Nakayakap lang siya sa akin ng mahigpit at ganun din ako. Pakiramdam ko ay namumula at mainit ang aking mga pisngi pati na ang aking mga tenga. Hindi namin pansin kung sino ang mga nakapaligid sa amin at kung nasaan kami. Yung nararamdaman kong mga pinaghalo-halong inis, disappointment, at iba pang hindi ko maipaliwanag na mga emosyon ay biglang naglaho at bigla kong nakalimutan nung oras na naglapat ang aming mga labi. Wala siyang alam kung bakit hindi kami pwedeng mag-adjust ng oras para sa debut. Wala siyang alam na noong Lunes palang na nalaman kong maaga siyang pumasok ay alam ko na, na pareho ng oras ang try-outs nila para sa basketball at oras ng debut ko. Wala siyang alam sa mga nararamdaman ko na tanging ako lang ang nakaka-alam, na nagpapaka-pilya ako at nagpapaka-maldita sa kanya noong High School ay dahil sa may gusto na ako sa kanya.
Hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko, na sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay bigla akong nawawala sa aking sarili. Nababalisa ako. Hindi ko alam kung bakit sa bawat paglingon ko ay parang naroon lagi siya at pati sa mga panaginip ko ay sumusulpot siya.
Dahil sa hindi ko pa alam na ‘crush’ pala yung tawag doon, ay inassume ko na dahil sa kanya ay nasisira ang standing ko sa klase. Lagi kaming magkalaban sa debates, nagpapataasan sa quizzes and exams. Nakaka-intimidate siya. Hindi. Nakaka-intimidate na yung nararamdaman ko, kaya nagsimula akong magsungit sa kanya. Sa tuwing lalapit siya sa akin ay iniirapan ko agad siya at lilingon sa ibang direksyon habang ramdam ko ang hindi ko maipaliwanag na pagtalon at pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagsimula akong magalit sa kanya everyday, thinking na kung magiging ganito ako ay baka mawala na yung ‘hindi-ko-maipaliwanag-na-emosyon’, thinking na kung magiging ganito ako ay baka tumaas na ulit yung standing ko sa class. But… I was wrong. Really wrong, so I grabbed the opportunity to befriend him after our presentation of our Solar System model.
“Bakit hindi pwede?” Bulong niya na ramdam ko ang kanyang paghinga sa likod ng aking kanang tenga.
“We’ll…we’ll go to Canada to attend my grandma’s death.” Ibinulong ko sa kanya ng walang pagsisinungaling. Mas mabuti na siguro ito, na hindi na ako mag-ho-hold back ng feelings ko tulad ng dati. Hindi na ako magtatago ng aking nararamdaman dahil ayaw ko nang maulit yung nangyari noong Senior High kami.
Inatasan kami na manguna sa pagpeprepara ng Promenade Ball dahil ako ay ang President ng School Body Organization at siya naman yung Vice. Isang lingo lang ang haba na ibinigay sa amin ng Adviser ng Organization, who was Miss Bedania. Naging busy kaming dalawa at kung saan ako magpunta ay lagi ko siyang kasama. Kasamang bumili ng mga decors. Kasamang magpinta ng background para sa stage. Kasamang napapagod para mapaganda yung ball.
Mas nakilala ko siya noon. Gusto ko yung buhok niyang mala-emo ang style ng haba, yun nga lang ay kulot siya, pero hindi kulot na kulot, parang wavy na nag-compliment pa sa maiitim niyang mga mata. Ang gwapo niya kahit na moreno ang kulay niya. Moreno siya which is nakadagdag sa pagka-manly ng sporty physique ng katawan niya.
I couldn’t ask for more, just him. But I felt heart-broken because noong araw bago ang ball ay niyaya niya si Elvira para maging date niya. Wala akong magawa. Hindi naman pwede na babae ang mag-aya para sa isang lalaki. Ang sakit. Ang sakit sakit noon pero hindi ko maipakita. Bawal. Pinagbawalan ko ang sarili ko.
Si Marion ang naging date ko dahil sabi ko sa sarili ko ay kung sino ang unang mag-aya sa akin ay sasabihin ko agad na ‘Oo’. So, siya ang naglakas ng loob. Taga-kabilang section. Isang mayaman na nakasalamin. Hindi siya nerd dahil may sense siya ng fashion.
Iniwan ko siya sa table namin noong gabing iyon dahil tinawag ako sa stage para magbigay ng mga salita ukol sa Prom. Pagkababa ko sa stage ay nakita kong masayang magkayakap sila Rheon at Elvira habang tumutugtog ang kanta na pang-slow dance. Napaka romantic noong gabing iyon para sa kanila at wala naman akong magawa kundi tumitig nalang sa kanilang direksyon.
Nakita nila ako na nakatingin sa kanila. Kumaway siya sa akin na hindi ko pinansin. Mga classmates, mga acquaintances at mga teachers na mga sumasayaw ang mga nakasalubong ko habang papalayo ako sa kinatatayuan nila Rheon at Elvira.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan na para bang sasabog. Sabi nga nila, “hearts are monsters, that’s why they are caged”. Huminto ako sa receiving area ng gymnasium kung saan ginaganap ang prom at nilagay ko nalang ang aking kanang kamay sa aking dibdib kung saan pumipintig ang puso ko, ang halimaw sa loob ng dibdib ko. Inilabas ko ang aking cellphone at nagmessage sa kanya na mauuna na akong umuwi dahil nahihilo at napapagod na ako.
Tumakbo ako ng tumakbo at pumara ng taxi. Sa pagpasok ko sa loob ay sinabi ko agad kung saan at doon ay hindi ko namalayan na tumulo na ang isang patak na luha sa kaliwang mata ko. Hindi ko maintindihan yun noong panahong iyon. First love ko siya. Bestfriend ko siya. Hanggang doon nalang kami.
Ng pumasok ako sa bahay ay tinanong ako agad ni Mommy na bakit ang aga ko raw. Idinahilan ko nalang yung mga sinabi ko sa text kay Rheon. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at marahan na isinara. Sa pagkasara kong iyon ay napadukdok ako sa pintuan na habang nararamdaman ang mga luha na malayang umaagos mula sa mga mata ko.
Noong gabi na iyon ay hindi ko na nagawang alisin ang make up sa mukha ko. Noong gabing iyon ay hindi na nagpumilit na puntahan at tanungin ako ni Mommy sa kung ano ang problema dahil alam niya iyon, alam niya dahil ikinukuwento ko sa kaniya lahat. Noong gabing iyon habang yakap ko ang isang stuffed toy na Pikachu habang nakahiga at umiiyak ay tumatawag siya. Tumatawag siya na hindi ko naman sinasagot. Nakatulugan ko iyon habang umiiyak.
Nang ako ay nagising ay tumambad sa akin ang balita na sila naraw. Ang pangit ng sitwasyon ko na marami naman sanang nangliligaw sa akin ay kung bakit sa bestfriend ko pa ako nagkagusto. Ang hirap aminin sa umpisa na mahal ko siya, ganun din kahirap aminin na hindi kami pwedeng maging magkasintahan, at mas mahirap na aminin sa sarili ko na sila nang dalawa na wala na talaga. Hopeless na ako.
Hindi ko pinaalam at pinaramdam sa kanya na may mali sa akin, na may tinatago ako sa kanya bilang kaibigan. Doon naman ako magaling, ang magtago ng tunay kong nararamdaman.
Dalawang buwan lang ang lumipas at masaya na akong muli ng malaman na wala na sila, dahil daw parang wala nang nararamdaman si Rheon kay Elvira kundi paghanga lang na dahil sa maganda siya.
Ilang ulit ko ring binalak na sabihin sa kanya pero maling mali na aminin ko yun sa kanya, dahil una sa lahat ay babae ako, at pangalawa ay paano na ang friendship namin? Kaya sinekreto ko nalang, kaya itinuon ko nalang ang mga nararamdaman ko sa isang varsity na Basketball captain sa school din namin, yun ay si Vance Del Ocampo. Perpekto siyang lalaki at lahat ng magugustuhan ng isang babae ay nasa kanya na, pero hindi ko maipagkakaila na mahina siya sa studies. Kahit ganun ay pinilit kong magka-crush sa kanya, na madali ko namang nagawa.
Ewan ko kay Rheon kung bakit lagi siyang umiilag kapag ang usapan na namin ay tungkol kay Vance. Lagi niyang sinasabi na yung matalino nalang daw yung i-boyfriend ko, na dapat hindi lang puro yabang yung gustuhin ko. Naiintindihan ko siya dahil siguro sa iniisip niya rin yung mga naiisip ko, na paano nalang kung walang alam yung lalaking mamahalin ko ng panghabang buhay? Walang mangyayari sa aming dalawa kapag nagkaganun.
“Don’t worry kung aattend si Vance. Pinsan ko siya.” Sambit ko kay Rheon.
Linggo, apat na araw na ang nakakalipas, ay nagtext sa akin si Vance na nakikipagkita sa StarBucks ng alas tres ng hapon. Agad ko namang itinanong sa kanya kung bakit, pero ang sabi niya ay may sasabihin daw siya sa akin na importante at urgent. Hindi ako nagexpect ng kung ano dahil sino ba naman ang babaeng unang text palang ay iisipin na agad na may gusto na yung lalaki sa kanya? Matalino ako kaya hindi ako mag-aassume ng mga ganoong bagay bagay. Sinabi ko nalang sa kanya na pupunta ako. Titingnan ko kung important ngaba at urgent yung mga sasabihin niya.
Nagpunta ako, late ako ng dalawampung minuto at nakita ko siya na may paper bag na katabi ng table, na kung saan siya nakaupo. Um-order na siya ng isang latte at isang slice ng blueberry cheesecake para sa akin.
“Sorry, I’m late.” Sabi ko sa kanya habang umuupo.
“Don’t worry. It’s okay, Maisie Cruz Enriquez.” Winika niya habang nakangiti. Ang tangkad niya sa malapitan at ang puti talaga. Siya nalang kaming pinagbubulungan at pinagtitinginan sa loob ng shop.
Tinanong ko siya kung ano yung important at urgent na sinasabi niya at agad niyang sinagot ang tanong ko nd sabihin niyang namatay naraw yung lola namin sa Canada. Nagulat ako dahil sinabi niyang ‘lola namin’. Tsaka ko lang naalala na pareho ng apilyido niya ang apilyido ng lola ko na nasa Canada, na kapatid ng lola ko sa father side. Apo daw siya ni lola Francine na roon ay naninirahan sa Canada. Doon ko narealize na magpinsan pala kami, second cousins. Tumagal yung oras na nagtatawanan kami at napag-usapan naming pupunta kami ng libing. After kasi ng debut ko, Friday, ang araw ng burial. Pinilit kong himukin sila mama at papa noong gabi rin na iyon, na gawin nalang na alas tres ang debut hanggang alas singko, na agad naman nilang pinayagan. Basta raw ang alis namin ay alas otso ng gabi kaya nagpa-book na agad sila ng flight papuntang Canada noong gabi na iyon. Noong nasa StarBucks kami ni Vance ay niyaya ko rin siya sa debut ko na hindi naman niya tinanggihan. Hindi naman daw kasi siya makakapunta sa libing dahil busy sila sa try-outs at practice nung mga oras at araw na yun.
“That’s from my mom. Pinabibigay niya kay Aunty Susan, kay mommy mo.” Bago kami umalis ay ibinigay niya ang paper bag na matagal na nakaupo sa tabi ng mesa namin.
Nakayakap parin kami sa isa’t isa. Tila ayaw naming bumitaw pareho. Sapat na ito para sa akin. Sana tumigil ang oras para sa aming dalawa.
Paulit-ulit na umiikot sa kokote ko yung mga salitang binitawan ni Rheon kanina, “I love you and I can’t think of you being with him, Venus.” Mahal rin niya ako. Napangiti ako sa pagkakaalala ko ng mga salitang ito kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
Akala ko ay hanggang sa panaginip at movies nalang ang lahat, na malabong mangyari sa aming dalawa ang ganito. Kaya sinabi ko nalang na, “I love you too, Pluto ko.”
Napagtanto ko na yung hindi pwede… ay Pwede pala.
YOU ARE READING
Hindi Pwede?
Ficção Adolescente[OneShot Story] A not-so-usual story of unrequited love of Rheon and Maisie.