Chapter 2
Pabalik na ako ng school at hindi tulad kanina na punong-puno ako ng excitement para pumasok ng school, ngayon hindi na! Naku! Makita ko lang talaga ulit ang pagmumukha ng lalaking ''yon, I swear, hinding-hindi ko s'ya palalagpasin! Saan ba kasing lupalop s'ya nanggaling? Hindi ko pa s'ya nakita sa campus kahit kailan, at malabo naman na kung talagang estudyante na s'ya ng school namin ay hindi ko s'ya mamukhaan o nakasalubong man lang.
Madalas kasi akong mag-organize ng school programs dahil simula pa lang nung second year ako ay officer na ako ng student body, kaya sigurado ako na hindi ko pa s'ya nakita noon.
I sighed. Tama na nga ang kakaisip sa mga walang kwentang tao. Naabsent na nga ko sa una kong subject, baka ma-late pa ako sa pangalawa and it's all because of that stupid moron!
Sa nga'yon, naglalakad na ako papunta sa room and when I watched my wrist watch, pasado alas-dose na! Shit! Saktong twelve pa naman ang pasok ko!
Dali-dali akong tumakbo papasok ng building kung saan ang klase ko. Minsan lang ako ma-late sa buong duration ng pag-aaral ko at kung mali-late man, kailangan mahalaga ang dahilan para masabi kong valid ang reason ko.
Punctual. Ganyan ako lagi pagdating sa attendance. At sa academics naman, lagi kong sinisigurado na kasama ako sa mga nangunguna sa klase. Siguro kaya rin ako nakilala sa school namin, because of my ethics when it comes to studies and my responsibility as a leader.
Pero ngayon? My God! Sa lahat naman ng pagkakataon na mali-late ako ay ngayon pa. First meeting at late ako? No way! And after I reminded myself kung sino nga ba ang professor ko nga'yon, napangiwi na lang ako, si Ms. Samin lang naman na kilalang terror sa buong school. Ang professor na kahit minsan ay hindi ngumiti sa klase n'ya at kung maiisipan mo s'yang biruin ay pag-isipan mo muna kung ayaw mong makakuha ng tumataginting na singko na marka.
Tumakbo na ako para mabilis akong makarating kung saan naroon yung elevator, per nang makarating ako ay sobrang haba naman ng pila. I groaned inwardly and gripped my bag as I readied myself to run up to the 4th floor of the building. Ang problema, sa iksi ba naman ng legs ko ay nahirapan talaga akong akyatin ang hagdan para lang marating ang room 407 kung saan naroon ang room ko.
Nang makatuntong na ako sa 4th floor, ubod ng bilis kong tinakbo ang kahabaan ng hallway para marating ang pinakadulong room, pero sa sobrang bilis ko ay hindi ko na nagawang pumreno nang biglang bumukas ang pintong papasukan ko sana at tuloy-tuloy akong nadulas sa sahig, una ang pwet, at muntik pang mauntog ang ulo ko kung hindi ko lang naisaklay ang siko ko.
"Oww!" Inda ko nang maramdaman ko ang sakit sa pang-upo ko.
Hinimas-himas ko muna siko kong nasaktan bago ko pinansin ang kamay na nakalahad pala sa akin para makatayo. Pero bago ko abutin ang kamay na ''yon, tiningnan ko muna kung sino mang may-ari n'on dahil s'ya ang may kasalanan kung bakit feeling ko yata ay hindi na ako makakatayo! Pero nang tingnan ko... halos magdilim na ang paningin ko at kating-kati ang kamay kong makahawak ng itak dahil feel kong manggilit ng leeg ng isang kapre.
Letche!
"Ikaw?"
"You?"
Sabay pa naming sabi at kung makakatayo lang ako ay kamay ko na mismo ang gagamitin ko masakal ko lang itong kapreng 'to, dahil nang ma-recognize na n'ya ang mukha ko, pakiramdam ko gusto pa n'yang matawa sa nangyari sa akin.
