Chapter 19

44 5 0
                                    


  "You said what???????!!" Pasigaw na tanong ni Belle kay Terrance. Napatayo pa ito sa sofa na kinauupuan niya. Nandito sila ngayon sa bahay nang dalaga. Sinadya talaga niya si Belle upang makipag hiwalay dito.

  "You heard me right Belle. Ayoko na. I-stop na natin to." Aniya ngunit umupo itong muli sa tabi niya. Hinawakan pa nito 'yong kamay niya.

  "P-pero Bhie, ano ka ba? Bago pa lang nagiging tayo. Saka iiwanan mo'ko? Paano na'ko?" Inialis niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya at siya mismo ang humawak rito.

  "Belle, magkaibigan pa rin naman tayo eh. Palagi pa rin ako nakaalalay sa'yo dahil kaibigan mo' ko at hanggang doon na lamang 'yon. Im sorry." Medyo nakaramdam siya nang guilt nang makitang namumuo na ang luha nito sa mga mata.

  "Is this because of Elle? Tell me, ano? Siya ba?" anito sa kaniya.

  "Hindi Belle."

  "Anong hindi e siya lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit ka nakikipag break sa'kin ngayon. Tama ako di'ba?" Tumayo ito saka humakbang sa gawing bintana. Nag uumpisa nang bumagsak ang mga luha niya kasabay nang pag bagsak nang ulan sa labas.

  "Im sorry Belle. Ayoko maging unfair sa'yo." Lalapitan niya sana ito pero humarap ang dalaga sa kaniya at saka nagsalita.

  "No. Ayoko. Hindi ako papayag na makipag hiwalay sa'yo Terrance. Mamamatay muna 'ko!" halos pasigaw ang pagkakasabi nito sa kaniya.

  "Belle, 'wag ka naman maging selfish. Alam ko na alam mo kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Shel at kung ano ang pinagkaiba niyo. Kaibigan kita, ayaw kitang masaktan sa bagay na oo nga,tayo pero gusto mo ba 'yong pag magkasama tayo ay ibang babae ang nasa isipan ko? Masasaktan ka lang at 'yon ang ayaw 'kong mangyari." Tiningnan niya ito nang deretcho,umiiyak pa rin ito habang nakatingin lang rin sa kaniya.

  "Gano'n? Wow naman Terrance! Ang honest mo! Pero pasensya ka na. Hindi ako makikipag hiwalay sa'yo. Tandaan mo akin ka lang." Matigas nitong sabi.

  "Belle please!" aniya rito.

  "Terrance, bakit ba hindi na lang ako? No'ng una, si Charlotte tapos ngayon si Elle. Tell me, bakit hindi mo makita 'yong pagmamahal ko para sa'yo. Bakit Palaging ibang babae na lang nagugustuhan mo e nangdito naman ako? Mas maganda naman ako sa kanila. Mas mayaman. Kaya ko maging mabuting girlfriend sa'yo.. Lahat gagawin ko para sa'yo. H'wag ka lang makipag break sa'kin.. please." Halos magmakaawang sabi ni Belle sa kaniya. Nadadala na siya nang awa pero buo na ang pasya niya.

  "I'm sorry Belle pero buo na ang pasya ko. Break na tayo." Iyon lamang ang nasabi niya saka siya lumabas nang bahay nito. Narinig pa niya na tinatawag siya nang dalaga at alam rin niyang humabol ito sa likod niya pero hindi niya ito pinansin. Sumakay siya sa kotse niya at kaagad pinatakbo ang makina nito.

*-*

  'Akala niyo papayag akong mapunta ka kay Elle? No way. Hindi ako papayag. Hinding hindi!!' Turan nang dalaga sa sarili. Kahit umiiyak ay masama niyang sinundan nang tingin ang kotseng sinasakyan ni Terrance.

  'Kung noon nagpaubaya ako pwes ngayon hindi na. Humanda kayo'ng dalawa sa'kin. Lalong lalo na 'yang si Elle.' Aniya. Pumasok na siya sa loob nang kanilang bahay nang hindi na niya maabot nang tanaw ang kotse. Hinanap niya kaagad ang cellphone niya at nag dinial rito.

