I
Seryoso akong nag lalakad palabas ng Village namin. Syempre mag seseryoso ako para hindi ako madapa ayokong mag mukhang tanga no. At bago pala ang lahat ako nga pala si Cha Rui Go parang ready set go lang pero hindi. CHA SYA CHA (ano ba Pinaglalaban mo?)
Yun nga wala akong pinaglalaban. Haha
"Bayan oh! Bayan isa nalang oh" sabi nung nag tatawag ng sakay nagmadali na naman akong mag lakad para maalis na ako agad.
"Oyy! Dahan dahan ka naman baka madapa ka" Sabi ni manong ngumiti lang ako sakanya saka sumakay na sa Jeep jusko! Sa Jeep ko lang talaga napagsisiksikan yung sarili ko e. Grabe para sa ekonomiyaaa!
Papasok ako ngayon sa Pinakamamahal kong Eskwelahan Grade 12 Student na ako ngayon and take note NBSB. Hmmm. Well yung mga lalaki kasi na yan mapanakit lang.
"Bayad po" sabi ko pero walang Umabot! Inulit ko yung sinabi ko at... Ang gwapo nyaaaaaaaaaaaaaa!
"Miss ano? Iaabot mo ba o ano?" Nabigla ako dun kaya agad kong ibinaba yung pera sa palad niya grabe ayun na e gwapo na kaya lang ang TARAY! baka meron to.
Ngumiti nalang ako kay kuya nung nagkasalubong ulit yung mga tingin namin alam nyo yung reaksyon nya? Grabe ha! Muntik na kong maiyak sa parang irap na ginawa niya sakin. Kaya ba ayoko sa lalake e kung hindi maangas para naman bakla.
Ringgggggg~
"OY? BAKIT?"
[Nasan ka na ba Cha? Ang Bagal mo]
"Teka Bes. Malapit na"
[Malapit na naman tapos Ano? Kaaalis palang. Tsk]
"GAGA HINDI! KUNG MAGHINTAY KA KAYA"
End...
Napatingin naman ako ulit kay kuya na mataray! Aba si kuya nakatingin saakin. Gumanti nga ako ng irap sakanya akala nya ah sanay din akong umirap hindi lang siya!
Pumara na ako agad nung makarating na sa tapat ng school nag madali na ako para matahimik na kakatext yung si Yssa Bestfriend ko siya at ngayon kitang kita ko na siyang may nalawak na ngiti habang papalapit ako sakanya.
"Firstday of Class. Late ka" sabi niya kaya kinatukan ko nga "Anong First day! Gaga"
"I mean first day of class ngayong taon. Ano ka ba naman ts tara na nga" paliwanag niya. Nag kwentuhan lang kami about sa mga nangyare samin nung pasko't bagong taon.
Masasabi ko lang na pareho kaming masaya nung okasyon na yun kase para saming mga single kontento na kami na kasama namin yung Family namin at hindi yung Boyfriend namin! (Wala naman kasi kayo nun)
"Yssange Chan---" hindi ko na agad pinatapos mag salita si Shelie kase paniguradong Changge yun! Ts -_-
"CHA! OK?" sabi ko tumawa lang sila sakin saka umupo na sa mga upuan nila. "Ang Sensitive mo Cha" sabi ni Shelie umirap lang ako Sakanya.
"Ano? Kamusta na kayo ng Boyfriend mo? Nag hiwalay na ba kayo?" Tanong ko, saming mag kakabarkada siya lang yung may Boyfriend. Kapag kinekwento tuloy niya yung Bf niya walang effect sakin Hindi man lang ako kiligin!
"Ayun gwapo parin! Teka nga. Kayo ba? Wala ba kayong balak mag Boyfriend?" Tanong niya habang ngiting tagumpay dahil nasabi na naman niyang gwapo yung Bf niya.
"WALA" sabay naming Sabi ni yssa. Ts kung mag Boboyfriend kami tas magagaya kami kay Shelie na mangingiti nalang bigla sa kawalan wag na! Parang baliw e.
