Chapter 1
Wearing my usual attire – white shirt, jeans, rubber shoes and a sling bag to pair with my almost everyday outfit, I faced again the mirror that was attached to my cabinet. I also checked my face if there has to be some retouching that has to be done, per wala naman akong nakikitang kakaiba. Bukod sa natural na pinkish ang pisngi at sa mamula-mulang labi, nag-apply lang ako ng kaunting polbo para magmukha naman akong presentable.
First day of school, and unlike other ordinary students who are excited to meet their friends and crushes, again, after a long semestral break, I was actually more excited for my term as the new President of the college student council. Matagal ko din naman kasing pinaghandaan ang termino ko, pero syempre, hindi ko naman nakakalimutang estudyante pa rin ako.
Isang suklay pa sa nakatali kong buhok at ready to go na ako. Matapos magpaalam kay mama na naabutan kong nagwawalis sa labas ng bahay, I quickly hailed a jeepney that passed by our house.
Sobrang ganda ng simula ng araw ko, kaya siguradong maganda rin magtatapos 'to.
I stay up too late, got nothing in my brain
That's what people say mmm, that's what people say mm
I go on too many dates, but I can't make 'em stay
At least that's what people say mmm, that's what people say mmmBut I keep cruising, can't stop, won't stop moving
It's like I got this music in my body and it's gonna be alright'Cause the players gonna play, play, play, play, play
And the haters gonna hate, hate, hate, hate, hateNaglalakad na ako papuntang gate ng school habang naka-earphone, pakanta-kanta pa habang pinapakinggan ang favorite music ko ngayon na Shake if off by Taylor Swift. Hindi naman ako gaanong marunong sumayaw, pero nahiligan ko na siguro talagang makinig ng nakakaindak na tugtog.
I sighed delightfully, kung sana ganito lagi, edi ang saya sana ng buhay.
Nakakapagtaka ding napakaganda ng papasikat na araw, samantalang napakalakas naman ng ulan kagabi, medyo basa pa nga ang daan, some parts, medyo may tubig pa. Pero dahil wala sa kahit ano pa mang bagay ang isip ko, inignora ko nalang. Matutuyo din yan, bulong ko habang patuloy sa paglalakad.
Malapit na sana ako sa main gate ng school nang may marinig ako mula sa di kalayuan na lumalangitngit na gulong ng sasakyan. Napatingin ako kung saan nagmumula yung ingay at hindi ko maiwasang humanga.
Naks! Ang gara!
Isang navy blue Porsche car lang naman na halatang bagong-bago ang mabilis na paparating. At dahil sa sobrang bilis ng nagpapatakbo nito, kung sino man s'ya, hindi agad ako nakailag nang matapat sa akin yung walang patawad na sasakyan n'ya na nagkataon ay nadaanan din ang walang patawad na lubak na nagsaboy ng putik sa pagkabango-bango at bagong downy kong damit!
"What the-" gulat na gulat kong sambit habang nakatulala sa panay putik kong damit.
Shit! Puti pa ang damit ko! Sigaw ng utak ko habang unti-unting nanlilisik ang mga mata ko at ang napakagandang araw na kanina lang ay ini-enjoy ko ay napalitan ng hindi mapapantayang iritasyon!
Napansin ko namang huminto ang kotse sa di kalayuan at kailangan ko pang lakarin mapektusan lang ang bwisit na driver ng sasakyang yon!
"Hoy!" sigaw ko habang lumalakad papunta sa tapat ng driver's seat. Pagkatapat ko, kinatok ko ng malakas ang salamin ng kotse. Letche! Hindi man lang agad binuksan ng antipatikong 'to yung bintana n'ya nang makahingi ng pasensya sa akin! Pero ang mas nakakaasar pa, nakakatatlong katok na nga ako ay hindi pa ako pinagbubuksan! Loko-lokong to ah!
