Quote 52

15 2 0
                                    

Papatawarin kita. Papatawarin ko ang mga mata mo. Mga mata mong hindi makita ang halaga ko. Mga matang hindi makita na nasasaktan ako. Mga matang ni minsan, hindi lumuha para sa isang katulad ko. Papatawarin ko ang bibig mo. Bibig na puro kasinungalingan. "Mahal kita" "Ayokong mawala ka" "Ikaw lang, walang iba" Mga salita na bumubuhay saking pag-asa, kahit alam ko na wala naman talagang dapat asahan. Papatawarin ko ang mga kamay mo. Mga kamay na hindi marunong sumalo. Mga kamay na hinayaan lang mahulog ang puso ko. Mga kamay na hindi ako kayang ingatan...... mga kamay na ilang beses na kong binitawan. Papatawarin kita. Kahit na balde baldeng luha na ang pumatak mula saking mga mata. Kahit pinapatay na ko ng sakit at pagkadismaya. Kahit puro lungkot nalang at wala ng saya. Pero sana, mapatawad mo rin ako........ patawarin mo ako dahil yung pangako kong "hindi kita iiwan" mapapako na....... hindi ko na kaya. Mahal na mahal kita........ ngunit patawad ako'y pagod na pagod na.

♥Iskay Espinosa♥

Advices About Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon