Ang gwapo niya talaga! Bakit ba ako nahumaling sa kanya? Dahil ba sa mga mata niyang nagungusap? Dahil ba sa mga labi niyang kay lambot? O dahil ba sa abs niyang nakakagigil talaga?
Bilang teenager nahilig ako sa mga boybands, at ang pinakasikat sa kanila ay ang "Dream Prince", kinabibilangan ito nila Harry Imperial, Luis Tolentino, Ronnie Samonte at Greg Alvarez. Ngunit isa lang sa kanila ang pinaka-paborito ko, siya ay si Justin Vivas, simula ng nabuo ang Dream Prince ay siya na talaga ang pinakagusto ko.
"Fan Girl" ang tawag saming mga babae na humahanga sa aming idolo. Madalas hindi naman nila kami napapansin, pero kahit ganun pa man ang paghanga namin ay hindi pa rin magbabago. Dahil ang mga hinahangaan namin ang nagbibigay samin ng inspirasyon, sila ang dahilan kung bakit pinagbubuti namin ang mga bagay bagay.
YOU ARE READING
My Crazy Fan Girl
Roman pour Adolescents"Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo? O ang taong mahal ka na laging naandiyan sa tabi mo? Maibibigay mo ba ng buong buo ang iyong puso?" Subaybayan ang kwento ng magkaibigang Janna at Rico, paano mababago ang samahan nila pag dating ni Justin...