Nag-vibrate ang cellphone ko at tumambad sa akin ang message ni Maisie.VENUS
See you nlang sa canteen. Dun sa dati. XoxoDi na ako nag-reply dahil gutom na rin ako ng matapos ang subject namin sa Philosophy. Bachelor of Arts in Architecture ang kinukuha ko. Pwede naman akong mag HRM, Nurse, Teacher, o kaya ay tulad nung kay Maisie, pero ito ang kinuha ko dahil after ng Basketball ay drawing and architectural designs talaga ang gusto ko. So I gave myself a try. Noong ten years old palang ako, naggagawa na ako ng kunwari ay designs ng mga bahay, pero syempre mga poste at parang joke palang yung mga yun noon. Lagi ng nagpapagawa sa akin ng mga projects yung mga pinsan ko kapag may mga pinapadawing o mga bagay na inline sa drawing and painting noong natuto ako.
Noong una ay nainis sa akin si Maisie, dahil nagpromise kami sa isa’t isa na isang kurso lang ang kukunin naming pareho. Pero napag-isipan ko na, na gusto kong maging Architect, at in-line naman sa medicine yung gusto niya kaya kinuha niya yung Med Tech. Isang araw kaming hindi nagpapansinan noon pero nung kinabukasan ay nilapitan nya ako na para bang wala kaming pinag-aawayan na magkaibigan.
“Naiintindihan ko na. Di mo naman pipilitin na kunin yung mga bagay na hindi mo naman gusto, Pluto, diba?” Sabi niya habang nakatuon ang sarili niya sa pag-kain ng spaghetti.
“Tumpak. Baka sumuko ka agad kapag ginawa mo yung mga bagay na hindi mo naman gusto.” Sabi ko sa kanya habang kumakain naman ng isang slice ng chocolate cake. Mahilig ako sa sweets. Cakes, doughnuts, brownies… You name it, I love it! Pero kahit anong kain ko ng mga sweets ay hindi ako tumataba which is okay lang dahil sa athletic figure ng katawan ko.
“O, bakit ako? E, ‘kaw nga jan e.” Pang-aasar niya.
“Oo napo, sa’kin na naka-address.” Pakli ko na may halong pagsuko sa asaran. Ganoon ako lagi, kapag nararamdaman ko nang talo ako sa usapan o kaya kapag ayaw ko nang humaba pa yung asaran.
Habang naglalakad ako papunta sa canteen ay may nakita ako sa bulletin board na nakapaskil. Nakuha nito agad ang pansin ko. May try-out para sa basketball! Pagkakataon ko na ito para makasali at maging Varsity player. Huminto muna ako at binasa ang nakasulat. Agad na akong nagtungo sa canteen kung saan nakita kong nakaupo na agad si Maisie.
“Hey. Ang tagal mo. Salamat sa paghihintay ko ha.” Nakangiti niyang sabi habang nakaupo na.
“I just saw something.” Sabi ko tapos nag-wink ako sa kanya bago umupo.
“What? Anu yung nakita mo? Bilis.” Na-curious agad siya pero ayoko siya i-spoil, kaya di ko muna sasabihin.
“Order kana.”
“Sabihin mo muna.”
“Habang kumakain.” Saway ko at nag-pout siya at umorder na ng pagkain. Ang totoo ay gutom na gutom narin kasi ako kaya di ko na agad makwento sa kanya.
Nakita ko yung mga babaeng Sophomores na nakatingin sa mesa namin. Ewan ko pero parang kinikilig sila habang nagbubulungan.
“’Nung problema nung mga makakating higad na mga yun.” Sabi ni Maisie.
“Wala, may epilepsy lang siguro sila.” Sabi ko.
“Ang sweet talaga nila tingnan.” Narinig kong kwentuhan nila.
“Sigurado ka, friends lang sila? Ang gwapo kaya ni ano, anong pangalan niya?” Sabi pa nung isa.
“Sabi sa FB, Rheon Duque Valdez ang full name niya.” Habang kinikilig na nag-uusap ay napatingin ako sa kanila at nagtilihan pa sila ng malakas.
“Malalandi.” Sabi ni Maisie na may panggigigil sa kanyang pagkain. “By the way, ano na yung nakita mo, yun naba yun?”
“Oo, Venus, yun na yun.” Alam naman namin at lagi naming napag-uusapan na hinihintay ko na magkaroon ng try-outs para sa basketball kaya mas na-curius pa siya lalo.
“O ano na? Kelan? Saan?”
“Yun nga e, walang nakalagay na date, basta makipagkita daw kay Joan Dela Merced, yung secretary ng team. Basta next week na siya.”
“Ganun. Next week narin birthday ko.” Sabay ngiti niya sa akin.
“Huwag mong asahan na makakalimot ako dahil hindi. Lalo na kung may chocolate cake.”
