Chapter 1

43 2 0
                                    

Stephanie's POV:

(KRRINGGG! KRINGGG!) *alarm clock sound*

Hayy! Ano ba yan ang aga aga pa inaatok pa ako! Bwiset kaseng alarm clock yun Hmmmp! Ang aga aga eh nambubulabog ng natutulog tss nakaka badtrip naman umagang umaga! 6:00 am palang at Sabado pa tss. Gusto ko pang matulog para akong hinihigit ng kama ko pabalik sa higaan!
Pero kahit ganon pinilit ko pa ding huwag na at
Pumunta nalang agad ako sa cr tapos naghilamos at naligo nadin, para makapag jogging na din ako buti maaga pa hays sinipag kase ako bigla.

**Pagkatapos kong maligo bumaba na ako sa sala para kumain at naabutan ko dun si Papa na nagbabasa ng newspaper na may kasamang kape habang nasa kusina naman si Mama at tinutulungan sa pagluluto yung mga maids namin.

At yes? Tama kayo ng basa, may mga maids kami dito sa bahay. Kase madalas namang wala dito mga parents ko busy kase sa trabaho kaya wala ng panahon pang mag asikaso dito sa bahay namin. Hays

"GOOD MORNING SWEETIE!" bati sakin ni papa hehe sweet 'no?!
"MORNING PA" ang sabi ko naman.
Kumuha lang ako ng gatas sa ref tapos tumabi kay papa.

"HI BABY! GOODMORNING ANG AGA MO AH! SATURDAY NAMAN NGAYON DIBA" ang masigla namang bati at tanong sakin ni mama nung nakita nya akong tumabi kay papa. "MORNING MA! " ang sabi ko naman.
"Ay! Bakit walang good? Di ba maganda gising ng baby ko?" Nakapout namang sabi ni mama. Hayy! Parang bata 'tong si Mama tinalo pa ang pagka childish ko! Huhu

"Wala po Ma, di lang po maganda gising ko, bwiset kaseng alarm clock yun eh ginising agad ako at tsaka naisip kong mag jogging na din bumibigat na kase ako" malungkot kong sabi.
"Hay sweetie naman kase ,nag alarm ka pa kung ayaw mong magising ng maaga hahaha" napa-bored look naman ako bigla ng tumawa si papa. Urgh.
Kainis din minsan tong si papa -.-

Nakita ko namang pinalo ni Mama si Papa sa balikat kaya napahinto sya sa pagtawa. Hooh buti na lang! Hehe idol ko na si mama!

"Baby! Padating nga pala ang kuya mo next week are you excited?" Sabi naman ni mama
SPEAKING OF KUYA! Bigla naman akong nakaramdam ng excitement kase dadating na uli si kuya sa Pilipinas galing Korea siguro for vacation! Once in a lifetime lang kase syang bumalik dito dahil siguro sa busy schedule nya dun. Kyahhhh~

"Talaga po ma? Waaah! Excited na akong makita ulit ang napaka gwapo kong kuya *^_^* hihihi" masigla ko namang sabi with matching talon talon pa!

Eh ano ba! Sa excited nga ako eh minsan ko lang syang makasama kase sa korea sya nag aaral at malayo samin!
"Di naman halatang excited hahaha!" Sabi naman ng magaling kong papa. Tumawa na rin ako pati na din si mama sa sinabi ni Papa. Nawala kahit papano ang pagkabadtrip ko hehe.

Sa kalagitnaan ng pagkekwentuhan namin biglang nagring yung phone ko! Si Villa tumatawag. Ano na naman kayang problema ng babaing to?!

"Ahm. Ma,Pa! Excuse lang po muna. Sagutin ko lang po yung tawag ng kaibigan ko" paalam ko sa kanila na ikinatango naman nila pareho.

["Hellow"] -ako
["Myyyyghadd girl, dont forget yung usapan nating tatlo nina lorraine na lalabas tayo later okay?"] -Villa

Aray ang sakit sa tenga ha! -_- kung makasigaw kala mo bingi eh. Tss di naman sya halatang excited nahh!

["Okay, sunduin nyo nalang ako -.-"] sabi ko sa kanya na naka bored look kahit di naman nya ako nakikita

["K dot. bye see yah lateeerr"] -Villa
Hay nako bahala nga sya tss.
Pero sa totoo lang nakalimutan ko na yung usapan naming yon hehe. Eh sa nakalimutan ko nga eh *pout*
--------

**Oopps oh i forgot... Let me first introduce my name ....

My name is Stepanie Park 16 years of age. Matangkad,singkit ang mata,maputi, straight ang buhok at maganda, fluent akong magsalita ng tagalog dahil dito na naman kami nakatira. Koreana but may lahing pinoy dahil parehong may lahing pinoy ang parents ko pero korean din sila kumbaga may 1/4 kaming lahing Pilipino hehe cause half Korean si Lola na mama ni mama hehe ang gulo XD.
Basta ganon! And dito ako sa Pilipinas nag tapos ng high school. Nung grade school palang ako, dun ako nakapag aral sa Korea ng 3 years but after that dito na ulit ako nag aral hanggang sa makagraduate ako ng secondary.

Love Is RealWhere stories live. Discover now