"Hoy! Ano ba? Lumabas ka nga d'yan at tingnan mo tong ginawa mo sa damit ko!" dahil sa iritas'yon, halos kabugin ko na yung salamin ng kotse ng walang-hiyang driver na 'to. Hindi naman ako natural na eskandalosa pero talaga namang nakakainit ng ulo tong walang-hiya na 'to. Siguro pangit tong lintik na to! Aba't ayaw pang ipakita ang mukha!
"Hoy panget! Lumabas ka nga d'yan! Anong gagawin mo sa damit ko, ha? Bayaran mo nga-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at parang napipi ako ng biglang buksan ng driver ang bintana nya.
"Hey, hey! Don't crash my window shield. Anyway, I'm sorry, I'm just in a hurry." Halos wala akong naintindihan sa sinabi ng lalaki. Marahil dahil sa may British accent s'ya o dahil kusang napatitig na lang mga mata ko sa napaka-gwapong mukha nya. Hindi ko alam! Why the hell am I acting this way matapos n'ya akong dumihan?!
But those grey eyes. I've never seen anything like it. Pakiramdam ko, name-mesmerize ako ng wala sa oras, yung tipong kahit gusto kong ihiwalay ang mga mata ko mula sa pagkakatitig ko sa mga mata n'ya ay hindi ko magawa? Walanjo na yan! Ako nga yata ang nawawalang-hiya.
Sinubukan kong alisin ang mga mata ko sa pagkakatitig sa mga mata nya, but when I tried, sa labi naman n'ya ako napatingin. Anak ng! Bakit ang kissable ng labi nya?! Hindi pa naman ako nakakahalik o nahahalikan, pero bakit parang bigla kong gustong ma-experience yon? As in ngayon na.
Nagi-init ang mukha ko ng wala sa oras dahil sa itinatakbo ng utak ko when I saw him snapped. Actually, he didn't just snap, in fact, he snapped his fingers in front of my face like I was a complete moron.
Bigla akong nagising sa parang isang panandaliang pagkakahumaling at bumalik na naman ang init ng ulo ko.
"Hey!" ulit na naman n'ya. "Are you listening to me? I said take my card and just call me if you'll need any help, for now..." tiningnan n'ya muna ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita, "I really gotta go." Sabi n'ya saka iniabot na lang sa akin yung calling card n'ya at pinatakbo na ulit yung sasakyan n'ya.
Nawindang ako sa bilis ng mga pangyayari and it took me nearly a minute before I realized what just happened.
How dare him?
How dare him treat me like a fucking idiot?
Unti-unti, naramdaman ko ang sobrang galit na kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman. He even had the guts to just leave me like that habang putikan at abutan lang ako ng calling card na wala namang magagawa para malinisan ako!
But wait, he went inside the school. Why? Could it be that he's studying in the same school as I did? If that's the case, then the odds were in my favor since like I said, I was the President of the student body and I could easily search for him if I wanted to.
I grinned evily at the plan that was starting to form inside my head. I couldn't just let him get past what he just did to me. And seeing my clothes now, lalong nagtagis ang bagang ko and it made me want to have my revenge immediately!
Tiningnan ko ulit ang calling card na inabot n'ya and I couldn't help but roll my eyes, ano namang magagawa ng card ng sira-ulong 'yon sa sitwasyon ko, maipangbibili ko ba ng damit 'to? O kaya naman ay parang ATM na pwedeng pag-withdraw-han ng pera?! Letche! Lalong nag-iinit ang ulo ko.
Maganda!
Maganda kong sinimulan ang araw na 'to! But because of you – wait, what's his name again? I read the card and in it was indicated, Frank William Worsford. Hmmm, 'yan pala ang pangalan mo ah? Pwes, maghanda-handa ka na because you didn't know what this Stephanie Jean Diaz could do.
BINABASA MO ANG
Falling in Love (completed)
RomanceIbang-iba s'ya sa nakilala ko. Ibang-iba s'ya sa lalaking minahal ko. Never did I expect that he could do something like this to me! Nabigla ako nang sa pagitan ng pagwawala ko ay tuluyang naputol ang pasensya n'ya. Titig pa rin ang mga mata n'ya sa...