Tinawagan ko si Cha. Oo si Cha. nakita ko naman na sinagot na niya kaya Inilagay ko agad sa Tenga ko yung phone.
"Cha. Im so sorry!"
[...]
"Pwede ba tayong magkita? Right now i need you- uhm youre company"
[Where?]
"De Paraiso sea side"
End.
hindi ko alam kung bakit siya ang Tinawagan ko. Pwede namang sila Steve pero Basta siya nalang.
Pumunta agad ako sa Sea side. Ilang oras lang akong Naghintay dumating naman na siya. -_- as usual mataray look.
"Problema?" Tanong niya saka Umupo sa Tabi ko at tumingin agad sa Papalubog na araw. Maganda pala si Cha. Iba yung ganda nya. "Ano? Magsasalita ka" tanong niya ng Hindi parin tumitingin saakin.
"Im sorry"
"Pinapaunta mo lang ba ako dito para sa Sorry mo?" Umirap siya
"Kailangan ko lang talaga ng Kausap ngayon. Pampakalma" sabi ko.
"Kwento"
"Nag-away kami ni yen, sorry talaga sa Ginawa niya. Hayaan mo di na mauulit yun" tumingin siya saakin.
"G*go ka ba!? Magkaaway kayo tapos ako pa yung Tinawagan mo para samahan ka ngayon. Panong di niya ako sasaktan ulit sa ginaga-"
"Wala na. Wala na syang Karapatang Magalit" napakunot yung noo niya sa Sinabi ko.
"What do you mean wala na?" Tanong niya. kinwento ko naman sakanya yung nangyare wala syang Reaksyon. Nakatingin lang talaga siya sa Malayo. Bakit ganto si Cha. nasaktan ko na siya pero Hindi parin siya nagdalawang isip na samahan ako ngayon.
"Pasensya ka na ha. Ikaw pa tong naabala ko" sabi ko sakanya
"Hoyy! Hindi libre to ano ka" napakamot nalang ako sa Sinabi niya saka Hinila na siya sa Tindahan ng Pagkain na Malapit dito. omorder naman agad kami.
"NaGwapuhan ka na naman sakin" sabi ko sakanya kaya naubo naman siya.
"Kahit kailan ka talaga Oh! Gutom lang yan" tumawa pasiya saka sinubo sakin yung Cake. "So ano na balak mo?" Tanong niya.
"balak ko? Hahayaan ko munang Ganto kami ni Yen" tumango tango siya. "Ang Pangit mo pala" sinamaan naman niya ako ng Tingin.
"Uuwi na nga ako leche ka! Pagkatapos mo kong Abalahin ganyan ka" tatayo na sana siya pero Hinila ko siya.
"Joke lang yun. Ano ka ba" tumayo naman ako saka Hinila siya sa Kung saan. Mas Ok na sigurong MagKasama muna kami.
Umupo ulit kami sa Bench dito. Kahit madalas kaming Mag-away nito Ang Gaan nya rin palang kasama.
"Crush mo pala ko" sabi ko natawa naman siya
"Past is Past dude" sabi pa niya saka Binunggo ako.
"Parang kanina lang e"
"Eww. Kinakalimutan ko na nga yun e" para naman akong nasaktan sa sinabe niya.
"Kalimutan mo" tumawa naman siya. Ang Ganda pala talaga niya. Tekaaaa! Nababaliw na ba ako? Haynako
"NagDrama pa eno. baliw mo po! Akalain mo yun May Mahal ako pero Hanggang Pagmamahal bilang kaibigan lang kayang ibigay sakin ayyy Bilang kaaway pala" ngumiti siya ng Pilit. Nasasaktan parin siya Alam ko. "May Girlfriend ka kasi... pero kahit naman may Girlfriend ka di mo ko magugustuhan diba?" Tumingin siya sakin.
"Malay ko" yun nalang yung sinabe ko. Gabi na rin pero mukang wala pa kaming Balak Umuwi. Enjoy lang namin Umupo promise! Kinuha ko naman yung Phone ko Puro Missed Calls at Text ni Yen hindi ko nalang pinapansin.
nagulat nalang ako Pinatong ni Cha yung Ulo nya sa Balikat ko. Tumingin ako sakanya "saglit lang" pinabayaan ko nalang Siya.
"Inaantok ka na yata"
"Oo e, kaso Sasamahan Muna kita dito. Kailangan mo to para makapagRefresh sa nangyare sainyo. Ako din kailangan ko to.. kailangan ko sa tabi mo" natahimik ako sa sinabe niya. Haynako Cha. Bakit ako pa? Sayang naman kase mukang di ko pa Maibabalik yung Pagmamahal na Gusto niya. Sayang kase may Girlfriend ako... dati.
Dati para sakin Madali lang yung Ganto. Pagmay nagkakagusto sakin Okay lang. di ko papansinin kase may Yen ako pero ngayon. Hayss. Mahirap na Masakit na Ganto kami ni Cha.
Sa totoo lang Kapag si Cha kasama ko Masaya ako kahit magkaaway kam, kahit madalas nagbabangayan kami.
Naalala ko tuloy yung mga Pagkikita namin...
Flashback...
Sumakay na ako sa jeep, Oo sa Gwapo kong to pang Jeep lang. Iniwan kase ako ng Tropa ko at Katamad naman magDrive no.
"Bayad po" rinig kong sabi nung isang babae pero katamad abutin e. "Bayad po" ulit niya ,tumingin naman ako sakanya saka aabutin na sana yung Bayad niya kaso nakatitig siya saakin. Hahaha! Paniguradong na Gwapuhan na'to sakin. Haynako! iba talaga ang Merck Del Rosario.
"Miss ano? Iaabot mo ba o ano?" Tanong ko sakanya na medyo may pagkaswabe pa. Nagulat naman siya kaya iniabot naman niya yung Bayad niya.
Pinagmasdan ko nalang yung mga kasabay ko sa Jeep, May Pangit, May Matanda, May Bakla, May Espasol at may maganda napatingin naman ako dun sa Babaeng tumunganga sa KaGwapuhan ko kanina Binawi ko agad yung tingin ko -_- Baka MagAssume e.
Narinig ko naman na may kausap si ate. Aaminin ko di talaga maalis yubg tingin ko sakanya kaya Muling nagkatinginan kami pero Umirap naman siya sakin!
"Para po" sabi niya Shockss si panget! Inirapan ako. Oo na Pangit na sya! Kala nya aa.
[Vince University]
Sa V.U ka pala nagAaral aa "Humanda ka saking Babae ka"
"tol! Sinasabe mo" napatingin ako sa katabi ko nakababa na pala ako at katabi ko na pala yung barkada ko. Umiling ako saka Pumasok nalang sa Gate
End.
ang isip bata ko pala nung sinabe ko na Pangit siya. Well, simula nung Inirapan kase talaga niya ako NagInit na yung Dugo ko sakanya e kaya nung Nagkita kami sa Party inasar ko talaga Pikon e.
"Cha?" Tawag ko tiningnan ko siya. Tulog na pala "siguro kung wala si Yen, baka ikaw... baka tayo"
________________________
Thankyou
-K.L
BINABASA MO ANG
My First Love
Teen FictionIsang Istorya kung saan Maiinlove, Maiinis, Masasaktan, Maiiwan, Iiyak at MagMamahal ang Isang tao. Krystal Jung - Cha Rui Go Kang Minhyuk - Merck Louis Del Rosario Myungsoo - Roi Marvin Yap *03-25-16*