac ang iniinom niyang tubig. Nabasa naman ang tabletop. "Ah.. Sorry.. Sorry.." sabi niya agad sa bartender. Dali-dali naman itong nagpunas sa table.
"Hah?! TAYO na??!" hindi makapaniwala si Zac sa narinig. Napatingin siya kay Alex na naka-smile lang sa kanya. She wasn't joking pero hindi naman siya mukhang seryoso. Naisipan tuloy nito na hawakan siya sa noo gaya ng pagcheck nito sa kanya kanina.
"Wala akong lagnat.." sabi lang ni Alex at inalis ang kamay ni Zac sa noo niya. "At hindi ako uminom kaya hindi ako lasing." At inilapit nito ang mukha niya kay Zac. "Lalong hindi ako high.. So..Ano.. TAYO na??"
BINABASA MO ANG
Kung Tayo Nalang Kaya?
Teen FictionPaano kaya kung lahat ng tao sa paligid niyo magsasabing "bagay" kayo? Paano kung pareho niyong naisip na kung nangyari yun? Paano na kaya? Ito ang kwento nina Alex at Zac.. Magsisimula ang lahat sa tanong na.. "Kung Tayo Nalang Kaya?"