Paasa sa Hanap-buhay

35 2 0
                                    

PAASA No. 2: Paasa sa Hanap-buhay

Hanap-buhay, trabaho, work, etc. Ito ay isa sa pinakamahalaga sa buhay ng isang tao. Simula ng magka-isip ka, umasa ka na na magkakaroon ka balang araw ng isang marangal na hanap-buhay. May mga taong mapalad na nakakahanap ng marangal at desenteng hanap-buhay, ngunit mayroon din namang hindi. Laking pasasalamat mo sa Panginoon dahil isa ka sa mga tayong mapapalad na magkaroon ng marangal na hanap-buhay. Sapat na ito para sa iyo. Ngunit, may mga panahon at pangayayari na tila ba may hanap-buhay na dapat ay para sa iyo ngunit Hindi ito naibigay.

Bakit nga ba may mga boss na paasa? Yung tipo ng boss na paasahin ka na sila ang bahala sa iyo, na kesyo may promotion ka, pero lumipas na ang ilang buwan mo sa serbisyo, at ginagawa mo naman ng maayos ang trabaho mo, at alam mo na deserve mo ang promotion na iyon pero bigla, wala. Hindi naibigay ng boss mo. Wala silang nagawa. Hanggang sa nalipasan na ng panahon. Paasa.

Lesson learned, next time na sabihan ka ng boss mo na I promote ka nila, na aayusin nila ang papers mo, huwag kang umasa sa mga salita lamang nila, huwag kang magtiwala. Tiyakin mo na ginagawa nila ang mga ipinangako nila sa iyo, dahil ginagawa mo naman ng maayos ang iyong trabaho.

PAASATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon