Matapos kong kausapin si Eirene na cute, nagsimula na kaming mag jogging ni Choyoo.
Medyo nainip naman ako buti nalang dala ko yung phone ko makapag sound trip nga muna hehe.
"Awwww! Ang sakit" inis naman akong tumingin sa nakabungguan kong lalaki. Bwiset ang sakit nauna pwet ko pagbagsak. Letse!
"HOY! ANO BA?! DI KA BA TUMITINGIN SA DINADAAN MO HA?!" inis kong sabi tss
"KUNG MAKA-HOY KA NAMAN! MAY PANGALAN AKO! AT TSAKA KASALANAN MO DIN NAMAN YAN EH, DI KA TUMITINGIN SA DINADAAN MO! sabi nung lalaking nakabanggaan ko. Peste sumasagot pa -_-
"EDI SANA IKAW NAMAN ANG UMIWAS KITA MONG MAY GINAGAWA AKO EH" sigaw ko sa kanya hayy nakakainis
"DAPAT IKAW ANG UMIWAS HAHARA- HARA KA SA DAANAN KO YAN TULOY NADUMIHAN PANTS KO ANG MAHAL MAHAL NG BILI KO DITO TSK! aba grabe to ah.
"HOY IMPAKTONG NILALANG KASALANAN MO YAN PESTE KA. BILHAN PA KITA NG LIMANG PANTS NA GANYAN MAGTIGIL KA LANG"
"TSS WAG NA MAHAL ANG GANTONG PANTS BAKA MAS MAHAL PA 'TO SA BUHAY MONG BABAE KA!" Nakangisi nyang sabi
"NAPAKAHANGIN MO NAMAN PALA TSS IPALAMON PA KITA NG BUHAY SA ASO KONG ALAGA NG MAWALA KA NA SA MUNDO LETSE"
"TSS ANG GALING MO NAMAN MANAKOT WOAH NATAKOT NA AKO"
natatawa at nakangisi parin nyang sabi"URGH! CHOYOO BITE HIM GO!"
"HO-HOY ! A-ANONG GAGAWIN MO HA!" natatakot nyang sabi habang papalapit sa kanya si choyoo hehe good boy ^_^"HAHAHA! DUWAG KA NAMAN PALA EH!" ngisi kong sabi at umalis na hmph bahala nga sya dyan! Di man lang humingi ng sorry grabe!
"HOOOYY!" dinig kong sabi nya pero di ko nalang pinansin at isinuot nalang ang earphone sa tenga ko at nakinig ng music.
*****
Matapos kung mag jogging dumiretso muna kami ni choyoo sa park malapit sa bahay namin para magpahinga habang kumakain ng dirty ice cream na nabili ko dyan lang sa tabi tabi. Di naman ako maarte eh.
Grabe napagod ako dun ah. Hihi naalala ko na naman si Impakto yung nakabungguan ko kanina grabe duwag naman pala tssk!Pero wait lang may kahawig sya eh! Sino nga ba? Urgh di ko mabanggit pangalan nakalimutan ko. Huhu
-
-
-
-
-Wait..... Kahawig sya ni Eirene! Tama tama kahawig nga ni Eirene omyy posible kayang ... ayy erase erase di naman nya siguro kapatid yun tsk ang yabang eh. Pero kahawig nya. Napa buntong hininga nalang ako bakit ko ba kase iniisip yung mga ganon eh wala naman akong pakialam tss. -_-
Maya maya lang ay may lumapit sa aking dalawang bata. Ang cute nila parehas boy waahh! Sarap pisilin ng pisngi chubby yung isa hehe
"Hi ate" sabi ni chubby boy
"Hellow" sabi ko at binigyan sila pareho ng matamis na ngiti :)"Ang ganda mo naman po ate ganda" nakangiting sabi sakin nung kasama ni chubby boy
"Ah eh hehe thank you" ows naflattered naman ako sa pinagsasasaabi ng dalawang 'to. Tandaan nyo guys, ang mga bata ay di nagsisinungaling hahaha!
"Ate, alam mo paglaki ko gusto kitang ligawan kase ang ganda ganda mo po"
-chubby boy"Oo nga po ate ganda, paglaki ko po liligawan din kita sana mahintay mo 'ko" ang lungkot ng pagkakasabi nung isa
Hehehe"Hay nako! Ang babata nyo pa hehe! Pero anyways nakakatuwa naman kayo kase ang cucute nyo" nakangiti kong sabi
"Pst! Gerald narinig mo yun? Sinabihan ako ni ate ganda ng cute hihi"
bulong na sabi ni chubby boy dun sa isa nyang kasama na Gerald ata pangalan.