Chapter 2: Vacation (Part 2)

61 3 0
                                    

Sunday!!

And it is the start of a boring day~_~ Ugh! I can't wait na matapos ang summer! Papasok kasi ako sa dream school ko ^__^
Sa Venus Academy..

Well,para hindi ma bored, magsisimba nalang ako. I just feel I want to go to church today eh.. I stood up from my bed and I look at my alarm clock. @_@ shemayy, 11:38 a.m na pala. Tsk! Mamaya nalang ako magsisimba, may mass pa naman mamayang alas 4 sa hapon. After that, I directly went to the bathroom para maligo..

**

After maligo, nagbihis na ako, isang shirt na cream colored,maong shorts at flats lang ang suot ko. Sa bahay lang naman ako ehh -__-

Then, I headed downstairs. Nang may maamoy akong masarap, tinungo ko agad ang kitchen. Nang makarating ako doon, I saw mom preparing breakfast or I think lunch na to? Haha,i dunno XD.

"Hey mom, Good Morning ^_^" I greated her

But instead of greating me back,she just stopped preparing and looked at me. Anong problema neto?

"Anong good sa morning if ang tagal mong gumising?" She crossed her arms. I rolled my eyes.

"Kumain ka na nga." Aniya

"Fine."

At ganon nga,kumain na ako.

**

"*Chomp* Mom. *Chomp*" Pukaw ko sa katahimikan. Kumain na din siya sa tabi ko.

"Yes?" Tumingin siya sakin

"I'm going to the church later,wanna come?" Tanong ko

"Well,may gagawin pa kasi ako eh. So,pede ikaw nalang?" She smiled

I nodded. After kumain,pumanhik ako sa itaas,sa room ko. Umupo ako sa kama kong napakalambot..
Linibot ko yung tingin ko sa bawat sulok ng kwarto. I'm gonna miss this room, ilang araw nalang kasi,aalis na ako sa bahay na ito,hindi na ako dito matutulog,kakain at uuwi pagkatapos ng school,kasi doon na ako sa Venus Academy. Nakakasad mang lisanin ang bahay na 'to,di ko parin mapigilang ma-excite! Papasok na kasi ako sa dream school ko *_* . Yiee! Can't wait. At dahil sa pag-iisip ko,hindi ko namalayang naidlip na pala ako. Well,matulog na nga lang ako. Mamaya pa naman yung mass.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako dahil para akong nilalamig, I stood up at tiningnan ko yung alarm clock. Wtf! 3:45 p.m na! Holo,holo! Dahil sa pagkarattle,natutop ko yung bibig ko. Shemss. Dali-dali kong tinungo ang walk-in-closet ko,nagbihis ako ng Blue Dress na lagpas tuhod,alangan namang above the knee. Ano to,simba o ano? XD. Simple lang naman ang dress kong to,isa itong pa-heart shaped na halos kita ang cleavage,kaya nag suot na din ako ng blazer na white colored. Flat dollshoes lang din ang sinuot ko sa paa ko,kulay blue din ito. Naglagay din ako ng kaunting blush on,nag lipstick ng kulay light pink at nag eyeliner. Tinali ko yung buhok ko ng pa-messy bun. After doing those, I looked at my reflection in the mirror, I maybe simple but Im beautiful ^__^
Kinuha ko yung purse ko na nakasabit sa pintuan,inilagay ko dito ang wallet ko pati nadin yung mga gamit ko sa make-up..

I headed downstairs,then,I went to the kitchen,mom's not there, I went to the living room pero wala din si mommy. Nasan ba yun? -_-
Ting! Oo nga naman,sa kwarto nina daddy. Nang makarating ako dito,akmang kakatok ako sa pinto ng makarinig ako ng pag-uusap,Well, I know sina mom and dad to. I don't want to hear what they're talking about pero may part sakin na nagsasabi ng "Cge lang,makinig ka!" So,nakinig nalang ako.

"Ipagpapatuloy ba natin to? Ang ipasok siya sa academy?"

"Oo naman,hindi natin siya mapipigilan, it's her dream school diba? It's been her dream school since she was 5 yrs old."

"But, diba cursed yung academy na yun?"

"Well,try to convince her. If she will listen, Im sure that she wouldn't."

"Yeah, I'll try. She cant be in that cursed and haunted academy. May iba pa naman jan,like, UP diliman or she could go to another country and doon na mag-aral!"...

May sasabihin pa sana si Mommy but hindi ko na siya pinatuloy, I knocked on the door 3 times. Ilang saglit,nagbukas ito at bumungad si Mommy.

"Hey mom, I just wanna say goodbye. Aalis na kasi ako eh" Sabi ko.

"Ah,okay. Ingat ka! ^^." She kissed me on my cheeks.

"Uhm,dad. Bye!" ^_^

"Cyriel.."

"Yes dad?" I asked

"Cyriel anak,tungkol ito sa-" he stopped . I had to ready myself para sa pag di pagsang-ayon,alam kong about naman ito sa papasukan kong academy eh. "academy mo."

"Okay? So what about it?" I asked sarcastically

Hindi na nakapagsalita si daddy dahil tumunog yung watch ko. Every one hour ay tumutunog ito. Oh my! Alas 4 na.

"I gotta go,bye!" I ran outside

Pagkalabas ko, nakita ko si manong Lolong na pinupunasan yung windows ng kotse ni dad. I saw manang Celia too,kinukuha nito ang mga tuyong dahon sa mga halaman.

"Good Aftie manong at manang" ani ko

"Magandang hapon din sa iyo Hija" sabay nilang bati.

"San ang punta mo Hija? Mukhang bihis-na-bihis ka ahh?" Tanong ni manang Celia.

"Magsisimba po ako." I half-smiled

"Ah.. Oh,Lolong,ihatid mo na si Cyriel." Utos ni manang Celia kay manong Lolong.

At pumasok na si manong sa driver's seat,pumasok na din ako sa kotse but sa backseat lang ako umupo. At nagsimula na ang biyahe.

***

Nang madating namin ang simbahan,agad akong lumabas ng kotse at nagpasalamat kay manong. Sinabihan ko siyang wag na akong sunduin mamaya kasi mag co-comute nalang ako. At pumasok na nga ako sa simbahan..


***

Tapos na ang misa, kaya lumabas na ako ng simbahan. Nang makalabas ako, napatigalgal ako ng may narinig akong may nagsalita.

"Wag kang pumasok sa academy na yun! Mapapasaiyo ang sumpa!" Ani ng nagsalita

What? Di ko magets,tiningnan ko siya,ayy,matanda pala.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko.

"Wag ka sabing pumasok! Mapapahamak ang mga taong mahal mo at ikaw din!" Tinuro-turo niya pa ako. Tsk! Wala talaga akong magets

After nun,may grupo ng taong nakauniform ng Blue, I think mga nurse sila. Nilapitan nila ang matanda at pinosasan ito. Huh? Naguguluhan talaga ako.

"Miss,sorry! Nakatakas kasi yung pasyente namin." Pagpapaumanhin nung lalaki.

Tumango naman ako. Kaya pala hindi ko maintindihan ang sinasabi ng matanda,ehh takas sa mental pala yun eh. Pfft, Mauwi na nga lang...

Haunted Academy Where stories live. Discover now