Takbo!
Bakit nga kaya di pa ako naggi-girlfriend ulit?
Dribble.
Ilang taon narin naman nung naging kami ni Elvira.
Pasa kay Mark. Takbo!
Siguro masyado lang akong driven sa academic at sports kaya di ko na napagtutuunan ng pansin yung mga crush-crush na mga yan.
"Bro, pass!" Sigaw ni Mark. Malapit ako sa basket ng court. Nang lumingon ako sa ka-partner ko sa laro habang nagpapractice at habang nagtatanong sa sarili ko ng mga bagay bagay ay nakita ko nalang yung bola na paparating. Tumama sakto sa mukha ko. Natumba ako sa pagkakatama ng bola. Yung mga naiisip ko habang nagpapractice ng basketball sa court na katabi ng aming bahay, yun pa yung nagpatumba sa akin. Malas.
"Masakit ba?" Tanong ni Mark habang inalalayan akong umupo sa sahig ng court. Masakit nga ba yung naging break-up namin? Ewan, nakalimutan ko na.
"Hoy, magsalita ka." Sabi ni Christian. Wala na nga yun. Tapos na yun, ni hindi ko nga yata siya minahal.
"Hala, nakakatakot kana, brad. Okay kalang ba?" Tanong ni Peter na habang niyuyug-yog yung mga balikat ko. Okay lang ba ako?
"Ha? Oo. Bakit? Walang masakit." Sabi ko sa mga kalaro ko habang inilagay ko yung kanang kamay ko sa parte kung saan ako tinamaan.
"Tinakot mo kami dun ah. Akala ko tumama na yung ulo mo sa semento." Sabi ni Peter na nag-aalala.
"Kaya nga, ako pa naman ang mananagot kay Maisie niyan pag nagkataon." Pang-iinis ni Mark.
"Si Maisie? Sila na ba?" Tanong naman ni Christian. Apat kaming naglalaro sa basketball court. Si Mark yung ka-klase ko rin sa Archi na siya rin yung ka-partner ko ngayon sa laro. Kalaban namin sina Peter at Christian. College narin silang dalawa. Si Peter Nursing ang kinukuha habang si Christian naman ay Med Tech din at kaklase ni Maisie.
"O, bakit nanaman nasama si Maisie?" Tanong ko sa kanila.
"Kayo naba?" Pang-aasar lalo nilang tatlo.
"Tingnan mo nga sarili mo. Para kang abnormal na nakatingin sa kawalan." Si Peter naman ang nagsalita.
"Wala akong gf at hindi kami ni Maisie." Sabi ko nang walang pasisinungaling. Ganito itong mga kabarkada ko, lagi nila akong nili-link kay Maisie kahit na friends lang talaga kami. Lagi nila kaming iniisipan na may relasyon kahit wala naman talaga. Ewan ko ba, mga bulag yata tong mga to.
"Baka kaya ka nagkakaganyan e siguro iniisip mo kung anong regalo ang ibibigay mo sa girlfriend mo." Sabi ni Christian habang tumatawa. Napailing nalang ako habang tumatawa sa mga sinasabi nila.
Malapit na nga pala yung birthday ni Maisie, sa September 29. Huwebes. Apat na araw matapos ngayon. Linggo ngayon at napag-isipan kong masarap mag-practice ng basketball para sa darating na try-outs at isa pa dahil wala kaming klase ngayon. Hindi pa kasi sinasabi ng secretary ng team kung kailan magkakaroon.
"Okay na siguro to ngayon mga, bro." Sabi ko sa kanila at tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig. "Siguro naman makakapasok tayong lahat sa try-outs." Magta-try-out din kasi silang tatlo. Sila yung mga kabarkada ko na bukod kay Maisie ay bestfriends ko rin. Minsan nga lang kapag may lakad ang barkada ay hindi ako pinapansin ni Maisie kapag sumasama ako. Sinasabi niya lagi na nakakalimot na ako.
Umuwi na ako sa bahay at naghahanda na para maligo. Nakita ko na wala sila mama sa bahay at naalala kong di nga pala sila uuwi ni papa dahil may kailangan silang asikasuhin para sa muling pag-a-abroad ni papa. Dibale nasanay narin naman akong mag-isa sa bahay.
Hapon na pero malakas parin ang sikat ng araw. Napaka-alinsangan ng panahon ngayon. Kinuha ko ang tuwalya at malinis na underwear bago pumasok sa banyo. Ini-on ko ang shower na habang dumadampi ang malamig na tubig sa aking balat ay siya naman na maraming pumapasok sa isip ko. Naalala ko muli yung panaginip ko na kayakap si Maisie. Bakit nga ba ayaw kong ligawan siya? Lagi nga kaming napagkakamalan na mag-boyfriend at mag-girlfriend kapag laging nakakapit ang mga malalambot na kamay niya sa braso ko. Lagi akong tinutukso nila Mark na uunahan daw nila ako kapag hindi pa ko gumawa ng move.
Maganda si Maisie. Matangkad rin siya para sa isang babae. Brown na brown ang mga mata niya at mapupungay. Matangos ang ilong niya at may brown na mahabang buhok. Maputi siya na parang isang haponesa. "I love you too, Pluto ko." Paulit ulit kong naririnig sa isip ko yung mga salita na to na nagmula sa panaginip ko na hindi ko alam kung bangungot ba. Teka, ano ba tong mga iniisip ko? Hanggang kaibigan lang kami. Sigurado namang hindi ako ang gusto nun dahil... basta hindi ako gusto nun.
Dinala ko ang aking mga kamay sa aking mukha habang umiiling-iling ang aking ulo dahil sa hindi tama ang mga naiisip ko.
Natapos na akong maligo at magpalit ng damit. Nagtungo ako sa harapan ng salamin at nakita ang aking mukha. Moreno ako. Matangos ang ilong at may bahagyang kulot na buhok na kulay itim. Maiitim ang aking mga mata. Gwapo naman sana ako pero bakit parang napakapihikan naman yata ng puso ko.
Ilang oras na ang nakalipas at matutulog na ako ng nakareceive ako ng message kay Maisie.
YOU ARE READING
Hindi Pwede?
Teen Fiction[OneShot Story] A not-so-usual story of unrequited love of Rheon and Maisie.