Chapter 34

10 0 0
                                    

Dumiretso kami ni Merck sa Resto De Paraiso dahil Masyado kaming Nagutom sa Nangyare. Aminin ko ma't sa Hindi Alam kong Pansin ni Merck na Naasar ako sa Ate niya!

"ThankYou kay Ate Dahil Instant Date to" tumango ako at Ngumiti sa Sinabi niya. "Sorry talaga Cha ha. Di na sana kita pinilit kung Alam kong Ganun ang Mangyayare. Hayss Bawas Pogi Points yun -_-" kumain lang ako at di siya pinansin. Nakaramdam kase ako ng Panlalata e Lalu na kapag sumasagi sa isip ko yung Sinabe ng Ate niya.

"Ney, Totoo yun? Yung May usapan kayo na Kapag Sumunod ka sa-"

"Hindi naman ako Pumayag dun e basta ang sabi lang niya Kapag Naisip ko ng Bumalik sakanya Pumunta lang ako sa korea at handa syang Tanggapin ulit ako. Selos ka? Don't Worry Cha kase Ikaw yung Gusto ko ba't pa ko gagastos ng Mahal na Pamasahe kung Walking Distance lang naman yung Apartment namin mula sainyo? Haha" tumawa din ako ng Peke sa sinabi niya. Gusto kong matuwa sa mga Sinabi niya pero May Parte parin saakin na Hindi nakakampante sa Pagmamahal niya. Baka kase Matinding Paghanga lang yung nararamdaman niya. Natatakot ako na Dumating yung araw na Bumalik siya bigla kay Yen.

"Merck? Pasensya na ha pero Pwede na ba tayong Umuwi Gabi na kase saka Medyo masama yung Pakiramadam ko e Kung ayos lang naman sayo"

"No! Ayoko. Mag Uusap tayo Cha. Alam kong galit ka dahil sa Sinabi ni ate Alam kong Nasasaktan ka kaya please Hayaan mo kong Iparamdam sayo na mahal na Mahal kita at Wala kang dapat ikapangamba"palabas na kami ng Resto ngayon at Nananatili parin akong tahimik. Magkasabay lang kaming Maglakad at saka ako Huminto sa Isang Bench at na upo ruon.

"Di ko maiiwasang Hindi Mangamba Merck! Ano ba kase ang Laban ko sa Isang Napakaganda na kagaya niya at Ano ang Laban ko sa Nakaraan mo na Minahal mo ng sobra e Di hamak na Nililigawan mo palang naman ako" Umupo siya sa Tabi ko at naramdaman ko yung Kamay niya na Dumampi sa Kamay ko. hinawakan niya iyon kaya napatingin ako sakanya. Malungkot ang mata niya at mukang seryoso.

"Bakit kailangan mong ikumpara yung sarili mo kay yen? Oo Maaaring mas lamang siya sayo but Maniwala kama't sa hindi Nararamdaman ko na Mas Malala yung Pagkagusto ko sayo keysa kay Yen. Maniwala ka lang sakin Cha! Maniwala ka lang Mas Mahal kita" may kung anong kaba sa Dibdib ko, May Kabog na malakas na Kapag nanahimik ang paligid ay Maririnig mo na ang Pagpintig nito!

'Kung Wala lang sigurong Maraming hadlang baka nagdiwang na ang mga Puso sa mundo dahil Sinagot na kita'

"Hihintayin kita Rui. Kahit isang Milyong Taon pa yang Paghihintay ko sa Oo mo Ayos lang. Sakin parin naman kasi ang Bagsak mo" hindi talaga ako makasagot sa kaniya. Yumakap nalang ako at Di ko yun namalayan parang nagkukusa na yung sarili ko na gawin yun. Mukang nakikiisa si Ms.Body kay Ms.Heart! Mukang Mahal na nga nila tong isang to.

"Wag mong isiping hindi ka nila Gusto ang Mahalaga Mahal kita at Wala silang Magagawa dun" sapat na yung sinabi niya na yun para Mapangiti ako Muli. Grabe Hindi talaga to Pumapalya na pangitiin ako e.

"Oh Nakapag usap na naman tayo no. Inaantok na ko Merck Pwede na siguro tayong Umuwi" sabi ko sakanya Tumango naman siya at Nauna ng Pumunta sa Kotsr niya at Pinagbuksan ako. Sandali lang yung byahe kaya Nakarating din agad kami sa bahay.

"Ow! Bro. Nandito ka na din lang tara Pasok ka na sa loob" Bungad saamin ni Kuya at saka Pumasok na sa Loob. Inaya ko naman si Merck at di na naman siya nagpapilit.