*ring... ring..... ri--*

  "Hello tita? Yes it's me Belle. Ahm may sasabihin lang po ako tungkol kay Terrance." She smirked. Alam niya na ang gagawin para mapabalik sa kaniya si Terrance.

*-*-*

*Dingdong...dingdong*

Narinig ni Elle na may nag doorbell sa gate nila. Nasa sala siya ngayon at kasalukuyang inaayos ang mga picture frames na pinaglalagyan nang mga litrato niya no'ng pageant. Tinawag niya ang yaya niya ngunit hindi ito sumagot. Naisip niyang baka may ginagawa ito kaya napagdesisyunan niyang siya na lamang ang mag bukas nang gate at tumingin kung sino ang dumating.

  "T-terrance?? Anong ginagawa mo rito?" Gulat niyang tanong sa lalaking nasa harapan niya. Maganda ang ngiti nito sa mukha at may hawak-hawak pang stufftoy na Hello Kitty at 1dozen of pink roses. Lumapit siya rito at inabot nito ang mga dala sa kaniya.

  "Ano 'to?" Hindi niya maiwasang magtaka at kahit paano ay kiligin sa presensya nang binata.

  "Gift ko sa'yo. May good news kasi ako sa'yo e." Anito. Nagtataka man ay pinapasok niya muna ito sa loob nang kanilang bahay. Pinaupo niya ito sa may sofa at siya naman ay sumaglit muna sa kusina upang magpahanda nang meryenda.

  "Ano nga pala 'yang good news na 'yan?" Aniya pagkabalik niya sa sala. Pinapasunod na lang niya sa yaya niya ang pagkaing pinahanda niya sa sala kasi gagawin pa lamang nito ang sandwiches at juices.

  "Hmm.. wala na kami ni Belle?" Lumakas bigla ang kabog nang dibdib niya. Gusto niya magtatalon sa tuwa pero ayaw naman niyang mapansin 'yon nang binata kaya pasimple niyang sinuway ang kaniyang sarili.

  "T-talaga? B-buti pumayag siya." Lumapit siya sa isang estante at hinawakan ang isang flower vase na mamahalin. Nilagyan niya nang kaonting tubig.

  "No'ng una hindi pero wala naman siya magagawa kung ayaw ko na." Napatingin siya rito. Kumindat pa ito sa kaniya kaya napangiti siya. Hinawakan niya 'yong bouquet nang rosas at saka kumuha nang gunting. Ginupit niya ang ibabang bahagi nang rosas saka iniligay sa flower vase.

  "E paano kung magalit siya sa'yo? O sa'kin? Baka nasaktan siya." Nakonsensya naman siya bigla. Mayamaya pa dumating na ang kanilang meryenda na ginawa pa nang kaniyang yaya. Pinakilala niya ito sa binata pagkatapos ay nagpaalam na at itutuloy na raw ang ginagawa. Naiwan na naman silang dalawa sa sala at saka kumain muna. Naupo siya sa upuang katabi no'ng sofa na pinaguupuan nang binata.

  "Alam mo Belle,ayaw kong
masaktan siya. Kaya nga 'ko nakipag break sa kaniya kasi ayaw ko masaktan damdamin niya." Anito habang kumakain.

  "Nakakakonsensya. Baka mapano 'yon." Biglang nasabi ni Elle. Noon parang bahagyang nakaramdam nang pag alala si Terrance. Naisip niya na baka mapano ang dalaga dahil sa pag hihiwalay nila. Baka mastress na naman at baka atakihin na naman ito sa puso. He shooked his head sa naisip niyang 'yon.

  "Anything wrong Terrance? You okay?" Nagaalalang lumapit sa binata ang dalaga.

  "Ayos lang ako, may naisip lang ako." Hindi na nagtanong pa ang dalaga kung ano iyon. Sa ngayon, masaya at puno nang galak ang puso niya. Bahala na kung magalit si Belle basta ang mahalaga, hiwalay na ang dalawa.

*-*

Vote and Comment ^_^
glammy<3

Dragon Fly Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon