"Elle anak, mabuti naman at gising ka na." Niyakap ni Shiela ang anak na kakagising lamang.
"Mommy.."
"Kamusta ang baby namin?" ang daddy naman niya ang lumapit at nagtanong sa kaniya.
"Mabuti na lamang at hindi gano'n kalakas ang pagkakauntog ni Sheltielle, okay na rin ang body temperature niya. Sa ngayon may tests and labs pa tayong dapat gawin sa kaniya. Pero masasabi ko na sa inyong okay na ang anak niyo." Turan ng doctor na tumingin kay Elle.
"Salamat doc." Nagpaalam na ito sa kanila. Pagkalabas nito ay tumabi ang mga magulang niya sa tabi niya.
"Anak, we're very sorry. Huwag muna uulitin yon ha? Umuwi ka sa bahay natin lagi okay? Nag aalala kami sayo ng daddy mo. 4 days kang nawala iyon pala may sakit ka na. Saan ka ba pumunta?" Tanong ng ina niya.
*tok tok tok*
Tumayo ang daddy niya upang buksan ang pintuan. Nagulat pa siya nang iluwa nito ang mga kaibigan niya at kasama nito si Terrance.
"Elle, buti naman at gising ka na! Loka ka, pinag alala mo kaming lahat." ani Lynd. Napangiti siya rito. Napansin ninyang seryosong nakatingin sa kaniya si Tiffany at Sean. Lumapit ito sa kaniya. Hinawakan pa ni Tiff ang kaniyang kamay bago nagsalita.
"Tinakot mo kami. Nakakainis ka." Mayamaya pa ay umiyak na ito. Lumapit naman kaagad si Sean upang patahanin ito.
"S-sorry." Iyon lamang ang nasambit niya.
"Siya nga pala mommy, daddy.. si Sean po ang tumulong sakin nong gabing hindi na ako nakauwi. Siya po ang nag alaga sakin. Sila ni Nana Sefa." Ngumiti lamang ito sa kanila. Nagpasalamat naman ang mommy at daddy niya sa pag ligtas nito sa anak nila. Mayamaya pa ay si Terrance naman ang lumapit sa kanila.
"Ahm, pwede niyo po ba kami iwanan sandali." Pumayag naman ang mga kaibigan nila at ina ni Elle. Ang daddy niya ay ayaw iwanan ang anak na mag isa na ang kasama lamang ay ang binata.
"Dad, hayaan muna sila mag usap." Pangungumbinsi ni Shiela sa esposo. Mayamaya lamang ay pumayag na ito.
"Sorry mahal ko." Yumakap na bulong ni Terrance kay Elle. Nag umpisa nang mamuo ang mga luha niya sa gilid ng mga mata niya.
"Sorry na po. Nadala lang ng galit kaya hindi ako naniwala sayo. Patawarin mo sana ako." Yumakap ito ng mahigpit sa kaniya. Hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya. Bumuhos na ang lahat ng sama ng loob at hinanakot niya sa lalaki.
"Paano kung ayaw pa rin sakin ng mommy mo, paano ku--" hindi na pinatapos ni Terrance ang kaniyang sasabihin.
"Wala na akong pakielam kung ayaw o gusto sayo ng mommy ko. Basta mahal kita. At walang makakapigil sakin. I love you mahal ko."
Napangiti siya sa narinig niya.
"Paano si Belle?" tanong niya ulit.
"Kaibigan ko lamang siya at hanggang doon lamang iyon. Ikaw lang ang mahal ko. I love you, I love you." Natawa siya sa binata.
"Sirang-plaka!"
"Ano?"
"Wala. Sabi ko I love you more." Pagkasabi niya ay gumanti na ito nang yakap sa binata. Natatandaan niya, nag karoon siya ng bandage sa ulo ng una silang magkakilala, tapos ngayon may bandage na naman siya.
*-*
Nagkaharap-harap na ang mga magulang nila at nagkaayos na rin. Nagkapatawaran na silang lahat. Si Belle naman ay tinanggap na lamang na hanggang magkaibigan na lamang talaga sila ni Terrance. Kalaunan ay naging magkaibigan na rin sila ni Elle. Sila Sean at Tiffany naman ay hindi pa rin malinaw kung anong status mayroon sa kanila.
Sila Lynd at Dylan naman, ayon masaya pa rin. Under pa rin ni Lynd si Dylan.."Mahal ko, excited ka na ba sa birthday mo?" tanong ni Terrance sa kaniya. Nasa bench sila sa may ilalim ng puno.
"Oo. Super. Ano ba yang ginagawa mo?" Lumapit sila sa boyfriend niya. Kanina pa kasi ito may inuukit.
"Pangalan natin. Inukit ko sa katawan ng puno na ito para kahit na anong mangyari maging kasing tibay tayo nito."
"oooohhh! Sweet naman. I love you mahal ko. Promise walang makatibag satin." Yumakap siya sa nobyo saka nila pinagpatuloy ang pag ukit ng mga pangalan nila.
The End.
*-*
Tapos na. Abangan ang Epilogue. hahaha
glammy <3
BINABASA MO ANG
Dragon Fly Academy (Completed)
Roman pour AdolescentsSana po suportahan nyo ang story ko na ito. Napost ko na to before sa dating account ko kaso nakalimutan ko yung password kaya di ko na natuloy. Napost na rin sa Facebook page ko. Ngayon dito kona pinost para mas marami makabasa. Thank you. -- ItsMe...