Chapter 3

65 1 0
                                    

--ISA's POV--

Umuwi na rin ako kaagad matapos ang klase. Pagkauwi ko ng bahay, naggawa lang ako ng assignment, nag-aral para sa major bukas, then nakatulog na ako. Di talaga ako nakakakain ng dinner kasi madalas pagkatapos ng lahat ng nangyari sa araw, pagod na agad ako. Ayus na rin yun para ma-maintain ko ang aking figure ^^

--the next day--

"Oy, Isa, bilisan mo at male-late ka na sa trabaho mo."

Ugh.. sino ba yun? 

Paglingon ko..

"COACH!! Ba't nandito ka?"

"diba sabi ko sayo dito ako uuwi ngayon? Di mo ba nareceive text ko?"

Chineck ko yung cellphone ko.. oo nga, nandito. pero 1am na nung nareceive! >.<

Pano siya nakapasok? May susi sya. Kanya talaga tong bahay pero binigay na nya sa akin simula nung bilhin nya yung gusto nyang bahay sa isang subdivision.

"Wow, ganda cellphone, ah? Umaasenso ka na."

Ay, anu ba yan, nakita nya yung N73 na bigay ni Stranger. Quiet na lang para kunyari ako talaga bumili. hehe

Pagkatapos ng aking daily routine, sinakay na ako ni Coach sa kotse nya papuntang work. Then nagtrabaho na ako. Pumunta ako sa cash register.

Wala atang binigay si Stranger ngayon..

Teka, may napansin akong regalo sa kotse kanina, ah?

Pagkatapos ng work, tinanong ko si Coach

"Coach, para kanino yung regalo sa kotse mo kanina"

"Sa 'yo yun."

Para sa akin? Talaga? Nag-abala pa siya

"Galing sa Stranger. Nabasa ko yung sulat. Korny nya"

O_O

Naku! nalaman na nya, siguradong wala nang laman yung regalo, lalo na kung chocolate yun. 

Naalala ko si Tin. Humanda kang Coach ka, maakaganti din ako >:)

Pumunta na rin ako sa school matapos ang mga pangyayaring yun. Yung tropa agad ni Tomi yung sumulpot sa harap ko.

Mangongopya yan ng assignment.

"Peram assignment!" sabi ng apat

"Promise, di halatang kinopya."-- Tomi

"May favor kayo sa akin, ah? Oh, ayan"

buti 30 minutes early akong pumasok araw-araw. Kadalasan kasi nire-review ko yung mga pinag-aralan in case magkaroon ng pop quiz. Sa ngayon, confident akong wala, kasi kakaquiz lang nung makalawa.

Ang mahiwagang N73 ko muna ang rereviewhin ko :3

After 20 minutes, binalik na nila sa akin yung assignment.

Dumating na rin si mam after few moments. Tulad ng inaasahan, walang quiz. Naglecture lang magdamag, tapos may mga konting tanong.

"Be ready for a quiz anytime."

Ibig sabihin may quiz the day after tomorrow. Alam ko na yang mga ganyan, mam ^^

Naglabasan na ang mga classmates ko, kasama yung tropa ni Tomi.

Ay, kasabay ko pala si Tomi.

"Isa, peram notes para dun sa kahapon. Masama pakiramdam ko kaya wala ako, eh."

"Sige. Dun tayo sa cafeteria. Ime-meet ko kasi si Tin."

"Si Cali? Dito siya nag-aaral?"

"Oo, kahapon ko nga lang rin nalaman eh"

Kilala ni Tomi si Tin kasi sila yung laging pinagpe-pair nung highschool pa kami. Teen couple talaga dating nila sa campus. Kaso may niligawan si Tomi na babae, eh since wala naman talaga sila ni Tin, ayun. GF na ni Tomi yung girl ngayon. Kung sino siya, di ko talaga alam.

Dumating na kami sa cafeteria. Andun na si Tin. Di talaga papaawat ang 4-inch heels, short shorts at light brown na Chanel bag niya tuwing wash day sa school? Haha, ang trendy talaga ng fashion sense nya. May cake na rin for 2 dun sa table. Pinaghandaan talaga niya, ah? XD

Kita ko yung reaksyon ni Tin nung makita nya si Tomi.

"Timothy? O_O"

"Hi, Cali. Long time no see -_-"

Umupo kami dun, si Tomi nagsimula nang magsulat sa notebook nya, kami naman ni Tin nagkwentuhan habang kumakain.

Dami naming napag-usapan hanggang dumatin sa topic na ito:

"Tin, dun ka pa rin ba nakatira?" -Isa

"Ah, oo. Pero nagdo-dorm ako. Hassle kasi pag sa bahay pa eh. Anlayo. Ikaw?" -Tin

"Dun naman ako sa lumang bahay ni Coach."

"Talaga? Punta tayo dun mamaya! ^.^"

All according to plan.. hehe.

"Oh, sure. Teka, ah, text ko si Coach para pumunta sa bahay"

Sobrang nakakasilaw ang ngiti ni Tin nung sinabi ko yun. ano kaya reaksyon ni Coach pag nakita si Tin? Malalaman natin yan. malapit na malapit na. XD

tinext ko muna si Coach.

*write a message*

--to: CARLO--

Coach meryenda tayo sa bahay. Bibili ako cake.

*send*

"So anu sabi?" -Tin

"Wala pa. Excited?" 

"Very,very, very much!!"

Ayan na.

--From: CARLO--

ge.

--

pinakita ko kay Tin.

O_O

^_^

Tuwang- tuwa ang aking best! Haha, nagantihan ko na si Coach, nagawan ko pa si Tin ng favor. I'm so good at this. hihi!

"Oh, Isa, eto na. Thanks, ah. See you later, Cali." -Tomi

Kaway kami sa kanya. tapos tumingin sakin si Tin.

"Punta na tayo ngayon?" -Tin

Since Wednesday ngayon, wala na yung next subject.

"Tara!^^"

Receiving Gift from StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon