Iminulat ko ang aking mga mata at nagulat na nakapikit din siya. Nag-iinit ang mga pisngi ko na dala siguro ng hiya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o iniisip niya tungkol sa akin. Kung iniisip ba niyang isa akong selfish, o oportunista, o pretender, na may meaning lahat ng ginagawa niya para sa akin. Wag naman sana...###
Nasa beach kami, sa Boracay. Napakaganda ng tanawin, ng mga mapuputing mga bato at buhangin sa dalampasigan, mga asul na alon na humahampas sa baybaying dagat, mga paglipad ng mga ibon, at higit sa lahat... siya. Napakaganda talaga niya. Yakap ko siya ngayon habang nakahiga sa duyan na nakatali sa dalawang puno ng niyog. Kalong ng aking mga bisig ang kanyang katawan na siya namang nakayapos rin ng mahigpit sa akin.
Kumawala ako sa aming pagkagapos at inabot ko ang kanyang mga pisngi gamit ang aking mga kamay. Aking hinalikan ang kanyang makinis at malambot na noo.
"I love you, Venus." Sinabi ko sa kanya ng marahan.
"I love you too, Pluto ko." Sagot niya.
Unti-unti kong nararamdaman ang sarili kong mga labi para bang magnet na napapalapit sa kanyang mga labi.
Nang dumampi ang aking mga labi sa kanya ay naramdaman kong matigas ito na para bang mabuhangin na pader. Ang magagandang tanawin na nasa aking paligid ay tila nagbabago at nagiging madilim. Ang kanyang maputing mukha ay tila nababakas ko na unti-unting naaalis na para bang basag na vase. Nagulat ako sa mga pangyayari na may halong pagkatakot.
Nang inalis ko ang pagkakalapat ng aking mga labi ay biglang tumambad sakin ang pader na hindi pa napi-finish. Pader?
Pader nga talaga.
Lumingon ako sa buong kwarto at bigla nalang napasabunot sa aking buhok.
"Aargh! Shete, panaginip lang pala!"
Yung tipong pader pala yung nakakahalikan ko, na umasa ako na totoo, na sana... Arrrgh! Bakit ba naiisip ko siya palagi? Diko naman siya mahal. Kaibigan ko lang naman siya. Na, bakit parang mali yung panaginip ko?
Wala akong magawa kundi iumpog nalang ang aking ulo sa pader na kung saan ay kanina lamang ay nakaramdam ng halik sa isang gwapong nilalang. Bakit sa dinami-rami ng taong pwede kong halikan, bakit pader pa?!
Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at saktong alas tres palang pala ng madaling araw.
Nakakabagot ang humiga at ang isipin ang panaginip na iyon, kaya tumayo ako at nagpunta sa kusina para uminom ng isang basong tubig.
Naglakad ako pabalik sa kwarto at binuksan ang bintana dahil sa maalinsangan na temperatura sa kwarto. Nakita ko ang mga maniningning na mga bituin na nakalatag sa madilim na langit sa kalawakan. Napabuntong hininga nalang ako at pinanuod ang mga bituin na parang napakalapit pero napakaimposibleng abutin.
###
Gumising ako-mali--di na nga pala ako nakatulog kagabi. Maaga akong nagtungo sa kusina at nagtimpla ng kape para gisingin ang inaantok kong mga mata at diwa.
"Ang aga mo naman, bunso." Bati ni mama na nanggaling sa kanilang kwarto.
"Di po ako nakatulog kagabi." Sabi ko naman ng walang halong pagsisinungaling.
"Kung ganon, ikaw nga yung naririnig kong naglalakad kagabi sa kusina." Sabi niya na hindi ko alam kung ako ang kinakausap niya o ang sarili niya.
Pagkatapos niyang maghilamos at magmumog ay nagluto na siya ng umagahan.Mga walong taon narin kami sa bahay na ito na nabili ni Papa nang siya ay nag-abroad sa Canada. Dalawang palapag ang bahay at maganda naman na pininturahan ng berde. Tanging ako lang ang nasa taas at may isang guest room. Kwarto naman nila mama at papa sa baba at nandun rin ang kusina. Sabi kasi nila para daw di na rin sila mahirapan sa pag-akyat at pagbaba. Malaki ang bahay na kasya ang dalawang pamilya.
YOU ARE READING
Hindi Pwede?
Teen Fiction[OneShot Story] A not-so-usual story of unrequited love of Rheon and Maisie.