"Bahala kayo! Pag kayo tumandang Dalaga e" sabi pa niya Well, ayoko man manyare na ganun nga pero ano ba sya! Kung ganun talaga yung plano Ni God e bakit aapila pa ako.
"Basta pag nakatapat kayo ng gwapong lalake tingnan lang natin kung hindi kayo kiligin" sabi ni Shelie saka nanahimik na. Naalala ko na naman yung nakasabay ko kanina. May itchura si Kuya oo gwapo, Matangos ang ilong, tapos shett! Ang ganda talaga nung mata at labi niyaaaa. Ughh! Ano ba tong napag iisip ko Tsk! "Clear Clear Clear" tinapik naman ako ni Yssa kasi dumating na pala yung Teacher namin e clear pa ako ng clear.
"By 2nd Week of this month may Basketball Match ang bawat School sa lugar natin. Kailangan ng School yung suporta nyo! Kaya sa ayaw at sa gusto nyo dapat laging present ang Grade 12 Student sa bawat Match" nag yes nalang kami. Jusko ang boring boring kaya manuod ng basketball.
Tuwang tuwa si Shelie dahil sa binalita ni Ma'am, Favorite nya kase ang basketball at alam nyo na kasali yung Boyfriend the Great nya. Ts Kakaloka to.
"Ayan. Pagkakataon nyo na yan na makahanap ng Papi"
"Anong Puppy? Tsk. Ayoko nga sa Tuta e" sabi ko sakanya saka umirap "Gaga! Ang ibig kong sabihin Boyfie! Tsk. Muka na talagang Matandang Dalaga e. Papi lang e tsk" sabi pa niya Bago ipagpatuloy yung pagkain niya.
Hindi naman namin kailangan ng Boyfriend aa, Masaya naman kahit wala nun pero... Ano nga kaya yung pakiramdam ng may Boyfriend?
---
"Cha? Sabay na tayo ah" sabi ni Yssa kaya tumango nalang ako saka kumaway naman kay Shelie. Si She kasi kasabay nung Boyfriend niyang umuwi Jusko! Ang lalandwe eh.
"Alam mo. Minsan naiisip ko parang ang sarap mag boyfriend" nagulat ako sa sinabi ni Yssa. Yess! As in gulat na gulat kamo.
"Sakit lang sa ulo yun Bes" sabi ko umiling iling naman siya. Ano ba naman tong si Yssa. Hayss.
"Tingnan mo kase Bes si Shelie ang saya saya niya kasama yung Boyfriend nya. And I want to experience that kind of happiness" napa ow nalang ako sa sinabi niya ngayon lang nag matigas nang ganyan si Yssa.
"Well, Masaya nga SA UNA but in the end mag babago din lahat" tumingin sakin ng diretso si Yssa tinaasaan ko siya ng kilay "What's wrong?"
"Kelan ba hindi nag bago ang lahat? Ang baliw mo eno. Ts mas maganda na kasing kahit papaano latest tayo" sabi niya saka nag madaling maglakad papunta sa waiting area. Napahinto naman ako nung nakita ko yung isang kumpulan ng Lalake at isa dun si Kuyang mataray, feeling ko bumagal ang mundo ko.
Goshhh! Ano ba to? Ughh Cha Rui Go Ano nangyayare sayo. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan. Ano ba talaga? Diko talaga to maintindihan.
"Cha?! Tara na" hinampas pa ako ni Yssa kaya nabalik ako sa realidad napansin ko na tumingin pa si kuya sakin kaso nagmadali na akong sumakay sa Jeep.
Ghad! Ano ba nangyayare sakin Ngayong Araw.
————————————————
Kei-el
BINABASA MO ANG
My First Love
Teen FictionIsang Istorya kung saan Maiinlove, Maiinis, Masasaktan, Maiiwan, Iiyak at MagMamahal ang Isang tao. Krystal Jung - Cha Rui Go Kang Minhyuk - Merck Louis Del Rosario Myungsoo - Roi Marvin Yap *03-25-16*