Chapter 21 - The Tapping

43 3 0
                                    

Guyseu~! Sorry sa napakatagal na update! May sakit po kasi akong tinatawag na Writer's Block. Sorry po talaga. Nagwarning na po ako sa simula pa lang na mahina ang usad ng storyang 'to pero salamat parin sa mga nagbabasa.



********************************

Gray's P.O.V


Nagising ako sa sinag na araw galing sa bintana ko. Pero sapagkakatanda ko, sarado yan kagabi ehh. Nakakapagtaka naman?

Bumangon nalang ako para maligo. Ngayon na kami magsisimula sa shooting namin. 

Pagkatapos kung maligo agad akong naka-receive ng message galing sa manager ko. Nagbihis muna ako bago ko tinignan.

"Gray, where are you? Our tapping will start on 8 am here in Gwangju." 

"Oppa, Paalis nako sa condo. Anjan naba ang lahat?" i replied habang bumaba ng hagdan. Kinuha ko ang susi ng kotse ko sa lamesa biglang nag beep nanaman yung phone ko.

"Yes, so hurry up it's already 7:35 in the morning. Traffic pa papunta dito." 

"K oppa." i replied at umalis nasa condo.

-----------------------------------------------

Naglalakad ako papunta sa parking lot ng maramdaman kung parang may nagmamasid. Baka guni guni ko lang. 

Pumasok nalang ako sa kotse at ini-start ang engine.

Habang nagdadrive may nakita akong dalawang kotse na sumusunod saakin. Anong problema ng mga to? 

Binilisan ko ang pagpapatakbo, ganun din sila. Lumihis ako sa isang shortcut road at binilisan ko ang pagpapatakbo ng may dalawang van na humarang sa unahan. Damn! Corner ako. Agad kung tinapakan ang brake.

Bumaba ang driver ng van ng may dala dalang baril at...






Sylvester?!?!




Seira?!?!?!




at may kasama silang pitong lalaki

Anong nangyayari?!?!

Agad akong bumaba sa kotse ko at tumakbo papunta sakanila. 

"Anong nangyayari?! Pinapasundan mo ba ako Sylvester? Kasama niyo ba sila?" Agad kung sabi sakanya.

"Hindi ka namin pinapasundan Gray lalong hindi namin yan kasama. Hindi pa oras para sabihin ko ang tungkol dito pero isa lang ang gusto nila at yun ay ang mamatay ka." sabi niya habang kinakasa ang dalawang baril. 

Nagsilabasan ang mga taong laman ng dalawang kotse. Sampung mga lalaki.

"Ang magagawa mo lang ngayon Gray ay patayin sila o ikaw ang papatayin nila." sabi niya at binigay ang baril sakin.

"ANO?!?! AKO?!?! PAPATAY?!?!" 

"Tulad nga ng sabi ko. Papatayin mo sila o ikaw ang papatayin nila" magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng isang putok.

Shiit! Sinusugod na nila kami. Agad kung binaril yung isa. Sapul sa ulo. Hindi ko alam pero feel ko parang sanay na akong humawak ng baril. Baka guni guni ko lang.

Sinipa ko yung lumapit sakin at binaril yung isa. Pagtingin ko sa mga kasama ko napatumba na nila yung iba.

Agad ko silang nilapitan. 

With This Delinquents ; HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon