Chapter 2

31 0 0
                                    

May isang rason din kung bakit ayoko sabihin kay Camz yung totoo..

Kasi...

Inaasar niya kami noon pa ni Alex. Hahaha.

Bagay daw kami.

Alam nya kasi na iba ang pakikitungo ko kay Alex e, iba sa ibang lalaki.

Minsan kasi, sa iba, baliw ako, sa iba naman, tahimik ako.

E pagdating kay Alex, ang bait-bait ko lang.

Kaya nagtataka siya kung bakit. E ganun din pakikitungo ni Alex sakin.

Sa ibang babae, maingay siya pero pag kami na lang, patawa-tawa na lang.

In short, nagkakahiyaan kami. Kaya ayun, nabuo ang teorya ni Camz.

Na totoo naman talaga. Crush ko si Alex.

Ewan ko na lang kay Alex kung bat siya ganun. Siguro kung ano yung pinapakita na ugali ng tao sa kanya, ganun din ginagawa niya. Haaay ewan.

Odba? Pano na lang pag nalaman ni Camz yung katotohanan na all this time na nang-aasar siya e kinikilig ako?

Paano pa kami magkaka-lapit at magiging close ni Alex niyan?

Lalo lang magiging magulo ang lahat.

Kakalat at magagalit sakin ang tropa ng syota ni Alex. 

Yan ang ending ko.

Saklap diba? Kaya keep quiet muna.

Pag grumaduate na lang kami, saka na ako aamin sa kanya.

Yes, aaminin ko kay Alex ang lahat. 

Pero dapat medyo madrama.. ganito oh..

"Hi Alex. Alam mo crush kita dati pa e. Wala lang, share lang. Haha. Pero wag kang mag-alala, di naman ako humihingi ng kapalit e. Gusto ko lang malaman mo na kaya iba ang pakikitungo ko sayo e kasi nahihiya ako sayo. So ayun, goodluck sa inyo ni Marize! Goodluck sa college life nyo!"

Wow. Daling sabihin, hirap gawin.

Break time namin kaya ganito ako ngayon.

Day-dreaming ang lola.

Mat: Hoy babae! Kaya ka napapagalitan ni Ma'am Jaazel e kasi jan sa pag-gagaganyan mo e! Tara na nga, baba na tayo sa canteen.

Me: Pwede ba, akala mo naman concern pero kanina kung kelan kailangan kita, pambihira!! Anong ginagawa mo? Ayun, tatawa -tawa. Friends ba tawag mo dun?

Mat: Taray ni ate! Meron ka?

Me: Mukha mo! Wala no, last week pa ako.

Mat: Tas hanggang ngayon di pa rin natatapos kaya ka ganyan. Hahahaha!!

Me: Bakla ka ba ha? Tumigil ka na nga jan. Tara na! Nang-aasar pa e. Feeling pogi.

Mat: Thanks! Pogi ko talaga! *smirks*

Haaay, yan naman si Mat. Matheo Reyes. Number 1 guy friend ko!

Grabe yan makapang-asar at mambadtrip. Severe.

Well, ako lang naman yung number 1 sa listahan ng mga aasarin niya kada araw.

Nakaka-loka, pero astig niyang kasama.

Palagi kang tatawa.

Bakla?

No, hindi yan bakla no. Isa yang lalaking martyr.

Hahaha. Oo, kasi hanggang ngayon, mahal nya pa rin si Patrice.

Si Patrice ang matagal nang kaklase ni Mat since grade 4.

Crush niya na noon pa si Patrice kaso, nahihiya siyang sabihin at baka layuan siya nito.

Pero hanggang ngayon, kahit na nakaka-limang syota na si Patrice, ayun..

Todo suporta siya. Ang galing nga e.

Siya ang nagsisilbing super friend ni Patrice sa oras na may problema si Patrice.

Most of the time, lovelife ang problema ng girl.

Kahit may mga gala kami, at nalaman niyang problemado si Patrice, wooo, cancelled ang plano.

Ewan ko ba, sa dami-dami nang pagpapasaya at pagtiya-tiyaga dito ni Mat, e hindi pa rin niya mapansin-pansin si Mat. 

Pero wala e. Torpe. Kahit sa loob, nasasaktan na.

Kids In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon