Paasa sa mga bagay bagay

74 2 0
                                    

PAASA No. 4: Paasa sa mga bagay bagay.

Ito yung mga araw na may mga bagay na kailangan mo ng tulong, pinansiyal man or materyal.

Isang araw na bigla mong nakita sa "Lazada" online shopping ang pinakapaborito mo sa lahat - SNOOPY.
Nakita mo na mayroon silang snoopy na bedsheet, maganda sya at mura lang. May pera ka pa pero itinatabi mo iyon para sa nalalapit na kaarawan ng iyong kapatid. Paano na ang gagawin mo ngayon? Gusto mo pa naman yon at hindi lang basta gusto, kailangan mo pa naman ng bagong bedsheet kase luma na iyong isang snoopy mo na bedsheet. Butas na nga ng dahil sa kalumaan nito ngunit hindi mo pa rin maitapon tapon.

Naisipan mo ngayon humingi ng tulong, nagtext ka sa isang taong malapit sa iyo. Sinabi mo sa kanya na kung maari ka nya mapahiram ng pera kase naisip mong bumili ng SNOOPY na bedsheet, online. Sinabi mong kung sakaling bumili ka kase, magagastos mo ang itinatabi mo sanang pera para mailibre mo ang iyong kapatid sa kanyang kaarawan. Sinabi mong kung mapapahiram ka nya, bibilhin mo ang bedsheet, pero kung hindi, hindi ka na lang bibili dahil ayaw mo namang masira ang pangako mo sa iyong kapatid na ililibre mo sya sa gusto nyang restaurant sa kanyang kaarawan. Baka masabihan kang Paasa, dahil alam mong umaasa na iyon na ililibre mo sya.

Ngayon, sumagot naman ang tinext mo, sinabi nya sa text na "okay, sige bilhin mo na yan at yan na lang ang advance bday gift ko sayo". Nang mabasa mo iyon, ang dami mong tuwa! Kase ibig sabihin, Hindi ka lang niya mapahihiram ng pera parang bigay na nya iyon sa iyo sakaling bilhin mo man ang bedsheet. Meaning, may bedsheet ka na, maililibre mo pa ang iyong kapatid.

Kinabukasan, binili mo na online ang gusto mong bedsheet. Excited ka ngayon kung kelan sya dadating. Naisip mo na dapat dumating na sya ngayon kase kinabukasan ay kaarawan na ng iyong kapatid baka kase bukas pa dumating eh wala ka sa bahay. Habang hinihintay mo ang bedsheet, nagtext ka at nag message ka din sa messenger. Pinaalala mo lang sa taong magpapadala daw sayo ng pera para naman may pera ka nga na panlibre kase nga ang pera mo iba bayad mo na sa bedsheet. Ang aga mo sya tinext ng may load ka pa, tapos ngayon nag message ka na lang sa messenger kase wala ka ng load. Mabuti at meron kayong WiFi. Hinihintay mo ngayon ang reply man lang nya. Hinihintay mo na sabihin nyang, okay na naipadala ko na or naideposito ko na sa bangko mo. Mag aalasdose na ng tanghali, wala pa din. Nagaalala ka na pero naisip mong baka mamaya after lunch. Pero naisip mo din na kailangan mo yon mawithdraw or makuha bago pa dumating ang anak mo galing sa eskwelahan. Kase nga kaya maaga ka nagtext, para masabi mo ang lahat yon. Urgent kung baga.

Alas dos na ng hapon, wala pa din syang reply.
Nagtext ka ulit na may halo ng kaunting pagkainis. Ngunit, wala pa din reply. Alas kwatro na ng hapon dumating na anak mo mula sa eskwelahan. Naiinis ka na. Naisip mong PINAASA ka lang nya. Ilang minuto pa, may dumating, Lazada, hayan na ang order mo na SNOOPY na bedsheet, nagdadalawang isip ka na tuloy ngayon kung kukunin mo pa, eh nandyan na, kaya wala lang choice kundi bayaran na ito. Ibinigay mo na sa kanya ngayon ang lahat ng pera mo. So okay na, natuwa ka pa rin kase iniisip mo ang Snoopy na bedsheet at UMAASA ka na iyon ang makikita mo sa iyong pag bukas ng package. Ngunit, bigla kang nainis kase hindi Snoopy na bedsheet ang ibinigay nila sayo. Dali dali kang lumabas at hinabol ang nagdala sa iyo ng package, mabuti at hindi pa sila nakakaalis kaya naibalik mo ito. Tinanggap naman nila, naisip mong ipa-CANCEL na lang ang order dahil sa iyong pagkadismaya.

Ibig sabihin nito, Pinaasa ka lang nila! UMASA ka na Snoopy Bedsheet ang dadating pero hindi naman! At hindi lang yan ang PAASA sa iyo ng araw na iyon. Yung taong kanina pang umaga mo tinitext at inaasahan mong mag reply sa mga text mo, wala pa din! Hanggang sa gumabi na. Alas sais na ng gabi! Wala na! Wala ng pag-asa! Kung sa bagay, yung oras pa lang bago dumating ang anak mo, tapos na ang pag ASA mo sa kanya eh... So, pinaasa pinaasa ka lang nya.

"Pinaasa lang nila ako!.. Bakit ganern, bakit nga kaya may mga tao talagang PAASA. Hindi ba nila alam kung gaano ka sakit ang umasa sa wala?! Maghapon ka nang naghihintay, kasabay ng maghapon ka ding umaasa!" - iyan ang mga katagang nasa isip mo kasabay ng paghihinagpis sa iyong puso... Huhuhu..

Lesson learned, hindi na lang ako bibili pa online para hindi ako aasa at hindi na rin ako hihingi ng tulong sa mga taong PAASA!!!...  Huhuhu...

PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon