•Part 9•
Pagtapos namin kumain ni mommy nagpunta na lang kami ng mall. Nagshopping saglit sakto naman na may gusto siyang bilihing furniture sa bahay kaya natulungan ko naman siya mag desisyon. Niyayaya ko pa si mommy mag dinner pero sabi niya sa bahay na lang daw siya kakain dahil hahanapin siya ni Dad. I am really happy with my parent's relationship. Iyong iba kung kelan tumanda doon pa naghihiwalay pero ang mga magulang ko walang bitaw. They love each other so much.
"Bye Mommy. I'll see you soon. Say hi to Dad for me." Sigaw ko kay mommy nang papasok na siya ng gate. Hinatid ko na lang siya kesa maghintay pa siya sa driver niya. She waved goodbye at tuluyan na pumasok.
I drove back to my house. Ano kaya naisip ni Kelvin at gusto niya ko pumunta sa mansion nila? Nakwento niya minsan sa'kin na wala sa mga babaeng nakakasama niya ang nakakapunta doon kaya sa rest house niya lagi kami nagkikita. He says he treasures that house dahil ipinamana sa kanila ng kapatid niya iyon.
I wonder what's going on. I looked at my wrist watch at halos mag 9pm na. Is he waiting this whole time? Nah.. i don't think so. Baka kausap niya lang si Natalie. Ahh! That made me cringe. Bakit ko ba kasi iniisip yung mga ganoong bagay. I'm making it harder for myself. Tumatakbo pa rin sa isip ko yung sinabi ni Mommy kanina. What if i am really in love? Pero hindi ko alam kaya there's a chance that i missed it? Or im going to miss it in the future? Hindi naman ako bago sa love love na yan. Nagkaboyfriend na rin naman ako so i know what love is. But.. it's been a while since i last got a boyfriend. I think senior year noong highschool ako?
College ako i was so focused on my studies. Kahit na hindi naman ako masyado binabantayan nila mommy sa grades ay gusto ko pa rin maging mabuti ang pagaaral ko. After college i didnt feel achieved. Hindi ako nasatisfy sa natapos ko but i'm glad i did it well. So i just started living my life the way i want. Which is im not proud of. I started going out living the dream ika nga nila. Pero ngayon na naiisip ko lahat iyon, paano kaya kung itinuloy ko na lang ang career path ng major ko? Paano kung naging seryoso lang ako sa buhay at hindi naging ganito?
Makikilala ko kaya si Kelvin? Would i be happy? I just sighed as i parked my car. Hindi ako magiging masaya. Hindi yon ang gusto kong gawin sa buhay at sa tingin ko ang importante ay ang kaligayahan. Kung saan ka masaya doon ka. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. I feel so tired. Kinuha ko ang phone ko at nakitang ni isang text ni Kelvin ay wala. Kahit tawag wala rin. Is he still waiting for me? Tingin ko hindi naman. Nagkibit balikat na lang ako at nagdesisyong maligo na lang.
I felt more relaxed and easy after my quick shower. Nagsuot ako ng pajama at tinuyo ang buhok ko. Hindi ko alam kung tuloy pa yung planong pumunta sa mansion nila Kelvin but he's not texting and it's past 9pm na so i think hindi na iyon tuloy. Pagbalik ko sa kama ko tinignan ko ulit ang phone ko wala pa rin siyang text. It's weird kasi everynight he send me goodnight texts. I sighed. Busy siguro. Pinatay ko na lang ang ilaw at night light ko na lang ang bukas. Matutulog na lang ako. I'm tired it was a long day.
Knock knock knock...
Napabalikwas ako at binuksan ang lamp shade ko. May kumakatok? Sa kwarto ko? Sino? I'm alone here so who could it be? Handang handa na ko tumawag ng pulis habang papalapit ako sa pinto. Hindi ako tanga gaya ng mga bida sa scary movies na bubuksan pa yung pinto sa mga ganitong eksena.
"Sino yan?! Tatawag ako ng pulis sino ka?!" Sigaw ko. Sigurado akong rinig ako ng kung sino man yon. Alam kong walang ibang tao dito. Imposibleng si Belle yon dahil tatawag siya sa'kin kung pupunta siya.
"It's me." Sagot bigla sa'kin. Kumunot ang noo ko. Mapalunok ako. Si Kelvin? How? When? What???
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang diretso kaagad ang tingin sa'kin. Ngumiti ako. Bakit ako ngumiti? Hindi ko alam. He sighed at me as i let him in my room. Ito ang unang beses nakapunta siya dito. Ni hindi ko alam na alam niya ang bahay ko.
"Paano ka nakapasok??" Tanong ko kaagad sa kaniya. Umupo siya sa kama ko at tinanggal ang sapatos niya.
"You didn't lock your front door. Kumakatok ako but i guess you didn't hear anything. Front door is open so i let myself in." Medyo masungit na sagot niya. I'm pretty sure i locked it pero siguro dahil sa maraming gumugulo sa isip ko baka nga hindi ko na lock.
"Eh paano mo nalaman na dito ako nakatira? I didn't tell you." Tanong ko sa kaniya. He laid on my bed looking so tired.
"I asked Gen. She told me." I figured. Napabuntong hininga na lang ako. I don't know why but i feel awkward looking at him on my bed. Even to the fact that he's here right now bothers me. Kaya hindi ko na natiis mag tanong.
"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalik at umupo. Tinignan niya ko gamit ang seryoso niyang mata at sinabing..
"Because i want to talk to you. It's important."
BINABASA MO ANG
The Breaking Game: Kelvin [ON HOLD]
ChickLitI am a Casanova. I feel like a king when i see different women on my bed begging for me to pleasure them every night. I don't fuck a woman twice pero may isang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Isang klase ng babae na hindi ko inakalang magpapababa s...