Enough

35 2 0
                                    

I've done enough. But it wasn't good enough.

Ginawa ko lahat. Pero di pa rin sapat.
Di pa rin sapat na manatili ka sa tabi ko.
Di pa pala sapat na ako ang nasa bisig mo.

Nakakapagtaka lang.
Nasaktan ka rin kaya?
Nasaktan ka ba na iniwan mo ko?
Na iniwan mo yung taong pinangarap mong maging sayo?
Yung taong pinangakuan mo ng habang buhay?
Yung taong nandyan lagi para sayo through ups and downs. Through your better and worst?

Nasaktan ka ba na iniwan mo yung taong mahal na mahal ka?

O ang totoo nyan. Hindi naman talaga.
Na wala lang para sayo. Na balewala lang sayo na nasasaktan yung taong dati kahit langgam ayaw mong sasaktan sya.

Sabi nila...

Pag nawala ang isang tao o bagay dun mo marerealize ang tunay na halaga.

Kailan?
Kailan mo marerealize na mahalaga pala ko para gawin mo rin yung ginawa ko sayong pagmamakaawa nung sinabi mong...

"Tama na."

Kailan mo marerealize na mahal mo pala ko nung mga oras na pinapapili kita kung sya o ako at ang sagot mo lang sakin...

"Sorry."

Kailan mo marerealize na dapat pala sinabi mong ako nalang kasi sobrang nasaktan mo ko nung sinabi ko sayong...

"Ako nalang. Please..."

Kailan mo marerealize na hindi mo pala dapat ako iniwan?

O wala na ba talagang realization process na magaganap.

Kasi masaya ka na.
Kasi may iba ka ng mahal.
Kasi mas masaya ka sa piling nya.
At higit sa lahat...
Mas mahal na mahal mo sya hindi gaya sa pagmamahal na binigay mo sakin na akala ko lubos lubos na.

Masakit pala maiwan.

Salamat ha?

Akala ko kasi yung unang holding hands, hugs, first monthsary at iba pang happy memories na meron tayo ang unforgettable moments ko sayo.

Yun pala...

Ang most unforgettable moment ko sayo ay yung iwan mo ko. At sampalin ng katotohanang wala ng tayo.

Masakit maiwan. Pero salamat naranasan ko.
Salamat kasi dahil sayo natuto ako.
Salamat.

Hayaan mo. Dadating din yung araw na masaya na ko. Hindi sa iba. Pero para sayo. Masaya ako para sayo. Kasi iniwan mo ko.
Masaya ako para satin. Kasi malaya na ko sayo.
Malaya na sa sakit.
Malaya na sa pagiyak tuwing gabi at pinapangarap na maging akin ka muli.

Salamat ha. Maraming salamat.

ThoughtsWhere stories live. Discover now