Odice's P.O.V
Patapos na ang first week ng klase. Yup, it's been 6 days since nag-start ang klase.
Naaalala ko pa noong first day..
Halos pagtinginan ako ng lahat dahil sa new look ko. (taray!)
Wala lang, gusto ko kasi na baguhin yung dating wasted look ko e.
Haha kahit forever wasted naman tong mukang to!!
Pero gusto ko sana new school year, new life, new look. Para masaya.
Nakakahiya nga e. Ang ayoko talaga sa lahat e yung pinagtitinginan ako..
Pero ang malupet na part dito, pinansin ako ni crush.
Ha-ha-ha!! Ang saya koooo!
Marami mang mag-compliment sa akin,
Yung sa kanya pa rin ang pinaka di ko malilimutan..
"Odice! Nice one, new look ah!"
Kahit na yun lang, oks lang. Solve na araw ko.
Hindi man nya ako sabihan nang maganda o kahit ano pa...
Eto lang talaga tumatak sa isipan ko. Kilig ang lola mo no!!!
"Yes, Ms. Gomez, can you please answer the sixth question?" ang biglang pumukaw sa aking pansin.
Patay!!! Lagot na naman ako kay Mrs. Jaazel. And btw, yep, ako si Ms. Gomez na tinutukoy nitong teacher kong bugnutin. Na parang araw-araw ay parang meron lagi. Pero imposible. Menopaused na ata 'to e. Okay okay, nakatingin na silang lahat sakin, time to...
Mrs. Jaazel: Odice, hindi ka nanaman nakikinig!
Me: Sorry ma'am.
Mrs. Jaazel: Okay please read and answer the question.
Me: Ma'am what number?
Lagot, nanlilisik na ang kanyang mga mata. Heeeelppp!! Kelangan ko ng tulong. Lingon dito, lingon dun. Aha!
Me: (whispers) oy mat! anong number? dali!
As usual pangisi-ngisi lang siya.. lagot na!! Wala talagang kwentang kaibigan 'tong Mat na to oh!
1....
2....
3....
deadz na ako... 4...
Alex: Number 6, odice.
------
OKAYYY. Nasagot ko naman yung tanong. Good.
But the interesting part is, si crush ang nag-save sakin!!!! What is kilig? Hahaha!!
Siya si Alex. Okay, Alex Brian Mondevilla.
15 years old din siya, kagaya ko.
Matangkad, matalino, makulet, maloko at gwapo.
Basta ma-appeal siya.
Mabait din siya. Tahimik pero pag kasama na niya mga kaibigan niya, super kulet.
Perfect na siya para sakin kaso..
Taken na e. Yan tuloy emo ako palagi. Just kiddin.
Pero most of the time, siya palagi ang laman ng status at GM ko.
Lahat patama sa kanya, pero di niya alam. Bwahaha.
Ako lang naman nakaka-alam neto e.
Miski bestfriend ko, di alam...
Alam nyo kung bakit?
Kasi 'pag nalaman ni Camille, bestfriend ko, nako po!
Mauutas yun sa kakatawa!
Eh kasi ganito yun, tinanong ako ni Camille, Camz for short, kung sino crush ko sa classroom..
Sabi ko, "Wala e, puro mga loko-loko andito e."
Inisa-isa niya mga lalaki sa classroom.
Kahit na nabanggit niya si Alex, todo deny pa rin ako.
Ayun, e magaling akong umarte, naniwala siya na may crush akong iba.
Sinabi ko, "Basta 4th year student, wala sa mga ka-batch natin, walang maayos na lalaki saten e!"
So ayun, naniwala naman 'tong Camille na 'to.
I'm so good talaga. Bwahahaha!

BINABASA MO ANG
Kids In Love
Romance"Hoy, wag ka nga jan, wag mong subukang magpa-cute jan kasi nadadaan talaga ako jan e!" Siyempre sa isip ko lang yan. Hi, ako nga pala si Odice. At may gusto ako sa schoolmate kong si Alex. At naniniwala akong kapag ang isang tao in-love, kung maka...