•Part 8•
I am now waiting for my mom to arrive. Sabi niya nag cancel siya ng patients niya ngayong araw para makapagbonding kami. Busy ang mga magulang ko. Ang Dad ay isang dating vice mayor na ngayon ay nagmamanage na lang ng mga lupain namin sa ibat ibang parte ng pilipinas. Ang Mommy naman plastic surgeon na kilala ng lahat. She took care of some celebrities na nakatrabaho ko na rin. I'm very proud of them and it makes me feel like i'm out of balance kasi ako nagiistay lang ako sa pagiging stylist.
"Mommy!" Tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang papasok ng restaurant at hinahanap ako. She smiled at me and came to our table. Niyakap ko siya at hinalikan niya naman ang pisngi ko.
"Kamusta ka na ? Hindi ka bumibisita sa bahay namimiss ka na ng daddy mo." Napangiti na lang ako. Ganito talaga pag only child nasayo lahat ng atensyon at pagmamahal ng magulang mo. Ang sarap sa pakiramdam.
"Ok lang po ako medyo busy. Bibisita ako minsan pag may time. I miss dad too." Sagot ko kay Mommy. Dumating ang waiter at umorder kami. Habang nagtitingin ako sa menu ay nag vibrate nanaman ang phone ko. Kinuha ko nga at nakita na nagtext si Kelvin.
Kelvin:
Hey.. I was wondering if you wanna come by my place tonight? Around 8 maybe?His place? Sa rest house? I mean im hanging out with my mom but sure i can go? Tinignan ko ang relo ko at past 3:30 na. Medyo malayo iyon kaya malelate ako dahil traffic sigurado.
Me:
Sure. Pero baka malate ako because im with Mom right now and traffic mamaya. Malayo pa yon from here so..After i replied nag order na ako. Nagkwentuhan kami ni Mommy tungkol sa trabaho niya na she's planning to retire this year. Hindi na siya mag ooperate dahil hindi na siya bumabata. Dad wants her to settle down too. Sumangayon naman ako. They don't need to work anymore. We have plantations naman sa ibang lupain namin and it'll keep on going dahil namamanage ni Dad iyon ng maayos kahit na nandito siya sa syudad. Hindi na rin naman nila ako kailangan intindihin dahil nakapagipon naman na ko ng sapat para sa sarili ko. May trabaho naman ako at patuloy pa rin kaya ok lang ako. Nagvibrate ulit ang phone ko napatingin na si Mommy doon.
"Who are you texting? May boyfriend ka na ba?" Nakangiting tanong ni Mommy sa'kin agad naman akong umiling.
"No mommy wala po. It's just work.." Sagot ko sa kaniya. She really wants me to have a boyfriend dahil ang huli kong boyfriend ay noong college pa ko at hindi rin naman iyon nagtagal.
Kelvin:
I can pick you up. And my place i mean sa mansion hindi sa rest house. Just let me know when you're home so i can pick you up.Napakunot ang noo ko. What? Sa mansion means sa bahay talaga niya? Napaisip ako. Ano kaya pumasok sa utak niya. He never asked me to go to his place before? Kundi kami naghohotel ay nagpupunta kami sa resthouse niya dahil doon talaga kami safe magkita ng walang makakaalam. He's acting really weird. Ano kayang balak niya?
"So i heard..na you're working with Kelvin James." Napatingin ako kay Mommy. Her face is serious and she's looking straight into my eyes.
"Yeah i just started. Saan mo naman na balitaan?" Medyo patawa kong sagot sa kaniya at uminom ng tubig.
"Well i have clients na fan niya and i know him. I heard him everyday in the news and he's all over the internet." Sagot ni Mommy. Ngumisi na lang ako. Yeah pano nga naman hindi malalaman. She's right he's all over everywhere.
"Watch out ok? Playboy daw iyon kahit na parang may girlfriend na. Alam mo naman ang mga artista. You should be with a guy who is gonna be serious with you. Iyong mamahalin ka na ikaw lang." Sabi niya sa'kin. Dumating na ang pagkain namin at nagpasalamat naman kami sa waiter na nag serve. I sighed.
"Opo Mommy. I have no plans on having a boyfriend yet. Wala pa po akong natitipuan. Wala pa kong mahal." Sagot ko kay mommy. She took a sip from her wine and sighed.
"Maybe you fell in love but didn't know it so you missed the chance." Napatingin ako kay mommy. Napaisip tuloy ako.
"Mommy i actually want to ask you something.." Tumango siya sa'kin at nagpatuloy naman ako.
"Kasi i've been seeing this guy for a while. Wala kaming relasyon but we hang out a lot.." Maingat na kwento ko sa kaniya. Baka madulas kasi ako. Mahirap na baka bigla niya kong sabunutan.
"Tapos i've seen him with different girls too pero wala akong pakielam wala lang sa'kin. Hindi ako apektado kaya i still hang out with him. But then lately i saw him with a girl and it made me feel weird? The way she clings into his arms and acts all sweet to him it makes me hate her without even knowing why." Napakagat labi ako. Parang nag paflashback sa utak ko noong nakita kong magkasama si Natalie at Kelvin.
"Anak, sometimes we just tend to hate people when we feel like we hate them. Magulo diba? Ganon talaga babae tayo eh. Hindi kailangan ng dahilan. Pero minsan sa mga ganong sitwasyon pwedeng naiinis ka sa kaniya kasi nagseselos ka." Kumunot ang noo ko at medyo natawa ako sa sinabi ni Mommy. It can't be. Hindi ako nagseselos.
"Mommy theres nothing romantic between us. Hindi niya naman ako nililigawan eh. Wala naman akong romantic feelings towards him so i really don't know. Naiirita ako mommy." Ngumuso ako at uminom din ng wine ko at kumain.
"Anak, you're obviously feeling something pero hindi mo alam. So you can't accept it yet dahil hindi mo nga alam na iyon na yon." Now i cant get what she's saying. Bumuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. I really don't know. I never felt this way before. It's really making me crazy.
BINABASA MO ANG
The Breaking Game: Kelvin [ON HOLD]
ChickLitI am a Casanova. I feel like a king when i see different women on my bed begging for me to pleasure them every night. I don't fuck a woman twice pero may isang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Isang klase ng babae na hindi ko inakalang magpapababa s...