Strangers

35 2 0
                                    

Strangers.

Not totally.
Pero pwede iconsidered.

Naalala ko pa noon na wala pala kong maalala tungkol sayo noon.

Nakakatawang isipin na inaalala ko yung mga araw - yung dati, na hindi ka parte ng isang buong araw, buong linggo, buong buwan, taon o ng buhay ko.

Pero aalalahin ko. Aalalahanin ko yung mga araw na minsang nahagip ka ng panangin ko.

Aalalahanin ko yung araw na minsang  nagtama ang mga mata natin ng walang anumang emosyon.

Aalalahanin ko yung araw na nagkabangga tayo sa hallway patungo sa canteen para kumain at nagkasabay pa sa pila.

Pilit kong aalalahanin yung mga araw na hindi ko na maalala.

Pilit kong babalikan yung mga ala-alang hindi ko na tanda.

Pipilitin ko yung sarili ko. Hanggang sa makaya ko...

Makaya kong alalahanin.

-

Hindi ko rin magets kung bakit mahaba na 'to kung wala naman pala ko maalala noon tungkol sayo?

Base sa mga kwento mo...

Napapansin mo na ko noon pa man.

Base sa mga hirit mo, may gusto ka na sakin noon pa man.

Base sayo... Minsan ko na palang nabuo ang araw mo.

Oo. Sorry. Pero hindi kita napansin noon na dapat siguro ginawa ko no?

Hindi kita pinapansin noon. Pero hindi ko akalaing yung taong dinadaan-daanan ko pala dati.

Yung taong hindi ko binibigyang pansin.

Yung taong minsan ko lang kausapin.

Yung taong pag nadapa sa harapan ko, wafakels lang ako. Tatawanan ko pa. Titingnan lang. Walang paki-alam kahit nasaktan na...

Yun pala...

Ikaw yung taong di ko pinapansin noon na di ko akalaing...



Lubos ko palang mamahalin ngayon...

...kahit ang sakit sakit na.

ThoughtsWhere stories live. Discover now