O___O

"Lola- Lolo?" Gulat na sabi ko Agad kong inayos yung sarili ko nung makita ko sila. Lintek di ako handa.

"Oh My Dear Rui~" malambing na sabi ni Lola ngumiti ako at nagmano sakanila ni Lolo.

"Aba't dalaga ka ng Talaga apo ha! Ipakilala mo naman saamin ng lola mo yang NapakaGwapong kasama mo" wtf! Gwapo? HAHA lalaki na naman ang Ulo ng Ugok na to dahil sa Papuri ng Lolo ko.

Lumapit ako kay Merck at Ngumiti sakanya.

"Lolo, Lola~ This is Merck Louis Del Rosario. Merck! My Lola Amanda and My Lolo Carlo" sabi ko ngumiti si merck saka yumuko sakanila.

"Magandang Gabi po Sir, Madame" magalang na sabi nito. binati din niya sila Papa kaya ang Echapwera ako -_- Parang si Merck ang Apo dahil mas Kinakamusta pa nila iyon kesa sakin. :3

"Baby! PaHard to get? Hahaha Ayos yan" natatawang sabi ni Kuya sakin. Kumakain na naman kami ngayon at Konti lang yung Kinain ko dahil kagagaling lang namin sa Resto De Paraiso. Masyadong napahaba yung kwentuhan nila kaya naman Gabi na nung Mauwi si Merck Mukang ayaw pa nga siyang Paalisin ni Lolo e -_____- Siya na ! Siya na ang Apo ts.

"Rui, Gusto ko siya para sayo. Pero Apo! Wag kang Masyadong Mahulog sakanya. Magtira ka para sa Sarili mo dahil Nakakatapak ng Pagkatao ang Pagiging Clingy! Act like a Lady Apo. Goodnight" sabi ni lola sakin Tumango ako at Pinagmasdan siyang Umakyat sa Guest Room. Umakyat na din ako sa Kwarto ko at NagHalfbath.

Humiga agad ako sa Kama ko at Tiningnan ang Cellphone ko.

From: Ggss ❤
- Nasa Bahay na ako ney. Thank You for today. Nag-Enjoy ako Lalu nung Boto sakin si Lolo. Haha I Love You.

Tumitig pa ako sa Kisame at May Inisip na kung ano.

Pano nga kaya kung Maging kami na?

Maging masaya kaya ako?

Maging Masaya kaya kami?

Hahadlang pa kaya si Yen?

Wag naman sana. Dahil di ko na alam yung Gagawin ko sakanya kapag Umepal pa siya lalu na kung ganto na Hulog na talaga ako Kay Merck.

*RING~ RING~*

Si Merck...

[Honey!]

"mm?"

[Naabala ba kita?]

"Kung Sasabihin ko bang Oo e Matutuwa ka?"

[Ay, Shempre Hindi. Kung Naaabala kita Pede mo ng ibaba Sorry ha. Bukas nalang. Tulog ka-]

"Hindi! Kahit kailan di ka naging abala. Kahit kailan Handa kitang Bigyan ng Oras"

*silence*

"Ano na?? Hahaha Mananahimik ka nalang dyan?"

[AYY, Ang Sama mo Rui. Pinagmumuka mo akong baliw-]

"Ha?"

[-baliw kakangiti ng Malawak dito]

"Aruyy! Sa mga Pormahan Merck eno? *laugh* wag ka nga baka Bumigay ang Tulay ng Paghihintay"

[Oh? ade ayos pala. kapag bumigay mababagsak papunta sa Puso ko. Ayos na ayos yun]

"Oh? Really? *Laugh* Pangarap mo palang Mabagsakan ng Tulay huh? *laugh* Ang gandang Cause of Death Unique"

[Ang Sama sama mo talaga cha! Ts Hindi mo ba Ako mahal kaya ganyan ka? Ha? Kaya ayos lang sayo na Mamatay ako agad? Wag kang ganyan cha Mamama-]

"Mahal kita at Hindi ako Papayag na Mamatay ka nalang Bigla ng Di mo pa naririnig ang Oo ko. Merck Sina-"

*toot toot toot toot-*

"-sagot na kita tsk Asaaaaaar! Pabitin ulit!!!" Inis na Sabi ko saka Ibinato ang Cellphone ko sa May Gilid ko. Dumapa na ako at naghanda ng Matulog. Tsk "mukang di pa nga tamang Oras para sagutin kita! Laging Nabibitin e" bulong ko. Tsk

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon