Part 6

2.1K 44 0
                                    

Part 6•






Pinapanood ko lang si Kelvin habang patuloy pa rin ang pag popose niya. Sabi ng photographer ay ilang shots na lang pero mahigit kalahating oras na ay hindi pa rin natatapos. Halata kay Kelvin na pagod na siya at naiinis na. Pinigilan ko na lang ang sarili kong matawa at tinuon ang sarili sa pagliligpit ng mga gamit niya. Maya maya ay niligpit ko na lang ang mga gamit ko. Nakaramdam na rin ako ng pagod. I sighed while picking up some stuff i used to fix his outfit and make up.






"Ok i think we got it! Thank you so much!" Rinig kong sigaw ng photographer. Hayy salamat natapos rin. Nagpalakpakan sila at si Kelvin naman ay nagmadaling pumunta sa dressing room niya.






"Nandito daw si Natalie?" Bulong ng isa sa babaeng staff kausap ang assistant ko na si Cheska.



"Talaga? Grabe pakiramdam ko may relasyon talaga sila." Sagot pa ni Mae na nakichismis din sa kanila. Napanguso na lang ako. Sino yon?




Nang matapos ko na ang pagliligpit ay nagpaalam na ko sa kanila. Hinanap ko naman si Ms. Gen sa buong set pero wala siya kaya pumasok ako sa dressing room ni Kelvin. Baka nandoon si Ms Gen. Kumatok ako bago buksan ang pinto. Nakita ko kaagad ang nakangiting muka ng isang babaeng pamilyar sa'kin. Nginitian ko na lang din.



"Who is it?" Rinig ko ang boses ni Kelvin. Bihis na siya at mukang handa nang umalis.



"Oh she's your new wardrobe manager. Hi nice to meet you i'm Natalie." Naglahad siya ng kamay sa'kin matapos basahin ang suot kong ID. Nakipag kamay na lang ako.




"Hi i'm Elora." Pakilala ko. Nakatingin lang samin si Kelvin. Bakit ang awkward? Kumunot ang noo niya.





"Nice name! Very rare huh." Kumento niya at pinulupot na ang kamay sa braso ni Kelvin. Napatingin ako doon. Nakaramdam ako ng inis. Bakit? Ay hindi ko alam.




"Uh.. I'm just gonna drive her home. Nasira kasi yung kotse niya." Sabi ni Kelvin sa'kin. Doon natanggal ang titig ko sa mga braso nila. Kumunot ang noo ko.





"Bakit nagsasabi ka sakin?" Tanong ko sa kaniya. Bakit nga ba? Nagtanong ba ako?





"Yeah Love, bakit nagpapaalam ka pa? Tara na?" Medyo natawa pa si Natalie kaya nadagdagan pa yung inis ko pero hindi ko na lang pinapahalata. Bakit ko ipapahalata?




"W-well... I mean... Maybe she can tell it to Gen. C'mon let's go." Nauutal na sagot ni Kelvin tsaka nagmadaling lumabas habang hila hila si Natalie. Naiwan ako sa dressing room na nagtataka sa nangyari.







Bakit? Bakit ako naiinis sa pagpulupot ng braso ni Natalie kay Kelvin? Sobrang dami naman nang babaeng pumulupot at mas higit pa ang nagawa kesa sa kaniya pero bakit meron kung anong nakakapag painis sa'kin sa kaniya. Its so awkward and i got this weird feeling. Naiirita lang siguro ako sa boses niya? But she's a famous singer. There's nothing wrong with her voice. Basta naiinis ako sa kaniya? Pwede ba yon na hindi alam ang dahilan basta na lang naiinis? I sighed and just shook the feeling and went out of the dressing room. Doon ko nakita si Ms Gen na may kausap sa telepono.







"Ms Gen aalis na po ako." Paalam ko sa kaniya nang maibaba niya ang telepono.




"Oh! Good thing you're still here i was gonna call you. Anyway, may bagong project si Kelvin. You have three days to prepare for our trip to Baler..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May ganon agad? May Baler agad? Malayo layo yon ah.



"Oh wow. Ok..um ilang araw tayo doon?" Tanong ko sa kaniya. Napangiwi siya.




"Not so sure pero magdala ka na ng damit na pang limang araw. We're gonna try to finish everything fast kasi may concert si Natalie at surprise guest siya so hopefully makabalik tayo kaagad." Magsasalita pa sana ako pero nagexcuse na siya dahil may tumawag ulit. Napabuntong hininga na lang ako.






I guess im going to Baler. Lumabas na ako ng building at naglakad papunta sa kotse ko at doon ko na talaga naramdaman lahat ng pagod. Akala ko ok lang ang trabaho ko kay Kelvin pero dahil mas busy ang career niya mas madami akong trabaho. Kahit na may dalawang assistant pa ay ganon pa rin. I started my car and was ready to go but my phone started ringing. Nag flash ang pangalan ni Kelvin sa screen. Nagdalawang isip akong sagutin. Kesa sa sagutin ay sinilent ko na lang ang phone ko at itinago iyon sa bag ko. I don't know why but i'm not in the mood to talk to him.




The image of Natalie clinging to him still pops up in my mind. Nakakairita siya? Hindi ko alam bakit pero sa tahimik kong buhay ngayon lang ako nairita ng ganito. Si Natalie ay isang maganda, matangkad, makinis, talentado at sikat na babae. Pasok na pasok siya sa mundo si Kelvin. Marami na akong naririnig na balita sa kanilang dalawa pero hindi ko pinapansin at tinuturing iyong flings ni Kelvin na hindi na nakakagulat. Sikat siya at kahit na nga isama mo siya sa pinsan niya na si Kristine ay lalabas pa rin ang balita na isa ito sa mga rumored girlfriend niya na tinatawanan namin dalawa.




This is not the first time i saw him with another woman. We don't have any relationship to begin with. Of course he will go out with different women time by time pero itong si Natalie na dating tinuturing ko lang na isang fling at hindi espesyal ay kinakainisan ko na. Ang masama pa ay hindi ko alam bakit ako naiirita at naiinis sa kaniya. What is happening? Why am i feeling weird about her? Huminga na lang ako ng malalim at nag drive pauwi. Baka naman pagod lang ako? I'll take some rest, relax my brain and think about this.



What makes her so different for me to hate her? Who is Natalie? Who is she in Kelvin's life and why am i feeling weird towards her.. This is so weird im going crazy.

The Breaking Game: Kelvin [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon