Chapter 1

58 1 0
                                    

Keanna's POV

Tinanghali na ko ng gising dahil tinapos ko pa yung mga projects ko sa Math and Science. At kanina ko pa rin naririnig yung sigaw ng mama ko. Stepmother rather.

"Ano ba naman yang anak mo Enrico! Lagi na lang tanghali gumising! Kaya lumolobo eh! " sigaw ni mama. Ganyan ang laging scenario araw araw dito sa bahay. Lagi syang sumisigaw. At kahit kelan diko sya narinig na hindi sabihin ang mga yan.

"Opo ma, pababa na po!"  Sinabe ko na lang. Kaya dali dali akong bumama ng hagdanan at naabutan silang salo salong kumakain sa hapah kainan. Kasama nila Mama and Papa mga kapatid ko. Sila Shanice at Kuya.

" Ma, Pa sorry po ngayon lang ako bumaba, tinapos ko pa po kase mga projects ko. Tsaka po yung---" diko na natuloy yung sasabihin ko dahil pinutol ako ni Mama.

"Sinabe ko bang magexplain ka jan? Umupo ka na lang at ng makakain na tayo. Hinde dapat pinagaantay ang pagkain." Mataray na saad sakin ni Mama. Hmm, sanay naman na ako kaya no worries.
Kaya tumungo na lang dahil sa sinabe ni mama.

"Hmp, masyado kaseng pa importante." Rinig kong bulong ni Shanice. Isa rin yan si Shanice na kahit kelan di ako tinuring na kapamilya, parehas sila ni mama.

"Tigilan nyo na yan, kumain na lang tayo." Plain na pagkasabi ni Papa.
So ayun, kumain na pang kami ng walang nagiimikan.

"Ah Papa? Pwede po ba mamaya baka gabihin po ako ng uwi, may group project po kasi kami sa Psychology." Biglang putol ni Shanice sa hapag,

"Oh sige, basta umuwi ka pa rin ah? Wag masyadong magpapagabi." Sabi ni Papa.

"Basta nak? Ingat ka paguwi, alam mo naman mga tao ngayon, tsaka tignan mo sarili mo, habulin ka pa naman" biro ni Mama kay Shanice.
Napayuko na lang ako sa narinig ko.

"Ma, Pa mamaya po may gig kami kaya baka gabihin din ako." Sabi naman ni Kuya, Vocalist kasi sya ng banda nya. Ang Exorduim.
Sa mga naririnig ko ngayon feeling ko parang di ako kasama sa hapag. Parang di nika ko kasama. Para kong hangin dito. Parang di nila ko tinuturing na kapamilya nila.
At yun ang dahilan nang maginit ang dalawang gilid ng mga mata ko. Kaya nanatili akong nakayuko. At bago pa tumulo mga luha ko, tumayo na ko.

"Ah Ma, Pa alis na po ako. Baka po malate ma po kasi ako." Di ko na sila hinintay na sumagot at umalis na agad ako dun. Dumeretso ko sa Gate namin at lumabas na ng tuluyan ng bahay.

"Wait Keanna!" Narinig kong may sumigaw sa likod ko. Si kuya pala.
Dali dali kong pinunasan yung luha ko.

"Oh kuya? Bakit?" Tanong ko sabay iwas ng tingin.

"Ayos ka lang ba? Halika na sabay na tayong pumasok. " Sabi ni Kuya.

"No need kuya, I'm okay. Mag cocommute na lang ako. Para naman maexercise din ako"
Pagbibiro ko, pero iniwas ko mga mata ko.

"You sure? Di kana sasabay sakin?" Pagsisigurado nya pa.
Umiling na lang ako at tumalikod na. Bumuntong hininga ko

Kaya mo yan Kaisha...

The girl He never notice.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon