Chapter 2

19 0 0
                                    

"Ang sabi niya Sir. Aksidente ang nangyari at hindi mo sinasadya. Your Mom wants you to continue living with a smile. Be happy." Pagtutuloy ko.

Hindi siya makapaniwala. Alam ko kasi halata sa histura niya.

"Ang mama ko ba ang dahilan kung bakit HAUNTED ang building na ito ?" Pagkuwa'y tanong niya sakin.

"Hindi Sir. Marami lang talagang kaluluwang di matahimik dito." Sagot ko sa kanya.

"Pakisabi kay Mama, tumawid na kako siya. At patawad." Sabi nyang nagpipigil ng luha.

"Gusto mo bang makausap siya ?" Tanong ko.

Napaangat siya ng tingin.

"Gusto mo bang makausap ang anak mo?" Baling ko sa tabi niya.

Napatingin siya sa tabi niya.
Alam kong Hindi niya nakikita ang mama niya.

Tumango ang Mama nya .
Ngumiti ako at pumikit. Binigyang Laya siya sa pagpasok sa katawan ko.

Oo, may kakayahan akong ipagamit ang katawan ko sa isang kaluluwa. Yun ay kung nais ko lang. Depende sakin kung matutulog ako habang gamit nila ang katawan ko o mananatiling mulat pa rin ako sa loob ng katawan ko.

"Anak..." Sambit ng kanyang Ina gamit ang katawan ko.

Napalingon siya sakin.

"Ina..?" Naluluha nyang sambit.

"Anak, hayaan mo na akong tumawid sa kabila. Mamuhay ka na ng payapa. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo sa aksidente. Pakiusap anak, palayain mo na ang sarili mo pati ako."

"I'm so sorry Ina. Hindi ko sinasadya." Niyakap niya ang kanyang Ina.

"Hushh.. It's okay. Please take care of yourself. Alagaan mo rin tong nagmamay ari ng katawang ito. Dahil sa kanya, nakausap kita. Mahal na mahal kita Anak. Tahan na. Mag iingat ka."

"Opo Ina. Mahal na mahal din kita. Paalam..." Sabi niya.

Saka umalis ang kanyang Ina.

"S-Sir, okay na ho. Um-malis na ho ang Mama nyo." Sambit ko.

Inilayo niya ang kanyang katawan sakin.

Sayang naman. Sana pala nagpanggap muna ako. Gwapo ni Sir. Ang bango pa.

**** pak ****

"Aray ko naman !" Sigaw ko sabay lingon sa gilid ko.

Nakalimutan Kong sabihin, may laging nakasunod na kaluluwa sakin. Ewan ko ba anong kailangan nito. Pag tinatanong naman ayaw kumibo. Basta nakasunod lang siya lage sakin.

"*sniff* I'm sorry. You're hired. Pwede ka nang magsimula mamayang gabi." Sambit niya.

"T-talaga ho?"Nagagalak Kong sambit.

"Yes." Maikling tugon niya.

"S-salamat sir. Magiging masipag po ako sa trabaho ko."
Pwede rin pati sa bahay mo. Singit ng utak ko.

*Pak*

"Ano ba ?! Kanina ka pa batok nang batok ah." Sigaw ko sabay hawak sa likod ng ulo ko.

"Are you okay ? Don't tell me may kaluluwa dito sa loob ?" Tanong niya sabay masid sa paligid.

"Ayy sorry Sir. Lagi ho kasing may nakabuntot na kaluluwa sakin e. Batok nang batok kaya napapa ARAY ako bigla" nakangisi kong sagot.

"You're creepy but thanks for what you have done for my Mom and I. I appreciate it Miss Angel." Wika niya.

"Sir, Angel is dead, just call me Hell. Thank you sir." Sagot ko.

"Sir, may gusto pa pong mag apply." Sigaw ng sekretarya niya.

"Papasukin mo Jane." He commanded.

"Ahh sige sir Lalabas na ho ako." Paalam ko.

"Sandali, maupo ka muna." Sabi niya.

Pinagtaka ko naman ang sinabi niya.

Agad namang pumasok ang isa pang GREEK GOD !
OMG !!!!!

Lahat na lang ba na makakasama ko e galing OLYMPUS ?

Tumikhim si Sir. Agad naman akong napabalik sa huwisyo. At sinara ang nakaawang kong bibig.

"Good Day Sir. Here's my resumè sir. I really need a job. Any position Sir." Ngumiti ito kay Sir.

"You're willing to work here till 2am ? Bilang Security Guard ?" Tanong naman ni Sir.

"Yes Sir." Agad namang sagot nito.

"So, both of you will work here till 2am. And at 5 in the afternoon, dapat andito na kayo. Kayo na rin ang bahalang magpakilala sa isa't isa. Sa Labas. Not here. So see you around 5 pm. And I really hate Late employees." Wika ni Sir sabay tayo. "Ask Jane for your uniform"

Nagpasalamat naman kami.
Agad naming kinausap yung nagngangalang Jane at kinuha ang uniform.

Saktong labas ko siya namang pagsalita nung lalaki kanina.

"Hey !" Tawag niya.

Nilingon ko siya na may tanong sa Mata.

"Uhm, I'm Eagle Weston. You are ?" Sabi niya sabay lahad ng palad.

"Anghellica Del Mundo. Hell for short" nakangiti Kong sambit at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Tara sabay na tayong kumain. My treat." Agad na sabi niya.

Syempre Libre kaya OO agad.

Nagpunta kami sa isang fastfood chain.
Umorder ako ng 1pc fried chicken, 2 cups of rice, softdrinks and a halo halo.

"Wow ! Kaya mong ubusin yan ?" Maang na tanong niya.

"Bakit ?" Balik tanong ko.

"Wala wala. Kain na tayo." Agad na aya niya.

Habang kumakain kami bigla siyang nagsalita na...

"Nga pala, anong pangalan ni Sir ?" Tanong nito.

"hala ! I forgot to ask Jane. Tanong na lang natin mamaya." Sabi ko na lang.

Kahit gwapo to mas gwapo pa rin si Sir.
Emeged !
Yung perfect shaped face with matching kissable lips, pointed nose, brown eyes.
Hayy grabe !

"Hell !" Sabay tapik sa kin.

"Ayy multo ! Bakit ba ?" Tanong ko na may halong inis.

"Eh kase kanina ka pa tulala. Alam kong gwapo ako pero 'wag mong ipakita yang pagdi-daydreaming mo." Sabi niya with confidence.

"Kapal nito." At agad kumain.

After kumain, ipinasya kong umuwi na. Maaga pa naman. Nagluto ako for my Mom's dinner. Syempre magtatrabaho na ako, kaya ipagluluto ko siya ng makakain niya mamaya.

After Kong mailuto ito, nilagay ko na sa mesa iyon at tinakpan.
Nagpalipas ng oras hanggang sumapit ang hapon. Bandang alas tres ng hapon ako nag ayos.
Yung uniform ko parang uniform ng janitress. But it's okay. Ang mahalaga may trabaho na ako.
Sinilip ko si Mama sa kwarto niya.
Gising siya.

"Mama, may pagkain na ho kayo sa mesa, papasok na ho ako. I love you Mama." Yun lang at iniwan ko na siya.

Dumiretso na ako sa destinasyon ko.
Pagkarating ko, nakita ko si Eagle. Kumaway siya. Di pa man ako nakakalapit may nakita akong kaluluwa sa tabi niya.
Nang tinitigan ko bigla namang naglaho.
Iwinaksi ko muna ang nakita ko at pumasok na kami.

THIRD EYE (On Hold)Where stories live. Discover now