Kids In Love

111 3 0
                                    

Define crush- n, He/she is the one who makes you kilig kilig and the one who's always on your mind.

The person who you can find even in a crowded place. The one reason why you always make emote-emote via gm and status.

There is also a tendency that you make pa-shy effect whenever he/she is around.

In short, ang rason kung bakit nagiging emo ka minsan at feeling may syota na tipong may nalalaman ka pang theme song nyo at kapag inaasar sya sa iba, nakiki-asar ka din pero deep inside, nasasaktan ka na.

 --

 --

Normal lang naman siguro magkaroon ng crush.

Siyempre lalo na pag nasa high school ka na.

Para sa isang katulad ko, mga sikat na artista, taga-banda, gwapong lalaki o magandang babae na nakilala sa facebook o twitter o tumblr, taga-ibang school

Pero ang totoo niyan, isa lang naman yung gusto ko e..

Magkaroon man ako nang di mabilang-bilang na crush,

Siya pa rin talaga yung nasa puso at isipan ko..

 --

--

--

--

Hi. Ako nga pala si Odice. 15 years old. Junior.

Hindi gaano katangkaran, pero di naman ganun kaliit. Simple lang.

Hindi ganun kaganda, simple lang.

Hindi ma-appeal, simple lang.

HAHAHA, puro simple lang. Pero ganun naman talaga e. 

Mahiyain ako, hina ng confidence, takot sa stage.

Basta ganun na yun!

Wala man ako sa first o star section, masasabi kong..

Keri ko naman ang mga mahihirap na subjects . Anak ng tokwa!!!

Hirap-hirap kaya dito sa school namin! Try mo!

Hehe. Pero ayun nga, may gusto ako sa ka-batch ko..

Hanggang ngayon, di ko pa rin mapigilan ma-fall sa kanya.

Since first year, crush ko na talaga siya.. Ewan ko ba.

Kahit na anong mangyari, siya pa rin talaga yung nag-iisa para sakin.. (cheesy ng lola mo!!)

Hindi naman sa ano, pero kahit na may manligaw at magkagusto (daw) sakin, syempre kahit na kiligin ako dun, parang at the end of the day, yung bwiset na mokong lang yung iniisip ko... at nakakainis na.

Naiinis kasi ako e.

Ba't ba ang lakas ng tama ko dun?!

Haaay. 

Ewan ko ba!!

Alam mo yung masakit?

Oo, taken na sya.

Oo, may nag-aari na rin sa kanya.

In short, may gilfriend siya.. 

Pero kahit na alam na alam ko yun, hindi ko pa rin mapigilan sarili kong mainlove sa kanya.

Hindi ito istorya nang mag-bestfriends sa una at magkaka-inlaban

Kasi una pa lang, hindi kami ganun ka-close..

Nahihiya kasi ako sa kanya.. 

Nahihiya akong magpakita nang kabaliwan, kasi baka ma-turn off siya.

Haha, feeling ko naman, mapapansin niya pa ako.

Pero mabait naman siya e. Namamansin, pero iba yung pansin na sinasabi ko..

Yung tipong mapapansin niya ako at magugustuhan niya rin ako...

Kids In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon