Minsan mapapaisip ka nalang kung lahat ng di nangyari, nangyari.
Kung lahat ng di mo ginawa, ginawa mo.
Kung lahat ng ginawa mo, hindi mo ginawa.
Magulo pero, minsan maiisip mo talaga.
Maiisip mo na, bakit nga ba? Bakit nga kaya nangyari ang lahat?
Lahat na sana hindi nalang nilahat. Hindi nilahat kasi masakit pala. Masakit din pala umasa na akala mo may kakahinatnan pero wala. Wala pala. Oo nga pala. Wala na talaga. Akala ko kasi noon, tutuparin mo lahat lahat ng sinasabi mo, akala ko kasi noon, lahat totoo. Akala ko pangmatagalan na 'to. Pero akala ko lang lahat. Minsan talaga, hindi mo nalang iisipin. Minsan lahat nalang dedeadmahin, pero naisip ko, bakit ang dalas nung minsang akala ko minsanan lang? Aasa nanaman ba ko kasi akala ko?
Aasa nnaman ba ko sa takbo ng isip ko na wala na? Magpapatangay nanaman ba ko sa ihip ng hangin na hindi tulad ng minsang inaakala ko? Madalas pala. Madalas pala mangyari ang lahat. Tila sumasabay sa pagulan ang nararamdaman ko. O nararamdaman nga kaya talaga ng mundo ang pinagdadaanan ko? Kasi habang umuulan, kasabay nun ang pagpatak ng mga luha kong walang sawang umaagos sa muka ko. Matatapos pa ba?
Matatapos pa kaya ang pagiisip ng sobra? Sa bawat gabi na dumadaan, tanging iniisip ko, ay sana mkatulog na ako sa mga oras na ito. Makatulog na ako, at sana nama'y kahit papano makalimutan ang mga sakit na iniwan mo noong umalis ka, nagpaalam ka, sinabi mong ayaw mo na. Hanggang saan nga ba ako dadalin ng pangungulila ko sayo?
Pero... Dumating yung minsan na hindi ko inaasahan. Minsan nakita kita, pero wala na. Nakita kita sa harapan ko, tinititigan ka, pero wala na nga talaga. Sinubok ang sarili na baka may konti pa, pero nabigo ako. Sa pagkakataong ito, nabigo ako pero masaya ako. Masaya ako kasi oo. Tama ka. Wala na kong pagtingin kahit konti sayo. Nadatnan ang sarili na ngumingiti sa kawalan, dahil sa wakas. Tapos na. Natapos na ang ilang araw, buwan na ang laman ng isipan ay ikaw. Na sa tuwing maiisip ka ay bumabalik ang pagkalumbay. Pero ngayon. Masaya na ko. Walang halong kaplastikan, pero oo may halong kadramahan pero parte na lamang ng nakaraan ko kasama ka. Minsan, masaya rin pala ang minsan.
Minsan pala gugustuhin mo rin ang minsan. Aasahan mo rin ang minsan. Minsan na inaantay mo ng kay tagal pero saya na walang kapantay ang katumbas, minsan.