Twelve-thirty na nang kami ay matapos kumain. Papalabas na kami ng canteen ng makita ko na bigla nalang na namula ang mga pisngi ni Maisie na para bang nagba-blush. Humawak siya sa braso ko, hindi ko alam kung bakit, kung kailangan ba niya ng alalay o ano. Saka ko lang naintindihan kung bakit may biglang nagbago sa kanya ay nang makita ko kung sino ang paparating, si Vance Del Ocampo kasama ng mga iba pang player ng basketball.
Kung titingnan mo, pwede mo nang sabihing perpekto siya bilang isang ideal na lalaki para sa isang babae. Yung maiinggit ka nalang dahil mas maputi siya, matangkad, mayaman, may sariling kotse… Yung parang lalaking laging dinedescribe ng mga babae na akala mo perpektong perpekto, yung over-rated na at OA, pero may isa siyang kulang na mayroon ako—utak. Kung di ako nagkakamali araw-araw daw siyang nagpapraktis para di makapasok sa klase.
Ayun siya, dumarating kasama ng kanyang varsity team sa basketball. Kung mamalasin ka nga naman, makakasama ko pa sa varsity team tong mga mokong nato pag nakapasok ako sa team. Oo na, naaasar ako sa pagmumukha nung damulag na yun, nakaka-insecure lang kasi. Di naman ako attention-seeker pero kapag katabi mo yun, siguradong hihigupin niya lahat ng atensyon ng madla. By the way hopeful ako na never ko siyang makasama, which is never going to happen dahil nga iisang team lang ang varsity ditto sa Brixton. Haist.
Bigla akong hinila ni Maisie papalayo sa Canteen na ni hindi man lang tumitingin sa kung sino ang kanyang mga makakasalubong. Nakatingin lang siya sa daan. Tapos bigla siyang napasigaw.
“Ow! Em! Gi!” Tili niya na habang nakakurot sa aking mga braso. Parang biglang bumalik yung Maisie na kasama ko lang kaninang kumakain na biglang nawala.
“Aray!” Ang sakit kaya ng kurot niya. “O, buhay kana ulit.” Bati ko sa kanya.
“Alam mo bang crush na crush ko siya?!”
Ay hindi! Hindi ko alam na crush na crush mo siya. Hindi ko pansin, Maisie.
Gusto kong sabihin ang mga bagay na ito pero parang hanggang sa lalamunan ko lang at hindi ko mailabas sa bibig. Paano ba dapat ang sasabihin mo kapag may kaibigan kang babae na nagsabi na may crush siyang lalaki? Na yung lalaki na yun ay much better sayo na kaibigan ka? Diba parang nakaka-speechless naman yata nun. Nakaka-asar. Nakaka-wala ng gana. Parang nakakatapak ng ego. Whatever, di naman ako nagseselos, kaibigan ko lang talaga siya at ayaw kong mapunta yung mabait kong kaibigan sa isang lalaking napaka-presko at walang alam sa calculus, trigonometry, probability, basta mathematics! Kahit na hindi ko siya masyadong kilala ay may parang ‘manly instinct’ ako na ganoon siya
“Ha? Talaga? Ano naman nagustuhan mo dun sa uranggu—sa lalaki na yun?” Muntik ko nang nasabi na uranggutan. Oo, itinanong ko ito kahit na alam ko na yung mga isasagot niya. Oo, itinanong ko kahit na mas lalo pang matatapakan yung ego ko.
At yun nga, nagsimula na siyang mag-enumerate ng mga good qualities, never mentioning the bad ones habang naglalakad kami papunta na sa mga rooms namin. Diko na siya pinatapos sa mga sinasabi niya. Dahil nakakaboring pagusapan kung sino si Vance Del Ocampo na crush niya, na everytime dawn a dadaan sa room nila ay magwi-wink sa kanya, na laging nagla-like ng mga posts niya sa facebook.
“Ah,” sabi ko nalang habang nakatingin sa wristwatch, “kailangan ko nang bumalik sa room ko agad, may tinatapos pa kaming project e.” Pagsisinungaling ko, kahit wala naman. Mas gusto ko nalang na umupo sa aming silid, dumukdok, at matulog nalang habang hinihintay ang susunod na klase. Sigurado namang paniniwalaan niya yun dahil three weeks nalang ay finals na.
First semester palang namin sa eskwelahan na ito. Hindi ko alam kung saan nagmula yung pangalan ng school namin na Brixton University, ni hindi nga napapabalita na may university palang ganito. Silent Colleges ang kadalasang tawag ng mga professors namin. Four years palang siyang nakatayo pero maayos naman ang mga pasilidad at almost four thousand din kaming mga estudyante sa loob. Noong una naming tapak dito ay nakahawak lang siya sa braso ko na para bang napakalaki ng tendency na mawala siya. Ganun din ako ngayon. Umaasa na sana, yung friendship namin, inaasahan kong hindi mawala kapag nagka-boyfriend na siya.
Nakaka-guilty na kabod ko nalang siyang iniwan dun habang nagsasalita…
Nakaka-guilty na para bang pinamukha ko na wala akong interes…
YOU ARE READING
Hindi Pwede?
Teen Fiction[OneShot Story] A not-so-usual story of unrequited love of Rheon and Maisie.