Quote 88

13 1 0
                                    

Silang mga lalaki.......
So, ganito kasi yun. Ang mga lalake, hindi naman talaga sila lahat manloloko at gago. Wag nating lahatin. Yang mga yan, marunong din naman yang mag effort, marunong mag hintay, magseryoso at magmahal. Minsan kailangan moblang talagang intindihin na nape-pressure din naman sila na iparamdam sa atin na hindi sila tulad ng iba. Yang mga yan, pag lalo mong pinagdududahan, lalong magrerebelde yan. Tiwala kasi minsan, wag puro hinala. Ang mga lalaki, hindi perpekto yan. Wag kang hahanap ng katulad ni alden, kasi si alden, siya yun, hindi ang boyfriend mo. Wag masyadong magpapadala sa mga nababasa mong katangian ng lalaki sa libro, sa mga nababasa mo sa wattpad at sa mga napapanood mo sa TV at pelikula. Tumataas tuloy masyado yung mga expectations mo sakanila. Isa pa, ang mga lalaki, igagalang ka niyan kung alam mo kung paano sila pakisamahan. Hindi ka nila babastusin kung alam mo kung paano umasta ng hindi kabastosbbastos. Binati ka lang ng hi sadabihin mo agad na nabastos ka? Wag ganun. Kung tayong nga babae may girls instinct, I bet meron din silang boys instinct in a way na alam nila kung interesado ang babae sakanila o nde. So, kung hindi, bakit ka pa nga ba niya liligawan kung sa simula pa lang alam naman niya na nde ka interesado sa kanya. Minsan kasi, practical nga naman, nag eefort na sila't lahat para ligawan ka, at super bet mo naman na pahirapan tapos wala ka man lang response, ay talagang aayawan ka niyan.

♥ Iskay Espinosa ♥

Advices About Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon