Twenty five

6.4K 208 4
                                    

Tunog ng emergency alarm sa I.C.U ang nagpahinto Kay Jake. Agad silang pumunta sa I.C.U area.

"What is happening?" ang pasigaw na tanong ni Brent sa isang nurse na lumabas sa I.C.U.

"Hintayin nyo na lang po si Doc." ang sagot nitong malamlam ang mata.

Samantala sa loob ng I.C.U.

"200V." sabi ng Doctor na pawisan. "defibrillator increase 700V...Umiling ito..." 1700V.."bagsak ang balikat na umiling ang Doctor at pawisan itong huminto sa ginagawa..(sori di ko po masyadong alam sa ganito sitwasyon).

"Time of death 8:25pm ang deklara ng Doctor. At lumakad na ito palabas ng I.C.U.

" Doc,anong nangyari sa kapatid ko?"ang tanong ni Dave na halos ay sakalin na ang Doctor sa pagkakahiga ng suot nitong gown.

"I'm sorry ginawa na namin ang lahat pero hindi nya kinaya ang tinamong bala sa kanyang spinal cord. I'm sorry.

" hindiiii!! ang sigaw ni Brent at patakbong ng pumasok sa loob ng I.C.U,nakita nyang tatakluban na ng mga nurse ang katawan ni Aira ay agad nyang itinulak ang mga ito.

"Alis mga walang kwenta, hindi pa sya patay buhay pa sya wag nyo syang hawakan!!" Ang sigaw ni Brent habang dumadaloy ang mga luha.."sweety wake up please, di ba nag-usap na tayo sweety bakit mo naman ginawa ito,huhu c'mon wake up di ba may ipagtatapat ka pa sa'kin sweetyyyyy..."ang tangis ni Brent at si Dave ay halos di na makapagsalita at maging si Jake napuno ang I.C. U ng iyak at pati ang mga nurses ay di napigilang lumuha.

Samantala nagtataka si Aira dahil kanina pa sya lakad ng lakad sa malawak na garden pero wala syang makita kahit isang tao,namalat na rin sya kasisigaw,at kanina pa rin nya hinahanap ang mga naririnig na iyakan ngunit wala syang makita.

Ipinagpatuloy nya ang paglalakad at napadako sya sa isang puno na napakaraming bunga at napaplibutan ng bulaklak at sa kanyang paglapit ay nakita nya ang pamilyar na bulto ng katawan na nakatalikod sa kanya.

"Mom?" Ang tawag ni Aira.

"Aira anak,bakit ka nandito?"ang tanong ng kanyang ina.

" aren't you happy to see me mom?" malungkot na tanong ni Aira.

"I am ofcourse you know that I love you so much,but baby hindi pa ito ang tamang panahon,may oras ka pa balikan mo ang kuya Dave mo ang mag-ina mo." ang taboy ng ginang.

"Mom, what are you talking about?

" come." at inakay nito si Aira."did you hear them, they're calling you at si BM he needs you Aira,c'mon! Anak habang may oras pa bumalik ka sa kanila, go!" At niyakap nya mahigpit ang anak bago ito itinulak palayo sa kanya..

Parang nahulog si Aira sa napakalaking na balon nakita nya ang emergency room at parang pelikulang bumalik sa kanya ang lahat,sa hospital magkasama sila ni Brent, ang pagbaril sa kanya."shit! don't tell me that I'm dead!"lakad takbo ang ginawa nya,napadaan sya sa kwarto kung saan naroroon si BM.Napahagulgol sya ng iyak ng makita ang anak.

"Baby mommy is here,you have to wake up I promise you as soon as you open your eye's, I'll introduce your real dad." At hinalikhalikan nya ito sa pisngi."maya-maya pa ay gumalaw ang kamay ng bata,at napasigaw si Shaira na nagbabantay Kay BM,ng makalapit ang nurse at doctor at tiningnan si BM ay ideklara na maayos na ang bata.

"Brent tama,na wala na tayong magagawa pa."ang lumuluha na wika ni Brenda.

Mula sa kwarto ni BM ay nagmamadaling lumabas si Aira patungo sa I. C.U at duon ay nakita nya ang lalaking pinakamamahal na nakayakap aa kanyang katawan habang umiiyak, ganun din si Jake ang kanyang kuya Dave na umiiyak at maging si Shaira na humahangos ay napapalahaw ng iyak.

Leaving On A Jet Plane (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon