Chapter 1

414 11 5
                                    


Gray's P.O.V


*Kriiiiiiiiiiiiiiiinnnnngggg!!*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa tabi ng side table ko. Umaga na. Ngayon pala ang pasukan namin. Nag unat na ako at tumayo para maligo.

"Hayyyyyyyyyyy!!!"

Nilipat kasi ako ni mama sa isang private school. Ok naman sakin yung eskwelahan ko noon pero di na ako pwede dun. Pumunta na ako sa banyo para makaligo na at ginawa ang iba pang morning rituals 

"Nak, dalian mo na dyan ng makakain ka na, dapat di ka ma late, first day of school pa naman"

"Opo!" 

Nagsuklay muna ako ng buhok ko at naglagay ng pulbo at lip tint. Ganyan lang ako mag ayos eh. Nilagay ko narin ang lenses ko. Mahirap na.

Pagbaba ko, nakahain na ang lahat   ng mga pagkain sa lamesa

"Kumain kana bago ka pa mahui sa skwela "

"Opo" 

Ako nga pala si Aberdeen Lopez. 

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko sa kitchen sink ang pinagkainan ko at nag paalam na kay mama. Hinalikan niya lang ako sa noo saka na ako pumunta sa garahe. Motor ang gagabitin ko ngayon. Safe naman dahil di ako naka uniform. Kinuha ko ang helmet ko at biker's jacket. Umangkas nako sa motor. Regalo ni papa tung aprilia ko kaya iniingatan ko to.


----------------

Pagdating ko sa school pinagtitingan ako ng mga tao. Yung mga tingin na parang nakakita sila ng unusual na bagay. Hindi ko na lang pinansin tska pumunta na ako sa registrar's office.

Pagpasok ko sa opisina ay napansin ko agad ang italian interior designing ng kwarto. 

"Ohh ikaw pala Ms. Lopez" sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Mukhang nasa mid-30's pa ata siya. 

"Kukunin ko sana ang schedules ko."

"Ahh nga pala hindi ko nabigay sa inyo" sabi niya sabay tingin sa computer screen at ipinrint schedule ko sa isang maliit ng papel.. 

"Here Ms. Lopez, so pwede ka ng umatend ng klase mo ngayon" nag bow lang ako at umalis  ang na. Tinignan ko ang listahan at naglakad na para pumunta sa klase ko.

"Bldg. 3 (Room 25)" habang tinitingnan ko kung anong room ko may nabangga ako lalaking may katangkaran at may kasama rin ito. Nahulog ang isa niyang dala kay kinha ko at inabot.

"Pasensya sa abala" sabi ko at nagpatuloy sa paglalaka pero nariinig ko ang isang boses sa likuran ko. Agad akong napalingon.

"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Tanga" sabi nung lalaki

Agad na napataas ang kilay ko. Kasalanan ko bang hinahanap ko ang room ko?

"Di ako tumitingin dahil hinahanap ko ang room ko." Sabi ko ng naka pokerface pa rin.

"Bobo" pabalong kong sabi pero sapat na siguro upang marinig niya.

"May sinasabi ka?" sabi ng lalaking nabangga ko

"Di ka naman siguro bingi diba?" 

"Tss" sabi niya sabay alis kasama ang isang lalaki na kasama niya. Nakatingin pa rin sakin ang kasama niya. Galit ata sa ginawa ko but who cares?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad  para hanapin ang room ko pero nang tumingin ako sa relo ko ay ate na pala ako pero consider naman siguro yun kasi first day ko naman. Sa kalagitnaan ng paghahanap ay nakita ko na rin ang room ko. Agad na akong pumasok na makita kong nagdidiscuss na ang teacher. 





With This Delinquents ; HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon