Note: NOT EDITED VERSION! Maraming typos at wrong grammar and iba pang errors if ayaw mo no‘n ‘wag mo na ‘to basahin. Pero kung gusto mo mag enjoy, go basahin mo na :)
-
ANG PITONG SING-SING
Written by Supermcluna
CHAPTER 1.
-
Krisha Penincillon's POV
Umaga palang ay bumiyahe na ako papuntang Maynila para mag audition sa Channel 3 sa bagong show nila na Ladies Got Talent kung saan mga kababaihan lang ang pwedeng sumali, kaya nga Lady diba?
Ilang oras na din akong nagbabiyahe, galing pako sa Zambales bumiyahe pa papuntang Maynila para makapag audition diba taray? Pangarap ko kasi talagang maging artista. Maganda naman kasi ako at may talent.
“Hoy panget!”
Napalingon ako dun sa sumigaw bandang sa likuran ko. Hindi na sana ako titingin dahil alam ko namang hindi ako yung tinawag niya, dahil nga hindi ako panget at maganda ako duh?.
“Hoy panget!!”
Mas malakas ang pangalawa nyang tawag kaya naman lumingon na ako ng tuluyan at hinarap siya. Napansin ko yung kasama niya, Mama niya siguro ang sarap ng tulog ng Mama niya.
Yung edad ng bata ay sa tingin ko ay nasa five years old something.
“Baby boy? Sino bang tinatawag mong panget?” tanong ko sa bata.
“Ikaw!!!” malakas niyang sabi at tumawa siya ng tumawa.
Nagtinginan naman ‘yong ibang tao samin na nakasakay din dito sa Bus at ang ilan ay nagtawanan din.
Para namang biglang kumulo ang dugo ko dahil sa nangyari.
“Hoy ikaw bata ka ahhh!! Wag mo akong matawag-tawag na panget huh?! For your Information sasali ako sa Ladies Got Talent! At kapag ako ay nakuha kayo! Kayong lahat!" Sabay turo ko sa mga nakasakay sa Bus.
“Hinding-hindi ko kayo papansinin! Maglaway kayo!!” Malakas na sabi ko.
“Hoy panget! Wag ka ng umasang makukuha ka dun sa Ladies Got Talent kasi hindi yun Ladies Got Panget!" Malakas na sabi nung isang babae na sa tingin ko ay kasing edaran ko lang din. Hindi naman siya kagandahan myghad! Mas maganda pako sakanya Realtalk!
Nagtawanan lalo ang mga tao sa Bus na sinasakyan ko.
Halos kumulo ang dugo ko sa galit dahil sa mga sinabi niya at dahil pinagtatawanan nila ako.
Bigla naman may lumapit na babae sakin, akala ko ay aawayin niya ako pero nagulat ako ng bigla niya ako bulungan “Hayaan mo na sila ganyan talaga ang mga tao mapanghusga kahit hindi nila tayo kilala” Malumanay na sabi nung babae.
Hinila niya ako at pina-upo sa tabi niya may napansin naman akong isang babae na kamukha niya kambal niya siguro pero may peklat ito sa kaliwang mukha niya.
“Halika maupo ka” anyaya no‘ng Babae.
Umupo naman ako sa bandang gilid bali ako yung nasa isang gilid yung kambal naman niya ay nasa tabi ng bintana at nasa gitna naman namin ang babaeng nag-aya sakin umupo.
“Narinig ko sasali ka sa Ladies Got Talent?” tanong no‘ng babae
“Hmm yes” confident kong sabi.
“Talaga?!” gulat at nakangiti niyang sabi.
"Yeah, why?” tanong ko.
“Kami din ng kambal ko mag a-audition kami!!” masaya niyang sabi.
Tinignan ko naman silang dalawa nung kapatid niya mula ulo hanggang paa.
Napatahimik nalang ako.
“Oo na, alam ko naman hindi kami kagandahan ng kambal ko, pero may talent kami sa pagkanta” mahinaon na sabi niya.
“Sana nga basta may talent kukunin na nila no?” ang sabi ko.
“Oo nga eh, sa panahon kasi ngayon hindi na pwedeng basta talent lang dapat may” ang sabi niya sabay lapat niya ng kamay niya at nilagay sa baba ko, it means kailangan daw ay hindi lang basta talent kailangan may ganda din daw.
Tama naman siya “Hayssss,” napabuntong hininga ako.
Napangiti naman siya.
“Ariel nga pala at ‘yong kambal ko si Mariel” ang sabi niya sabay abot niya ng kanyang kamay. Kinuha ko naman ito at nakipag shake hands.
“Krisha” nakangiti kong sabi.
Inabot din no‘ng kambal niya ang kamay niya
“Mariel” mahinaon na sabi nya at ngumiti ito.
Nakipag shake hands din ako sakanya.
Ilang oras din ang lumipas at ang dami na naming napagkwentuhan. Tahimik pala talaga itong si Mariel at si Ariel naman ay sobrang daldal ang dami na nga naming napagkwentuhan, halos ikwento na yata n‘ya ang buong buhay nila.
Sabay na daw kaming mag-auditon tutal pare-pareho naman kaming mga walang alam sa maynila atlis may kasama na ako.
Ilang sandali pa at sumigaw na ang conductor tanda na nasa Maynila na kami.
Pagkasigaw no‘ng conductor na nasa Maynila na kami, biglang may humampas na kakaibang ihip ng hangin sa balat ko. Kinilabutan ako dahi do‘n. Hm, ganito ba talaga sa maynila?
Iba ‘yong pakiramdam ko. Feeling ko ay may mga matang nakamasid sa‘kin.
BINABASA MO ANG
ANG PITONG MGA SINGSING (COMPLETED)
HorrorHihiling ka ba sa singsing kahit buhay ang kapalit? Susuotin mo ba? Handa ka na ba? Read at your own risk. - Highest rank#11 (Horror) Date Started: September 8, 2016 Date Ended: March 11, 2017 Authors Note: Credits sa lahat ng may-ari ng mga pics...