OMG same school na kami ni crush! Kinakabahan ako baka main-love siya sakin pag nakita niya ako!
Excited na excited akong pumasok ngayong araw, paano ba naman may chance na akong makita ang iniidolo ko. Talagang hahalughugin ko ang buong campus makita ko lang si Justin Vivas my loves.
Napaaga ako ng pasok, halos iilan palang kaming nasa klase hanggang sa biglang may nagsigawan. Hindi ko pinansin yun dahil busy ako pagpe-Flames kung meant to be ba kami ni Justin Vivas.
Hanggang sa nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Si Justin Vivas nasa harapan ko na! Sa harapan ko siya nakaupo! Grabe ang puti puti niya, ang bango bango, ang linis linis. Parang hindi siya dinadapuan ng germs.
Hindi ako maka-concentrate sa mga pinapagawa samin na graph, trigonometry kasi ang subject namin nung time na yun.
Hanggang sa lumingon sakin si Justin.
OMG hindi ako makahinga. Ang gwapo niya talaga! Lalo na sa personal!
"Hi, meron ka bang sharpener? Naputol kasi yung tasa ng lapis ko."
Sambit ni Justin.Oh my God! Kinakausap niya ako, ninenerbyos tuloy ako.
"Ahhhh... ehhhh.. oo meron akong pantasa..."
Utal utal na pagkakasabi ko.
Inabot ko sa kanya ang pantasa kaya dahan dahan kung naramdaman ang malambot niyang kamay. Grabe! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng dumampi ang kamay niya sa kamay ko.
Nanginginig ang mga kamay ko, paano ba naman inaabot ko ang pantasa na magtatasa ng lapis ng mahal ko.
Ng isasauli niya na sakin ang pantasa ay muli akong nanginig. Kasi sa pangalawang pagkakataon mahahawakan ko na naman ang kamay niya.
May pagka-manyak pala ako ng mga oras na yun. Pero hindi ko mapigilan chance ko na kasi yun. Minsan minsan lang mangyayari kaya grab ko na ang opportunity.
"Thank you.."
Pasasalamat ni Justin.
Dun na sumabog ang katawan ko. Kinilig ako nung nag-thank you sakin si Justin. Hindi na ako naka-imik pa. Hindi ako makapag-focus dahil ang taong iniidolo ko ay nasa harapan ko na. Parang panaginip at ayaw ko ng magising pa.
Natapos na lamang ang klase ng hindi ko namamalayan. Busog na busog ang mga mata ko. Ni hindi ako makakain kasi si Justin pa lang ulam na. Napakasaya ko.
"Janna kala ko ba ay sasamahan mo akong mamili ng materials para sa history project natin?"
Tanong ni Rico.
"Naku! Nawala sa isip ko, oo nga pala. E paano yan? Kailangan ko pa linisin ang studio nila Tita."
Sagot ko.
"Ay OK lang sige. Daanan na lang kita sa studio pagkatapos kong mamili para sabay na tayong umuwi."
Tugon ni Rico.
Tumungo na ako sa studio nila Tita upang maglinis ngunit medyo napaaga ata ako dahil nandun pa ang mga sinabi ni Tita na mga nagre-rehearse na singer.
Laking gulat ko na lang sa aking nakita.
ITUTULOY.....
YOU ARE READING
My Crazy Fan Girl
Teen Fiction"Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo? O ang taong mahal ka na laging naandiyan sa tabi mo? Maibibigay mo ba ng buong buo ang iyong puso?" Subaybayan ang kwento ng magkaibigang Janna at Rico, paano mababago ang samahan nila pag dating ni Justin...