Maaga akong nagising.
It's been 3 months since I woke up from a coma. At hindi ordinaryo ang naging buhay ko, after kong magising.I see ghosts anywhere. Iba't-ibang klase ng ghost. I spent my 61 days in a mental hospital. Dahil akala nila nababaliw ako. Panay sigaw at iyak lang ako. Takot na takot. Hindi makausap nang matino. And even there, I still see them. Hanggang sa nakasanayan ko na. Pero Hindi na ako normal. I don't know why. Basta ang alam ko, I'm grateful that I'm still alive after that incident.
Sabi ni Mama, 6months akong nacoma.
At hindi biro ang pinagdaanan nila. Pati yung gastos.Napabuntong hininga ako.
Ako nga pala si Anghellica. Palayaw ko talaga ay Angel. Kaso nung lumabas ako sa mental, I decided to change my nickname into Hell. After all, para na rin nmn akong nasa impyerno dahil sa mga nakikita kong hindi nila nakikita.
"Hell, come on down, let's have breakfast." Paanyaya ni Mama.
"Sige Ma, susunod ako." Sagot ko.
Tumango naman si Mama at naunang bumaba.
"Pa, ba't andito pa kayo? Tumawid na po kayo sa kabilang buhay. Pangako aalagaan ko si Mama." Sabi ko sa kaluluwa ng Papa ko.
Oo, he's already dead.
Ngumiti si Papa at lumapit. Bumulong "Salamat anak" saka ito naglaho.
Nangingilid ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil ayokong umiyak.
Kumalma muna ako bago ko napagpasyahang bumaba na.
Nadatnan kong nakangiti si Mama.
Kumain kami nang sabay ng araw na iyon."Anak, nakita mo ba ang Papa mo?" Tanong niya.
"Ma, kung sasabihin kong nasa kwarto ko siya kanina maniniwala ka ba ?" Balik tanong ko.
Alam ko namang Hindi siya naniniwala.
Kung alam lang nito na hindi pa tumatawid si Papa mula nung mamatay ito 5 years ago, baka naibsan ang kalungkutan nito.Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.
Nagpaalam ako para maghanap ng trabaho. Napadaan ako sa isang manghuhula. Wala sa plano ko ang magpahula. Kaya dumiretso ako ng lakad. Ngunit napahinto ako dahil sa sinabi niya.
"Isang patay na namumuhay dito. Hija, kalahating patay at kalahating buhay ka db ?" Sabi nito.
Napalingon ako dahil sa tinuran nito.
"Hija, hindi mo sila kailangang katakutan. Ang nais lang nila ay ang matulungan mo sila. Mag iingat ka." Yun lang at umupo na ito sa silya nito.
Paano niya nalaman ang tungkol sakin ? Saka anong tulong ?
Dumiretso na lang ako sa paglalakad.
Habang nasa daan, lingon ako nang lingon sa mga dingding ng gusali. Baka sakaling makakita ng mapag aapplyan.Nakakita ako ng kompanya. Nakapaskil dun na naghahanap sila ng taga xerox at caretaker every night.
Agad akong nagpasa ng resumè.
"Sigurado ka bang mag a apply na hija ?" Tanong ng isang janitor.
Nasa labas kase ito ng pintuan ng papasahan ko ng resume.
"Bakit ho?" Takang tanong ko.
"Kase hija. Pag nakuha ka, hanggang alas dose na dito ng hatinggabi maglilinis. Tapos uutusan ka pa ng kung anu-ano. Malamang uwian mo every 2am na. Okay lang ba sayo?" Sabi nito na bakas sa mukha ang takot.
"Next please..."
Rinig kong tawag ng receptionist sa loob.
"Ah eh. Kailangang kailangan ko ho ng trabaho e. Kaya kakayanin ko ho ito. Salamat po sa pagbibigay babala. Mauna na ho ako." At iniwan ko na siya.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko napagpasyahang pumasok.
Agad akong umupo.
Nagtataka ako dahil ako lang mag isa ang nakaupo sa labas.
Di ko natiis ang magtanong."Ahm miss, excuse me." Tawag ko sa receptionist.
"Yes po?" Nakangiting sagot nito.
"Itatanong ko lang Sana, bakit ako na lang mag-isa ang nandito ngayon. Nakita ko kasi kanina na marami nang pumasok habang kausap ko yung janitor sa labas." Agad kong sambit.
"Ah kase Ma'am yung mga aplikante ay sinabay sabay na ng may-ari na interviewhin. Medyo huli na ho kayo kaya kayo lang mag-isa. Hindi rin ho kase pupwedeng ihabol ko kayo kase mahaba-haba na ho ata ang natalakay nila." Agad nitong sagot.
Napatango na lang ako sa sagot niya.
Ilang saglit pa, biglang bumukas ang pintuang pinag interviewhan ng mga aplikante at bakas sa mga hitsura nito ang takot.
"Mukhang walang pumasa." Rinig kong sambit ng receptionist.
"May aplikante pa ba Jane ?"
Rinig kong tawag ng isang baritonong boses.
"Yes Sir." Agad na tugon nito. At bumaling sakin.
"Ma'am pasok na ho kayo." Sabi niya.
Agad akong tumayo. At hinawakan ang doorknob. Humugot nang malalim na hininga saka ko binuksan.
"G-good afternoon Sir." Kinakabahan kong sambit.
Umikot ang swivel chair nito.
Natulala ako sa nakikita kong nilalang sa harapan ko.
Para syang Greek God na bumaba mula sa Olympus."Are you just going to stare ?" Untag niya na syang nagpabalik sa huwisyo ko.
Kinuha niya ang resume ko at pinaupo ako. Agad naman akong umupo.
"So you're Anghellica Del Mundo. 22 years of age. I don't really need to scan your identity. Nakahanda ka bang magtrabaho dito hanggang 2am ? If yes. There's another question. If no, you can leave." Wika nito.
"Yes I can Sir." Agad kong sagot.
"Here's the question Ms.Anghellica. There are rumors here that this building is HAUNTED. Would you still want to work here ?" Dugtong na tanong nito.
"It's not rumors Sir. It's definitely true." Agad kong sagot.
"What do you mean?" Agad nyang tanong.
"Nasa labas pa lang ako, I sense dead environment already. On addition, this may sound ridiculous but I can see ghosts." Walang kagatol gatol kong tugon.
"And what makes you think that I believe you ?" Dagdag tanong niya sa tonong hindi kumbinsido.
"Andito ang Mama mo Sir. Your Mom died a year ago. She wants to tell you, don't blame yourself for her death. She can't go to the other side because of your grief. Di ka niya maiwan iwan. Hayaan mo na syang makaalis Sir." Sagot ko.
Nakikita ko naman talaga ang mama niya.
Nasa tabi niya lang ito. Marahil ito ang tulong na sinasabi ng manghuhula. At ito rin ang itinakdang gawin ko sa mundong ito.
YOU ARE READING
THIRD EYE (On Hold)
TerrorWhat if magising kang Hindi ka na normal? Yung tipong nakakakita ka na ng mga taong patay na ? What would you do ? This story tells the life of a person who sees dead people. And all she can say is It's not that easy to have a Third Eye ...