"May sira ba talaga yang ulo mo?" Nasabi ko na lang sa sobrang galit habang nakaupo pa rin ako sa sahig at s'ya naman ay tinanggal na ang pagkakalahad ng kamay sa akin, "nakita mong nasaktan na yung tao, nakakangiti ka pa rin? Kung pausadin ko kaya yang mukha mo dito, makakangiti ka pa kaya, ha?!" nagngingitngit kong sabi sa kanya habang pigil na pigil ang lakas ng boses dahil malamang, may nagka-klase na sa mga rooms.
Hinihintay ko s'yang sumagot pero nakatingin lang s'ya sakin.
"Hoy! Namatanda ka na ba, ha?!" sabi ko pa habang pinipilit kong tumayo, pero mukha yatang nabalian ako dahil hindi ko maiunat ang balakang ko. Shit! Napasama yata ang bagsak ko ah.
Nagulat ako nang akmang aalalayan n'ya ako pero agad kong tinabig ang kamay n'ya dahilan para bumagsak na naman ako. Ouch! I hissed as I felt the pain coming from my hips.
"I don't think you could stand up, let me help you." Alok n'ya pero umirap lang ako.
"No!" sabi ko saka pinilit na namang tumayo but I just couldn't. Sobrang sakit.
He stayed where he stood and I looked up at him. Nagsukatan kami ng tingin and there was no way that I was backing out even if I was in pain. Nagawa na nga n'yang sirain ang araw ko, dadagdagan ko pa ba? Hanggang sa mapansin ko ngang nakalabas na pala sa room namin si Ms. Samin pati yung ilan naming mga kaklase.
"Ms. Diaz, what's wrong with you? Bakit ka nakakasat d'yan?" mataray na tanong sa akin ng matandang dalagang professor namin at wala akong maisip agad na dahilan.
"Ahh... ehh... Ma'am, k-kasi po..." nara-rattle na ako! Ang hirap naman kasing sabihin na nadulas ako dahil sa katangahan! Kung pwede lang sabihing kagagawan ng lalaking 'to, edi sana sinabi ko na. Pero baka itanggi n'ya na s'ya ang may kasalanan at sa huli, ako pa yung magmukhang tanga.
Tiningnan ko ulit si kapre na nakatayo pa rin sa tabi ko at hindi ko inaasahang makita s'yang nakatitig sa akin. He looked concerned and for some reason, my heart suddenly raced but I quickly ignored it.
"Ahh Ma'am..." biglang nagsalita s'ya saka tumingin kay Ms. Samin, "I'm sorry to interrupt, but it was actually my fault." Sabi n'ya at nagulat ako. I didn't expect that he would say that. "I was about to get out so I opened the door and she... well, she was about to arrive, running but I didn't know it, so when I stepped out of the room, she got shocked so she slipped her feet on the floor." tumingin ulit s'ya sa akin saka ako nginitian.
"Eh bakit hindi ka pa din tumatayo?" tanong naman ni Ms. Samin na nakatingin sa akin.
"Ahh... e kasi ma'am..." nagaalangan kong sabi saka pinilit ulit na tumayo pero masakit talaga ang balakang ko kaya muntik na naman akong bumagsak kung hindi lang ako nasalo nitong lalaking 'to.
"Hey, careful." Mahinay n'yang sabi habang inaalalayan ang bigat ko.
"Okay, so you can't get up?" tanong ni Ms. Samin at ibinaba pa talaga ang salamin n'ya na parang sinusuri kung umaarte lang ba ako o hindi. But after awhile, I guess she believed that it wasn't just an act so she sent me off, but not on my own. "Mister." Tawag n'ya sa lalaki na 'to at tumingin naman ang loko, "take her to the University clinic." She ordered and this one heck of a man nodded and smiled before Ms. Samin turned her back on us and returned to the room with the rest of the class.
BINABASA MO ANG
Falling in Love (completed)
RomanceIbang-iba s'ya sa nakilala ko. Ibang-iba s'ya sa lalaking minahal ko. Never did I expect that he could do something like this to me! Nabigla ako nang sa pagitan ng pagwawala ko ay tuluyang naputol ang pasensya n'ya. Titig pa rin ang mga mata n'ya sa...