Kelan kaya ako mapapansin ni crush? Hay! Ang tagal tagal ko ng nagti-tweet at nagco-comment sa mga post niya. Justin Vivas my loves kailan ko kaya masisilayan ang napaka-gwapo mong mukha. Baka hindi ako makahinga kapag nakita na kita in person ang gwapo mo kasi e. Habang tumatagal mas lalo akong naiin-love sayo lalo na pag kumanta ka na naku sasabog ang ihi ko sa kilig!
Hi! Ako nga pala si Janna San Juan from the beautiful Barangay of Barangay Bahay Toro, Quezon City! At oo, isa akong Fan Girl!
Sino ba naman kasing hindi maiin-love kay Justin Vivas, bukod sa gwapo ay napakagaling pa niyang kumanta. Siya lang naman ang lider ng grupo nila, ang Dream Prince.
"Hay naku! Bestfriend nagha-hallucinate ka na naman diyan! Si Justin Vivas na naman ang iniisip mo noh? Baliw talaga!"
Sambit ni Rico.
Panira talaga tong si Ricardo Dee o tawagin na lang natin siyang Rico. Siya ang bestfriend ko. Elementary pa lamang ay magkasama na kami, hanggang ngayon na Senior High na kami.
Pagkatapos ng klase, ay suma-sideline ako sa studio nila Tita Nancy upang maglinis para may extra ako pambaon. Isa yung studio kung saan may mga nagre-rehearse na mga dancer, singer, minsan mga acting workshop.
"Janna, linisin mong mabuti yan at bukas na bukas may mga bagong magrerenta sa studio, mga singer daw e, magagaling kumanta kaya magpaturo ka. Sintunado ka pa naman"
Sambit ni Tita.
Si Tita Nancy talaga inasar pa ko. Na-curious ako kung sino kaya ang bagong rerenta sa studio kaya nilinis ko iyon ng mabuti, kinuskos ko ang sahig, ang mga salamin at pinunasan ko lahat para magmukang bagong studio ang studio nila Tita.
Tinetext ni Rico si Janna ngunit hindi ito sumasagot. Miski tawag ay wala din, baka naglilinis lang ng mabuti sa studio. Ngunit walong oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin ma-contact si Janna.
Tinawagan niya ang nanay nito ngunit hindi pa daw siya umuuwi. Kaya napilitan siyang lumabas at hanapin si Janna. Hindi kaya napahamak na ito?
Nakasalubong ni Rico ang Tita ni Janna. Tinanong niya ito kung nakaalis na sa studio pero sabi niya ay ni-lock niya na ang studio at di niya daw nakita si Janna dun.
Nag-alala na si Rico at hiniling niya na tignan muli ang studio dahil may kutob siyang andun pa si Janna.
Kaya agad agad ay tumungo sila ng studio at tama nga ang hinala ni Rico andun nga si Janna. Walang malay.
"Janna! Janna! Janna!"
Sigaw ni Rico.
"Ano ba Rico? Ang ingay ingay mo! Natutulog ako e!"
Sagot ni Janna.
Nakatulog pala si Janna dahil sa sobrang pagod kinalilinis ng studio.
Hay! Napagod talaga akong maglinis ng studio. Mabuti na lang at dumating ang maasahan na bestfriend ko kundi na-lock na ako sa studio ng magdamag.
Kailangan ko ng umuwi at manunuod pa ako ng mga videos nila Justin Vivas. Alam niyo naman, i need inspiration at si Justin lang ang nakapagbibigay sakin niyan.
"OMG bebe! Alam mo na ba ang balita? Pero wag kang mawiwindang ha!"
Text sakin ni Jecka, isa sa mga matalik na kaibigan ko sa school.
"Ano yun bebe?"
Reply ko.
"Si Justin Vivas lilipat ng school! At dito sa school natin siya papasok!"
Reply naman ni Jecka.
Nung una ay hindi ko pinapaniwalaan pero laking gulat ko na lang dahil mismong si Justin ang nag-post sa kanyang twitter na siya nga daw ay lilipat na ng school at dito nga yun sa Holy Spirit kung saan ako napasok.
OMG si Justin Vivas schoolmate ko na! Makikita ko na siya!
YOU ARE READING
My Crazy Fan Girl
Teen Fiction"Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo? O ang taong mahal ka na laging naandiyan sa tabi mo? Maibibigay mo ba ng buong buo ang iyong puso?" Subaybayan ang kwento ng magkaibigang Janna at Rico, paano mababago ang samahan nila pag dating ni Justin...